Chapter 20

688 32 2
                                    

Missing Dale.

S H A N E


Paglabas ko sa C.R nagtaka ako kasi wala si Dale sa kinatatayuan nya. 'Sabi ko hintayin ako e tigas talaga ng ulo'. Kukunin ko sana yung phone ko pero nasa bag pala na dala ni Dale. Ano ba 'to malalagot ka talaga sakin mamaya Dale.

Hinanap ko sila Clarisse sakto namang nakita ko si Miles.

"Miles nakita mo ba si Dale?" Mukhang may hinahanap din sya.

"Hindi e kaya nga hinahanap ko din" Nakaramdam ako ng kaba. "Kanina tumawag sakin tapos hindi na sumagot"

"What? Baka kasama nila Sir Chris"

"Magkakasama kaming lahat banda dun sa waiting area ng mga sasakyan kayo lang wala ni Dale akala ko nga kasama mo" Lalo akong kinabahan shet baka naman tch ayoko mag isip ng kakaiba.

"Tara nga puntahan natin sila" Agad kong hinila si Miles.

Nang makarating ay pasakay na sila sa dalawang van. "Sandali guys bumaba muna kayo wala si Dale hindi namin makita" Nagulat naman sila agad din naman silang nag babaan.

"What akala namin ay kasama mo" Sabi ni Clarisse.

"Nag CR lang ako saglit tapos paglabas ko wala na sya dala dala yung mga gamit namin" Napasapo naman si Benedict.

Dali dali namang lumabas sila Sir Chris at Regil sa kabilang van. "Bakit anong nangyayari?" Alalang tanong ni Sir. Chris.

"Si Dale po nawawala" Sabi ni Miles.

"Wag nyo munang sabihin na nawawala malay nyo e may pinuntahan lang subukan nyong tawagan" Agad ko namang hiniram ang cellphone ni Miles at tinawagan ang number ni Dale.

Pero hindi sya sumasagot hanggang sa hindi ko na macontact. Bigla namang tumakbo si Regil papunta sa loob.

Kaya naman sinundan namin sya pero bigla nalang din sya nawala. Sana ay nasa mabuting kalagayan si Dale ngayon huwag nyo syang pababayaan.

Dali dali kaming pumunta sa controlled room para macheck ang CCTV. Nagplay na ang video at nagulat kami sa sumunod na pangyayari may lalaking sumusunod kay Dale at may matandang babae naman syang sinusundan hanggang sa mawalan na ng malay si Dale at ipinasok sa sasakyan.

"Posible bang makuha natin ang plate number nila?" Alalang tanong ni Sir Chris.

"Oho tignan natin sa ibang parte ng CCTV"

May kinalikot si kuya at napunta sa sasakyang dumukot kay Dale pero nabigla kami kasi walang plaka ang sasakyan nila. "Hindi maaari yon"

Chineck namin ang itsura ng mga lalaki at babae pero parehas silang balot kaya hindi namin mamukhaan. Shet walang mangyayaring masama kay Dale in Jesus name.

Sumakay na kami sa van pero walang nagpakitang Regil nagtaka ako bakit wala sya. Simula nung nalaman nyang nawawala si Dale hindi na sya nagpakita.

Dumiretso kami sa Istasyon ng police pina imbestiga namin ang nangyari. Naluha nalang ako hindi ko kayang wala si Dale napatingin naman ako sa biglang dumating nanay pala ni Dale.

"Tita" Yakap ko sa kanya.

"Yung anak ko? Anong nangyari sa anak ko?" Naawa ako kay Tita. Naiyak nalang ako ng ikwento ni Miles.

"Maam huwag po kayong mag alala kumikilos na po ang pulisya sa nangyari" Sabi ng isang pulis.

"Magiging okay din ang lahat tita"

I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon