Chapter 21

719 24 1
                                    

Sorry.

D A L E


Nagising nalang ako na sobrang dilim ang paligid at hindi ako makagalaw.

"Tuloooong!... tuloooong!... tulungan nyo akooo!" Sigaw ko pero parang wala naman nakakarinig sa akin. Bigla namang bumukas ang ilaw nilibot ko ang paningin parang nasa lumang bodega ako. Napatingin ako sa sarili nakatali ang paa ko at nakatali ang dalawang kamay ko habang nasa likod.

"Hello Dale masarap ba ang tulog mo?" Napatingin ako sa nagsasalita pababa sya sa hagdan hindi ko masyado maaninag ang mukha nya dahil madilim pa sa bandang iyon.

"Alam mo bang namiss kita kaya ka nga nandito kasi sobrang miss na miss kita" Sarkastikong sabi nya. Nang makalapit sya ay nanlaki ang mata ko. What?

"A-allona?" Utal kong sabi. Pero b-bakit? Anong nagawa ko sa kanya?

"Surprise!" Natatawa nyang sabi. Itinaas pa ang dalawang kamay na parang bata sabi ko na nga ba baliw sya. "Masyado ka namang nagulat wala pa nga tayo sa climax hahaha... don't worry Dale hindi rin naman kita papatagalin dito sa mundo kaya hindi mo na maaabutan ang kalagitnaan ng kwento mo hahahaha" Anya lalo akong nainis sa evil laugh nya. Baliw!

"Ano bang nagawa ko sayo bakit mo ako ginaganito?" Inis na sigaw ko. Pero parang wala lang sa kanya kahit maputulan ako ng litid sa leeg. Ngumisi pang sya ng nakakaloko at tinignan ako ng matalim.

"Malalaman mo rin wag kang atat" Lumapit naman sya sa mukha ko at itinaas ang mukha ko ngayon ay malapit ang mukha namin sa isa't isa. "And k-" Hindi ko na sya pinagsalita pa at dinuraan ko sya sa mukha.

"Bastos ka!" Sinampal naman nya ako ng ubod ng lakas, aray. Feeling ko tuloy bakat ang kamay nya at namamaga ang pisngi ko. "Kahit kailan talaga makapal ang mukha mo Dale ilang lalaki pa ba ang paiikutin mo?... Kung tutuusin wala namang makukuha sayo at tandaan mo hindi ka mabubuntis kaya sayang lang kung mapupunta lang si Chris sayo!" Inis nya akong dinuro duro. So ng dahil kay Chris kaya sya nagkakaganito, what the hell.

Umalis na sya sa harap ko dapat lang sa kanya yun dahil mukha syang lupa. Ano bang kinaiinis nya kung tungkol naman kay Chris napaka immature nya hindi ko na kasalanan ang hiwalayan sya. Halata naman sa ugali nya kaya sya iniiwan.

Napatingin ako sa bintana na animo'y nasa labas labg si mama. Nagaalala ako sa kanya alam kong hinahanap na nya ako ngayon. Wala akong magawa dahil walang kalaman laman itong malaking bodega walang kahit na anong bagay para makatakas ako.

Tumulo nalang ang luha ko sa inis dahil kahit na anong sigaw ko dito parang wala naman nakakarinig sakin. Wala akong kasalanan bakit ba ako ginaganito?

Lumipas ang mga oras naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko nagugutom na ako. Napitingin naman ako sa pinto sa taas bumukas iyon at may silhouette ng dalawang lalaki ewan pero kinabahan ako bigla.

"Ang Prinsesa ko kamusta na?" Kumunot naman ang noo ko sino ba 'to nahihibang na ba sya. "Dale kamusta na?"

Nanlaki nalang ang mata ko sa nakita kung sino ang lalaking ito. Paano nya nagawa sakin 'to. Naluha nalang ako.

"Pano mo 'to nagawa sakin?" Sabi ko habang naluluha sa inis.

"Shh don't cry baby" Pinunasan naman nya yung luha ko pero nilayo ko ang mukha ko at inis na tumingin sa kanya.

"Walang hiya ka pinagka tiwalaan kita" Pinigilan nya ako at niyakap pero kinagat ko yung braso nya.

"Aray" Anya habang hinihipan ang kagat ko sa braso nya.

I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon