Baka Bukas Part 10

1.8K 109 4
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Road To Love

AiTenshi

Aug 29, 2018

************

STORY 1

Baka Bukas

Part 10

Sinubukan ko ipag tanggol ang aking sarili at sabihin kay Marky ang totoo ay bale wala pa rin ito dahil sarado na ang kanya isipan. Nilason na ito ng kasinungalingan ni Maya at ngayon ay iyon na ang kanyang tanging pinaniniwalaan.

Ibayong lungkot ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Sa tuwing maiisip ko kung paano ako nasasaktan ng paulit ulit ay naninikip ang aking dibdib.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka tanaw sa mga taong lumalakad sa parke. Halos ang lugar na ito ang aking naging karamay sa tuwing ako ay malulungkot o nakakaramdam ng kakaibang sakit na gusto kong takasan.

Ang road to love, pero batid kong mas maraming tumatambay dito para damhin ang sakit ng pag ibig, para lumakad kasama ng kalungkutan. Hindi ko maunawaan ngunit paki wari ko ay balot ng lungkot ang lugar na ito. Ano kaya ang intensyon o nais ng may ari ng parkeng ito? Para rin daw ito sa mga taong may masayang love life pero bakit ang lahat ng nandito ay malungkot at may pinag daraanan?

Tahimik..

Nasa ganoong posisyon ako nang may tumabi sa akin na isang lalaki. Umupo ito sa kabilang dulo ng kahoy na pahingahan kung saan rin ako naka upo. Hindi ko naman siya pinansin at nag tuon lang ako sa aking pag eemote.

Maya maya naramdaman kong kinalabit niya ako "pare, nalalaglag ito papel galing sa bag mo." ang wika niya sabay abot sa akin ng naka tuping papel.

Kinuha ito. "Lumang sulat lang ito na nakuha ko diyan sa sanga ng puno ng mangga. Isasauli ko na nga ulit e." naka ngiti kong tugon.

"Nice." tugon at muling ngumiti. Nag pakilala siya sa akin "Polo nga pala. Ikaw?" ang tanong niya

"Josh." naka ngiti ko ring tugon.

"Broken hearted ka rin? Bakit nandito ka?" ang tanong niya

"Nakasanayan ko lang natumambay dito. Tahimik kasi at nakaka relax. Ikaw bakit ka nandito?" tanong ko naman

"Gusto ko lang sa tahimik na lugar, saka nalulungkot kasi ako na mag isa doon sa tinitirhan ko." sagot niya

"Bakit ka mag isa? Nasaan yung pamilya mo?" pang uusisa ko

"Nasa Negros sila. Ako lamang ang nag tungo dito para makapag trabaho." wika niya

"Hmmm, nakakalungkot ka mag isa, mabuti nalang at naisipan mong lumibot dito."

"Eto na rin ang naging tambayan ko simula noon." Tugon niya sabay kindat sa akin.

At dito na nga nakilala si Polo Mercado. 5'6 ang taas, medyo moreno at malaki ang katawan marahil ay sa kanyang trabaho sa construction at pagiging kargador sa department store. May itsura naman si Polo lalo na kapag tinitigan ang kanyang mukha ay mas lalo pa siyang nagiging gwapo.

Noong araw na mag kausap kami ay iyon rin ang simula ng aming pag tetext at pag tatawagan. Syempre ay mas wiser na ako ngayon dahil bago ako bumigay sa kanya ay nag imbestiga muna ako mula sa kanyang social media, hinalukay ko rin ang lahat ng impormasyon sa kanyang buhay. Nag punta rin ako sa pinag ttrabahuhan niya upang itanong sa mga kakilala niya kung anong agenda niya sa buhay.

