Scape.
C H R I S
"Mom.. Dad" Nagtungo ako sa police station dahil binalitaan nila ako na nawawala daw si Regil."Son" Yakap ni Mom sakin nang makalapit ako. Ramdam ko ang panginginig ng kamay nya dahil sa balitang nalaman. Sino ba ang nasa likod ng pagkawala ng malalapit na tao sa buhay ko.
"Kwento nyo po yung nangyari" Sabi ko kay Mom na ngayon ay naiiyak na. Pinakita nalang sakin ang CCTV footage nabigla ako dahil hinampas si Regil sa ulo ng baril. Katulad din sa dumukot kay Dale wala ding plate number, sht!
"Ang tigas kasi ng ulo ng anak mong iyan sinabihan na natin na lumayo na sa taong iyon" Inis na sabi ni Dad kay Mom. Sino ang tinutukoy ni Dad, si Dale ba? "Kahit kailan talaga pinapahamak nya ang apelyidong Antonio"
Ang akala ko ay may kinalaman si Regil sa nangyari kay Dale pero hindi nagkamali ako. Biktima rin sya at nag sisisi ako sa ginawa ko sa kanya. Wala akong kwentang kuya kung ganon dapat ay binabantayan ko sya at nilalayo sa kapahamakan. Naiinis ako sa nangyayari hindi ko alam ang unang gagawin ko.
Kasama ko si Shane ngayon sa Cafeteria hindi naman kami masyado nag uusap dahil hindi pa kami ganoon ka close. Sinabay ko lang sya kawawa naman dahil nag iisa lang sya. Hanggang ngayon ay wala parin balita kay Regil at Dale nag aalala na ako sa kanila.
"Uhm.. Chris kanina pa may tumatawag sa phone mo hindi mo ba sasagutin?" Nagitla ako at napatingin naman ako sa phone.. Dade.
"Yes Dade any problem?"
"Nabalitaan ko yung nangyari kay Regil, ano nang sabi ng pulis?" Napabuntong hininga nalang ako.
"Wala parin hindi ko ba alam kung kumikilos sila parang walang nangyayari sa kaso" Napatingin ako kay Shane na nakakunot na ang noo.
"Sige salamat pre subukan ko tumulong" Napatango nalang ako sa kawalan at napabuntong hininga. Pinatay ko na rin ang tawag saka niyaya si Shane na umakyat na.
Sa hindi inaasahan nakasalubong namin si Allona. Ngiting aso. Lumapit ito sakin at nginuso si Shane naintindihan ko naman ang ibig nyang sabihin. Hindi ko nalang pinansin at nilagpasan nalang sya tch wala naman akong mapapala sa isang yan.
"Alam mo ba inis na inis ako dyan sa ex mo na yan hindi ko alam kung bakit mo pinatulan yan" Inis na sabi ni Shane habang mataray na nakatingin sa papalayong si Allona.
"Huwag ka mag alala kay Dale na ako nakatali ngayon" Biro ko. Napakunot naman ang noo nya dahil sa sinabi ko. "I mean hehe you know?" Nahihiya kong sagot.
"Pano ka nya masasagot hays nag aalala ako sa kanya sana nasa mabuting kalagayan lang sya no?" Napatango nalang ako. Maging ako nag aalala kay Dale halos hindi ako makapag focus sa pag aaral at trabaho dahil sya lagi ang naaalala ko.
_____
"Clarisse timplahan mo ako ng kape" Kahit na may mga tinitindang kape dito sa Love Cafe mas gusto ko parin yung kapeng barako. Si Clarisse kasi ang tagalinis ko ngayon sa opisina. Lumipas na ang ilang araw pero wala paring nangyayari. Napakagaling gumawa ng krimen plantsadong plantsado.
"Opo" Napasandal nalang ako sa swivel chair ko at napabuntong hininga. Nang mawala si Regil sa mansyon ay kinalungkot nilang lahat lalo na si Mom at Dad. Halos hindi natutulog sila Mom at Dad para lang mahanap si Regil nagbigay sila ng kung ano anong impormasyon sa media para matulungan sa paghahanap pero bigo sila.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil tumunog ito. Nagtext si Shane napakunot naman ako bakit kaya?
May nakuha ng impormasyon ang pulis hintayin ka namin dito sa police station.
BINABASA MO ANG
I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLD
RomantizmMeet Dale Navarra, Dale is an androgynous gay. Who wants to go up to the hardness of life. He had a loving mom and supportive bestfriend. But when Dale met two men who would love him to much. Which one of them will Dale's choose? The man who is bad...