PAUNAWA':
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sep 19, 2018
*************
STORY 3
Selda
Part 8
"Mukhang napapadalas yata ang pag sama mo kay Ros?" tanong ni Don habang abala kami sa pag uukit ng mga tauhang kahoy.
"Mabait naman yung tao at wala siyang ginagawa sa akin." sagot ko naman
"Mag shota na iyang dalawa na iyan maniwala kayo sa akin. Alam ko yung mga galawang ganyan. Alam nyo noon ay may kinasama rin akong lalaki habang may asawa ako. Yung misis ko tinitira ko sa puke tapos yung kinakasama kong lalaki naman ay sa pwet." ang pag mamalaki ni Wang.
"Tangina mo iyang itsura mong yan ay nag taksil ka pa?" pang aasar ni Floy
"Mayroon kasing naibibigay yung lalaking kalaguyo ko na hindi naibibigay ni misis. Yung misis ko ay boring sa sex parating ako ang gumagawa. Hindi pa marunong chumupa. Pero itong lalaki tangina all around pati butas ng pwet ko dinidilaan, halos matanggal ang uten ko sa pag subo niya at siya na ang kumakabayo sa batuta ko." sagot ni Wang
"Tangina iba ka talaga Wang, daig mo pa ang may wangwang sa ulo o tililing. Eh siguro dito sa loob ng kulungan ay hindi maiiwasang mahulog ka o mag kagusto sa isang lalaki rin, kasi diba wala naman tayong choice dahil puro barako tayo dito. Minsan kapag nalulungkot ka ay malaki talaga ang porsientong matagpuan mo ang ligaya sa kapwa mo. Universal naman ang pag mamahal at wala itong pinipiling kasarian." wika ni Maru
"Mukha sa tono ng pananalita mo ay parang handa ka na ring yakapin ang man to man relationship ah, maniwala kayo sa akin, masarap mag mahal ang kapwa lalaki." hirit ni Wang
"Siguro ay pwede ko rin itong yakapin, basta si Owen ang magiging unang boyfriend ko!"ang wika niya dahilan para mag tawanan kami.
"Kiss! Kiss!" ang biro ni Floy
"Sige nga pare kung talagang kaya mo ay halikan mo nga si Owen sa pisngi. Dare lang!" hirit ni Wang. Ako naman ay tawa lang ng tawa habang nanonood sa kalokohan nila.
Natawa ng malakas ni Maru at maya maya ay laking gulat ko noong bigla niya akong halikan sa pisngi. Hindi na ako naka iwas pa dahil sa bilis ng pang yayari. "Alam mo Owen kesa marape ka dito ng mga adik na preso bakit hindi mo nalang ibigay kay Maru iyang pwet mo para mag kaanak na kayo." hirit ni Floy
"Mga gago! Huwag niyo nga akong pag tripan." tugon ko naman.
Tawanan ulit sila.
Sa mag hapon naming pag gawa ng mga inukit na imahe ay naka puno kami ng halos isang kahon, dadalhin na ito sa iba't ibang pamilihan upang ibenta. Hindi namin namalayan ang daloy ng oras dahil masaya ang aming grupo habang gumagawa, nakakalibang ito ng husto kaya nagulat nalang kami na halos alas 4 na pala ng hapon.
Pabalik na kami sa aming mga selda noong makita ko si Wang na nag tatakbo patungo sa amin. "Pare! Si Maru! Hinarang siya ng mga tao ni Ros!" ang sigaw nito
"Tang ina, ayan namaman tayo! Ang usapan ay walang papasok sa gusot e. Tang ina pala!" ang dismayadong salita ni Don at wala kaming nagawa kundi ang bumalik sa lugar kung hinarang ang aming kaibigan. Sa gilid lamang iyon ng mga ginagawang bagong selda kaya madaling puntahan.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...