STORY 1
Ang "BAKA BUKAS" ay kwento ng isang taong may sariling paniniwala sa buhay, mayroon siyang sariling gawi at paninindigan. Sa kwentong ito ay malalaman natin kung paano babaguhin ng pag ibig ang kanyang mga paniniwala. Samahan natin siyang lumakad patungo sa Road to love.
TEASER:
Maya maya nagulat ako noong may lumapit sa kanyang isang babaeng naka uniporme. Tumabi ito kay Marky at naupo na parang hinaharana siya. Ewan, ngunit parang nakaramdam ako ng kakaibang selos at galit. Hindi ko namalayan na nabali ko na pala ang lapis na aking hawak.
Napatingin ako kay Ping na noon ay nakatingin rin sa akin at saka ito umiling sabay taas ng isang papel na may sulat. "Ligwak ka ateng! May hinaharana si Marky!"
Sumulat rin ako "Papatayin ko sila!"
"Sino ang papatayin mo Mr. Joshua Gaspar Jr?" ang tanong ng aking guro
"Si Marky po saka yung babae niya Sir! Hayun sila Landian ever sa ilalim ng puno ng akasya. May hashtag na sila na #SuperKiligMoments. Nakakainis!" ang wika reklamo ko dahilan para mag tawanan ang buong klase.
"Edi mag hashtag karin #BaklangLoserEver!" ang wika ng guro sabay palibag ng eraser sa akin dahilan para mag tawanan sila. "Makinig ka sa lesson ko dahil may exam kayo bukas." ang sermon nito
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...