PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Aug 25, 2018
******************
STORY 1
Baka Bukas
Part 4
Alas 4 ng hapon noong marating kami sa parke na kung tawagin ng nakararami ay "Road To Love" isa itong pahingahan na mayroong mahabang kalsada na nilalakaran at tinatambay ng mga taong walang pag ibig, puno ng pag ibig o nag hahanap ng mag mamahal sa kanila. May mga anito rin na inaalayan ng kung ano anong bulaklak para sa mga orasyon ng pag mamahal. Marami ring nag titinda ng mga lucky charm at mga kwintas para dapuan ng positibong awra ng pag ibig.
"Ito ang kailangan ko! Ito na ang sagot sa matagal ko nang dasal!" ang wika ko habang naka hawak sa isang boteng nag lalaman ng nakakaibang likido.
"Ano naman iyan?" tanong ni Ping
"Edi gayuma, ipapa inom ko ito kay Marky para maging kami na at makita ng kanyang mata kung sino ang mas maganda!" ang wika ko naman "Mag kano to manong?"
"Ah iyan ba, 50 pesos isang bote. Magaling iyan pang tanggal ng trangkaso at rayuma." wika ng tindero
"E bakit may rayuma? Hindi ba't isa itong gayuma?" tanong ko
"Hindi hijo, isa yang ointment na efficascent oil, maganda iyan sa may nanakit na katawan."
Napakamot ako ng ulo "akala ko gayuma ito. Eh sa mga nanakit ang puso dahil sa bigong pag ibig? Mayroon ka bang ointment para dito?" ang wika ko naman
"Naku hijo, walang gamot para diyan. Iyan ang tanging sakit na ikaw mismo ang makakagamot. Karaniwan ang ginagawa upang maitigil ang pusong sugatan ay yung itigil mo ang katangahan mo at maging matalino ka pag dating sa pag mamahal." ang wika ng tindero
"Oh ayan Josa, pati yung tindero ay binibigyan kana ng sign na gumising kana sa katangahan mo." ang wika ni Ping
"Sige na nga kukunin ko na rin. Sumasakit yung panga ko kakaiyak e." ang tugon ko.
Matapos tumingin ng mga tinda at kung ano anong pakulo ng mga tao sa paligid ay naisipan na naming tumambay sa gilid ng artipisyal na kalsada kung saan maraming mga mag jojowa ang lumalakad at nag lalandian sa paligid. "Eh akala ko ba yung lugar na ito ay para lang sa broken-hearted? At yung lumalakad dyan sa kalsada na iyan ay yung mga nasawi sa pag ibig? Bakit ganoon? Bakit tayo lang ang walang partner?" ang pag iinarte ko.
"Hello, ikaw lang ang walang partner no. Mayroon kami ni Ping noh." ang pag yayabang ni Effie
"Sino? Yung mga baklang kasama niyo doon sa bar? Bakit ganyan yung mga jowa nyo? Bakit kasing babakla nyo sila?" ang tanong ko
"Ano naman ang gusto mo? Na humanap kami ng straight guy at sa huli ay ipag papalit lang kami sa kepyas na amoy patis? Ayaw namin gumawa ng bagay na ikasasakit ng dibdib namin. Ayaw naming matulad sa iyo." ang sagot ni Ping
"Paano kayo sa kama? Pareho kayong malalambot, ano to? Nakatuwad lang kayo parehong mag damag at nag hihintay ng batutang papasok sa inyo? Sa lalaki pa rin ako!" mariin kong sagot
"Ikaw naman kasi ateng kaya ka nasasaktan ay napaka 70's ng ugali mo. Ang hilig mo sa lalaki na ang gusto ay babae kaya sa huli ay iniiwan ka lang. Bakit hindi ka humanap ng jowa na ang gusto ay lalaki pa rin para hindi ka nasasaktan!" ang sagot ni Effie
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomantikAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...