"Ah si Polo ba? Mabait yan, napaka sipag at tunay na alagad ng Diyos. Kapag siya nga ang kasabay namin kumain ay siya pa ang nag lelead ng prayer." ang wika ng isang katrabaho niya

"Eh may pag ka manyak ba siya? O manloloko o marami ba siyang jowa?" ang tanong ni Ping

"Hindi ah, hindi ganyan si Polo. Si Polo ay isang ulirang anak na kumakayod para sa kanyang sarili. Walang bisyo iyan at hindi rin lasinggero. Tuwing linggo ay makikita siya sa mga simbahan upang mag tulos ng kandila." ang sagot ng iba

"Wow ha! Fantastic so Plastic! Si Polo ay isang santo sa kabaitan. Malamang ay siya na ang susunod na santo papa!" ang wika ni Ping

"Hoy, wag nyo nang ginaganyan si Polo ha, umalis na nga kayo dito mga shoklang to." ang pag tataboy nung isa at itinulak niya kami palabas sa store

"Hoy ikaw bakla ha, sobrang effort na itong ginagawa natin. Okay naman ang social media ni Polo, walang siyang friend sa fb, wala rin siyang alter account sa twitter, wala rin siya masyadong kabarkada, walang bisyo at napaka ulirang anak. Malayo layo na rin ang ating nalakbay sa pag iimbestiga sa kanya. Spluk na tayo pauwi!" ang reklamo ni Effie

"Eh hindi ba't kayo naman ang may ideya nito? Na kesho dapat ay mag imbestiga, kilalanin ang taong mamahalin at huwag basta basta mag papaloko." tugon ko

"Kaya nga, tapos na ang misyon natin kaya uuwi na kame!" ang wika ni Ping sabay sakay sa jeep. "Goodbye!"

Napakamot nalang ako ng ulo at doon ay iniwanan nila akong nakatayo sa gilid ng isang poste malapit sa store na pinag ttrabahuhan ni Polo. Lalakad na rin sana ako pauwi noong may tumawag sa akin na isang lalaki. "Josh, anong ginagawa mo dito? Mag isa ka lang?" tanong ni Polo

"Ah e oo, dadalawin sana kita doon sa store kaso ay wala ka raw." palusot ko

"Ganoon ba, sorry nag deliver kasi kami doon sa kabilang compound. Nag lunch kana? Tara kain muna tayo." pag yaya niya sabay hawak sa aking kamay.

Noong mga oras na iyon ay makakaiba akong kilig na naramdaman noong hawakan niya ang aking kamay. Parang may kuryente, may spark at mayroon kakaibang sigla ang aking dibdib.

Bago kami kumain ay nag dasal pa ito at siya na mismo ang nag lagay ng kanin at ulam sa aking pinggan. Yung para akong babaeng inaasikaso, tapos ay inaakbayan niya ako at siya mismo ang nag pupunas ng labi ko kapag may dumi ito.

Karaniwan kapag lumalabas kami ng mga nagiging karelasyon ko ay ako ang taya, kaibahan ngayon na si Polo ang nag bayad ng aming kinain. Sibukan kong mag bayad ngunit tinanggihan niya ito. "Hindi pinag babayad ang babae, ako ang mag babayad okay? Tuwing lalabas tayo ay ako ang taya." naka ngiti niyang wika sabay pisil sa aking pisngi.

"Ay puta! Over sa kilig! Over na to!" ang sigaw ko sa aking sarili sabay sabi sa kanya ng "I love you." sabay takip sa aking bibig na wari'y nabigla ako.

Napangiti siya at sumagot. "I love you more."

"I love you morer" ang tugon ko na may halong landi.

"I love you morest!" ang tugon rin siya sabay pisil sa aking ilong.

"Ah sir, doon po ang bayaran sa cashier. Utensil area po ito." ang wika ng isang babaeng serbidora.

Tawanan kami..

At iyon nga ang simula ng aking bagong love life sa piling ni Polo. Noong mga sandaling iyon ay parang wala ako sa aking sarili, hindi ko na rin nagawang ibalita sa aking mga kaibigan na kami na ni Polo dahil baka mausog nanaman nila. Hindi lamang ako makapaniwala na naka kilala ako ng isang perpektong lalaki at ituturing akong pinaka magandang prinsesa ng buhay niya.

Ngunit sa kabila nito ay napa isip ako dahil galing lamang ako sa isang pag lalakad na may mapait na pag hihiwalay tapos ay nakilala ko itong taong ito, tutulungan nya kaya ako na kalimutan ang lahat ng mapapait na kwento ng buhay pag ibig ko o nag sisimula nanaman akong gumawa ng panibagong kwentong mag dudulot sa akin ng sakit?

Itutuloy..

Road To Love (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon