Date.
D A L E
Nagising ako dahil dinidilaan ako ni Tash sa mukha. My Gosh!
"Tash stop it" Nakikiliti ako sa dila niya. Wait parang wala na akong katabi. Napatingin ako sa gilid ko tapos sa ilalim ng kama baka nagtatago para takutin ako. Pero wala!
Nasan na kaya ang kumag na yun. Umupo ako at niyakap si Tash. Oh My Gosh napahawak ako labi ko ano bang ginawa ko kagabi. Naalala ko yung nangyari kagabi. Waaah! bakit ko ba nagawa yun.
Napangiti ako dahil sa nangyari. Sinampal ko ang sarili gaga ka talaga Dale parang gusto mo din ang nangyari. Lumabas na ako para puntahan si Regil sa baba. Siguro ay pinapakain na siya ni mama. Magaling na kaya siya?
Nakarating ako sa kusina kumunot ang noo ko dahil walang Regil na nandoon. Naabutan ko si mama na nagluluto.
"Ma si Regil po?" Tinignan ko pa ang banyo pero wala siya nasan kaya yun?
"Wala ba sa kwarto mo?"
"Wala po" Umupo nalang ako sa upuan. Umuwi na siguro siya hindi 'man lang nagpaalam.
"Baka umuwi na hindi ko pa siya nakikita... Osiya kumain ka na hayaan mo muna ang boyfriend mo"
"Hindi ko nga po siya boyfriend" Tinignan lang ako ni Mama ng makahulugan.
Habang kumakain ako. My Gosh naalala ko na hindi pala ako nakapasok ng trabaho kahapon at dahil friday ngayon may pasok ako ng maaga sa store.
Magso-sorry nalang ako kay Sir. Ano bang pwedeng valid reason? Hays.
Habang tinatahak ko ang daan may tumawag sa phone ko. Regil's calling.
"Bakit at hindi ka pa nagpaalam sakin?" Inis na tanong ko. Binantaan niya pa ako kagabi na kapag may nangyari sa kanya ako ang malalagot. Tapos siya pala 'tong mawawala bigla siraulo talaga.
"Haha nagaalala ka ba sakin?" Pangaasar niya. Napairap ako sa kawalan.
"Hell no!" Bulyaw ko. "Ano ba kailangan mo papasok pa ako sa trabaho"
"Uhm... nothing sige ingat sa pagpasok" Sabi niya at pinatay ang linya. Malakas din siguro ang tama ng isang 'to. Tsk!
Nang makarating ako sa store at agad ako nagpalit ng pamasok, medyo marami na agad ang customer kahit maaga pa lang. My Gosh 5 minutes na akong late. Nagsorry nalang ako sa manager namin.
After an hour. Dumating ang boss namin eto na kailangan ko talaga ng valid reason sa pag absent ko. Pahamak ka talaga Regil waaah!
BINABASA MO ANG
I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLD
RomanceMeet Dale Navarra, Dale is an androgynous gay. Who wants to go up to the hardness of life. He had a loving mom and supportive bestfriend. But when Dale met two men who would love him to much. Which one of them will Dale's choose? The man who is bad...