Dylan Wang as Homer
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sept 11, 2018
***********
STORY 2
Ang Kwento ni Ikatlo
Part 11
Araw ng Sabado, umaga palang ay nag ayos na ako ng aking sarili upang lumabas at mag relax. Nag patay ako ng cellphone upang walang maka istorbo sa akin. Hindi lang basta pag lilibot ang aking gagawin dahil gusto kong huminga mula sa mga bagay na nakaka sakit sa akin, gusto ko ring mag isip at hanapin ang mga bagay na nawala mag buhat noong pumasok ako sa isang magulong sitwasyon.
Nag pasya akong mag tungo sa Parke ng Road To Love, tahimik ang lugar na iyon at masarap tumambay dahil malamig ang klima. Dito kami unang nag date ni Ron at dito rin ako madalas na matatagpuan sa tuwing nadudurog at nasasaktan. Halos naging saksi na yata ang lahat ng puno sa paligid sa aking luha at kalungkutan.
Halos ilang buwan na rin akong pabalik balik sa lugar na ito halos naikot ko na rin ang buong artipisyal kalsada, yung mga mukhang nakakasalubong ay nakikita ko pa ring hanggang ngayon, ang iba sa kanila ay malungkot pa rin mata ang iba naman ay masaya na.
Muli akong nag hulog ng barya sa lumang balon at kasabay nito ang hiling na sana ay maging maayos na ang lahat para sa akin. Sana ay mag karoon na ako ng lakas ng loob upang talikuran ang mga bagay na talikuran at huwag nang lumingon pa.
Tahimik..
Naupo ako malapit sa lumang balon kung saan nag kakalagas ang tuyong dahon ng mga puno. Umiihip rin ang malamig na hanging yumayakap sa aking katawan.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatingin sa kalayuan..
"Huwag kana nga mag drama diyan bakla. Halika mag hulog ka ng barya dito lumang balon. Mas maraming barya ay mas maraming lalake!" ang wika ng isang beki habang hinihila ang isa pang beki na pamilyar sa akin ang mukha.
"Ayoko, ayoko na ng kahit anong tungkol sa pag ibig. Pagod na pagod na ako!" ang reklamo niya
"Ano ka ba naman Josa, hindi ka dapat mapagod. Paano nalang ang Miss Gay University? Paano nalang ang pangarap nating makapag suot ng crown? Tatalikuran mo iyon basta basta nang dahil lang sa niloko ng marami beses?!" ang wika naman ng isa
"Ayoko na mabuhay! Gusto ko na mamatay!!" ang iyak ng kaibigan nila
"Mamatay agad? Gaga hindi pa tayo nakapag papa puke mag papakamatay kana? Ambisyosang to! Tigilan mo nga ako Josa!" ang sagot ng isang sabay kutos sa kanyang kaibigang umiiyak na parang bata.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
Roman d'amourAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...