Second Kiss .
D A L E
Monday ngayon at nakikinig na naman ako sa mga boring na mga prof. Kaya naisipan kong bumaba para kumain sa Cafeteria. Absent si Shane dahil nilalagnat kuno.
Nang makarating bumili ako ng pizza. Nakita ko si Regil na nagtatago sa ibang stall sumunod ba siya sakin? Parang lang siyang tanga. Hayst ang kulit talaga ng isang 'to. Kanina pa ako kinukulit sa room.
Nang mapansin niyang nahuli ko siya lumabas na siya sa stall at ngumiti. Nagkamot pa sa batok. Hahaha magtatago nalang pahalata pa.
"Bakit ka lumabas?" Umupo siya sa harap ko. Sabi niya ng marating ang kinauupuan ko.
"Nagutom ako e paki mo?" Umiling lang siya at kumuha ng slice ng pizza. Aba!
"Ibalik mo nga yan ang dami mong pera tapos mangbuburaot ka lang" Inis na Sabi ko habang inaagaw sa kanya yung pizza.
"Nagugutom din ako e paki mo" Gaya-gaya pa siya nagpout ako. Argh bwiset.
"Edi bumili ka" Sabi ko.
"Edi bumili ka" Sabi niya baliw na ata ang isang 'to.
"Ginagaya mo ba ako?" Napapatingin na yung nga tao samin. Pano ba naman ang lakas ng boses naming dalawa. Nakakahiya na.
"Ginagaya mo ba ako?" Ah gaya-gaya ka ah.
"Wala akong kwenta hindi ako mahal ng nanay ko kulang ako sa aruga" Natatawang sabi ko. Sige ha tignan natin kung kayo mo sabihin yan. Pero onti-unting nawawala ang ngiti ko ng makitang seryoso na si Regil.
"Ah ganon" Sabi niya at biglang tumakbo palayo dala ang bag at ang buong pizza box ko. Hala!
"Hoy yung bag ko akin naaa!.... bwiset ka talaga Regil" Inis na sigaw ko habang hinahabol siya.
Naalala ko tuloy yung nangyari nung isang araw.
*flashback*
"Araaay ko!" Nagulat ako sa nakita. Si.. si Regil.
Patalon talon siyang hawak yung paa niya dahil natamaan ko ng nakabukas na lata. Napatingin ako sa paa na hawak niya hala nagdudugo. Kasalanan mo 'to Dale.
"Sorry Regil Tara umupo muna tayo dito sa bench gagamutin ko sorry talaga" Inakay ko siya para umupo bakit kasi nandun siya hindi man lang siya umilag.
"Teka may betadine at band aid ako sa bag" Sabi ko nakatingin lang siya sa ginagawa ko at hindi nagsasalita.
BINABASA MO ANG
I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLD
RomanceMeet Dale Navarra, Dale is an androgynous gay. Who wants to go up to the hardness of life. He had a loving mom and supportive bestfriend. But when Dale met two men who would love him to much. Which one of them will Dale's choose? The man who is bad...