Chapter 15

1.3K 57 2
                                    

Friend Zone.

D A L E


Nagising nalang ako at napaupo.  Humawak ako sa sintido ko na hanggang ngayon ay masakit. Napaginipan ko na naman yung batang umiiyak sa kakahuyan nakaramdam ako ng awa para sa kanya dahil siguro ay nawawala siya. Inikot ko ang paningin nandito pala ako sa hospital. Hindi ko maintindihan na biglang sumakit ang ulo ko. Argh

Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at humigpit pa iyon. Napatingin ako sa kanya at nagaalala siyang nakatitig sa akin. Napangiti nalang ako ng makita siya.

"Tatawag lang ako ng doctor" Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya para pigilan siya. Kaya napabalik ulit siya sa pag-kakaupo.

"No need... mas kailangan kita ngayon" Hindi ko alam pano ko nasabi yun. Nakita ko naman sa mata niya na nagliwanag ito huli na ng marealize ko na nasabi ko yun. Gosh Dale.

"Okay ka na ba?" Halata sa tono ng boses niya ang pag-aalala. Kaya humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tumango lang ako.

"Regil mag promise ka na lagi kang nandito sa tabi ko" Nagulat siguro siya sa nasabi ko. Kaya hinaplos ko ang mukha niya.

"Y-yeah Dale i-i promise" Sabi niya sabay taas ng kanang kamay.  Natawa tuloy ako sa kinilos niya. Akala mo tuloy nagpapanatang makabayan siya.

Napatingin ako sa gilid ko napangiti ako kasi ang daming prutas at may bulaklak pa talaga. Wow ang sweet naman. Napatingin ulit ako sa kanya at ngumiti pero seryosong mukha lang ang bumungad sakin. Bakit naman kaya masama makatingin ang isang ito.

"Bigay pala yan nung ka-trabaho mo" Sabi niya sabay tingin sa malayo. Napaisip ako sino naman?

"Sino daw?"

"Yung Carl at bakit binigyan ka niya ng bulaklak ha?" Maangas na tanong niya. Napailing nalang ako. Hays iniisip siguro niya na may iba akong karelasyon hay nako!

"Kaibigan ko lang yun" Ngumisi lang siya psh ayan na naman yung nakakainis na ngisi niya.

"Talaga ba? pwes simula ngayon ako lang pwede mag bigay ng roses sayo ayoko ng may iba pa, okay ba yon?" Sabi niya habang hawak ang mukha ko. Pinisil pisil niya pa iyon.

"Sino ka ba para pagbawalan ako" Sabi ko at nagkunwaring nagtataray.

"Manliligaw mo bakit sino pa ba manliligaw mo wag kamo siyang magpakita sakin baka kung ano pa gawin ko sa kanya" Mayabang na lintanya nito. Natawa tuloy ako sa itsura niya.

"So ngayon itigil mo na ang panliligaw mo" Nagtaray taray pa ako kunwari naaaliw ako sa mga reaksyon niya.

"What? are you kidding me? Dale naman pumayag ka na tapos ganito lang tatapusin mo agad" Napatayo pa siya at napasabunot sa buhok.

"Fvck" Sabi nito at sinipa ang upuang inuupuan niya.

"Regil... uy" Sabi ko at hinabol habol ko pa ang kamay niya. My gosh makakatakot naman magalit itong si Regil susme baliw ka talaga Dale.

"Dale please bawiin mo yung sinabi mo mababaliw ako pag pinatigil mo ako" Nagmamakaawang sabi niya. Hawak hawak niya ang mga palad ko ngayon. Nakaramdam ako ng takot sa ginawa ni Regil parang seryoso na talaga siya pero hindi maaari straight siya. Baka sa huli ako ang masaktan siguro nga ay naguguluhan lang siya.

"Binibiro ka lang promise ikaw lang"  Ikaw lang ang tunay na kaibigan ko na lalaki. Niyakap ko lang siya ng mahigpit ramdam ko na seryoso talaga si Regil. Biglang bumukas ang pinto at niluwa non si mama at Shane.

I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon