NOTE:

7.2K 258 16
                                    


Full Credits to John Lloyd Berzuela (Book cover artist)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Full Credits to John Lloyd Berzuela (Book cover artist)

Mag kwentuhan muna tayo..

Isang hapon habang nanonood ako ng TV nakita ko itong isang movie ng Shake Rattle and Roll na classic part 2 yata iyon kasi medyo old na yung datingan ng pelikula. Natuwa ako kaya pinanood ko yung movie at dito pumasok yung idea na gumawa kaya ako ng isang bagong libro na may tatlong mag kakaibang story sa loob. Ang layunin ko sana ay para maiba naman yung ginagawa ko, kasi medyo nasosobrahan na ako sa fantasy, sa romcom na sumasagad hanggang 45 to 50 chapters. Siguro naman ay sulit ang pag babasa nito dahil sa isang libro ay tatlong kwento agad ang mababasa mo o para ka ring nanood ng pelikulang may tatlong mag kakaibang sitwasyon na punong puno ng aral at inspirasyon.

Ang Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kakaharapin ang mga pag subok na ibinibigay sa kanila ng buhay pag ibig, kung paano nila habulin ang isang bagay na tinatawag na "kaligayahan" at kung ano ang kaya nilang gawin upang makamit ito.

(BC by Joshua Villato)

Ang pag hahanap sa tunay na pag mamahal ay parang pag lalakad sa isang mahabang kalsada, minsan ay mahirap ang daan, minsan ay liko liko, bako bako o kaya ay dead end pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang pag hahanap sa tunay na pag mamahal ay parang pag lalakad sa isang mahabang kalsada, minsan ay mahirap ang daan, minsan ay liko liko, bako bako o kaya ay dead end pa. Pero gayon pa man ang buhay ay nag papatuloy basta hindi tayo humihinto sa pag lalakad. Iyan ang mga bagay na ituturo sa atin ng kwentong ito.

P.S

Maraming salamat sa patuloy na pag subaybay mga kwento ko, natutuwa ako dahil kahit puro kasabawan at kautuan yung mga isinusulat ko ay nagugustuhan nyo pa rin. Mayroon pa akong dalawang kwentong natitira para sa taon na ito, isa na nga rito ito "Road to Love". Siyempre December nanaman kaya nag hahanda na ako para sa panata kong mag handog ng isang dekalidad na libro sa pag sapit ng pasko bilang pasasalamat sa isang taong pag sama ninyo sa akin.

Kung pwede nga lang ay gagawin ko nang propesyon ang pag susulat kaso nga lang ay talagang libangan ko lamang ito. Wala akong balak na sumikat o makilala basta ang gusto ko lang ay mapasaya kayo sa abot aking makakaya. Basta happy kayo ay pawi na ang lahat ng pagod ko. Totoo, kapag nababasa ko yung comments ninyo ay natatawa ako at naiinspire na gumawa ulit ng bagong libro.

Wala naman akong hihilingin sa inyo, maging silent reader na kayo forever o huwag mag paramdam ay ayos lang.. Mahal ko pa rin kayo..

Love,

Ai Tenshi

Road To Love (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon