Chapter 1

3.6K 88 3
                                    

MALAS DAY.


D A L E



Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bukas na bintana ng kwarto ko. Napaupo ako at ikinusot ang mata.



*moaning



"Goodmorning Sun Shine and Hello World!" sigaw ko habang naguunat. Ang sarap ng gising ko ngayon ah. Napatingin ako sa gilid ng kama ko. 10:15am lang pala, sabi ko sa isip ko. Pero w-wait. Ano?



"Waaaaahhhhh" sigaw ko. Oh My Gosh! Late na ako nakakainis kasi na palabas yan e pinuyat ako kagabi.



Agad akong napabalikwas at agad na tumayo. Tumingin ako kay Tash at salamat ay tulog pa siya,.hays buti nalang hindi ko siya nagising. Pumunta na ako sa banyo dito sa loob ng kwarto ko. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na naligo. Agad din akong nagayos simpleng white v-neck shirt at black pants. Konting pulbo at liptint and charaaan. Napatitig ako sa mukha ko ang ganda mo Dale haha.

Bumaba na ako at agad na nakita si mama na nagwawalis sa sala. Napataas ang kilay ko dahil wala namang kalat. Ewan ko ba kay mama kunwaring nagwawalis para may magawa lang haha. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay napatingin siya sakin.



"Oh saan ang punta mo anak? Halika at mag almusal ka muna nagluto ako ng paborito mong omellete rice" Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba o hindi sayang naman kasi effort ni mama kung hindi ko kakainin.



"Hmm Ma late na kasi ako pwedeng dalhin ko nalang para hindi sayang"



"Okay sige, pero hindi ka ba gutom?" Umiling ako. Napapayag ko din si Mama. "Magingat ka kung saan ka 'man pupunta"



"Opo 'Ma i love you bye po" At niyakap siya. Napangiti nalang ako sobrang bait kasi nitong si Mama hindi ko yata kaya kung mawalay pa siya sakin.



"I love you too Anak! Umuwi agad mamaya" sabi ni mama habang tumatango tango pa.




Nagwave na ako ng kamay at lumabas. Teka nakalimutan ko yung pagkain. Napakamot nalang ako sa batok.

I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon