Hu Yi Tian as Owen
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sept 13, 2018
**********
STORY 3
Selda
"Huwag mo sanang isipin na masama ang iyong ama. Oo nga't hindi niya nasubaybayan ang iyong pag laki ngunit ikaw ang palagi niyang inaalala. Ni minsan ay hindi ka niya kinalimutan." ang wika ko habang naka tanaw sa palubog na araw sa kalangitan.
"Bakit mo nasasabi ang ganyang bagay? Gaano mo kakilala ang aking ama?" ang tanong niya
"Kilala ko siya.. Kilalang kilala." ang mahina kong sagot at doon ay huminga ako ng malalim habang naka pikit ang aking mga mata..
"Parang kahapon lang noong maganap ang lahat at hanggang ngayon ay naalala ko pa rin." ang wika ko sa kanya
"Gusto kong malaman ang kwento ninyo." ang tugon niya
Napalingon ako sa kalayuan at dito ay isa isa kong binalikan ang pang yayaring bumago sa takbo ng aking buhay. Ang buhay ko sa loob ng bilangguan bilang isang preso.
Part 1
ST. JUDE PRISON
2010
"Hoy labas na dyan! Bilisan ang kilos!!" ang bulyaw ng Pulis habang kinakalatok ang pintuan ng sasakyan kung sana naka sakay ang lahat ng bagong preso.
Dalawamput isa ang bagong dating at kabilang na ako dito. Lahat kami ay pinatawan ng parusang pag kaka kulong ngunit hindi naman lahat ay guilty dahil ang iba sa amin ay na frame up lang o kaya napag bintangan sa maling bagay.
Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Owen, 21 taong gulang ako noong makulong. Ako ay may taas na 5'8 at may tamang pangangatawan. Galing ako sa isang mahirap na pamilya, hindi lamang ito halata sa aking balat dahil may kaputian ito at kakinisan. At dahil nga mahirap lang kami ay wala nagawa ang aking pamilya para isalba ako mula sa pag kaka kulong lalo't ang sinapit ko ay frame up lamang, diniin lang at ituro upang may managot sa kasalanan ng iba.
Ibayong kaba at takot ang aking naramdaman noong maka baba sa sasakyan. Naka linya kami habang naka posas ang aming mga kamay. Sa aming paligid ay nag aabang ang mga dating preso na tuwang tuwa dahil mayroon nanaman silang bagong bisita o kasamahang papasok sa loob.
"Bilisan ninyo ang lakad. Para kayong mga bakla!" ang sigaw ng taga bantay kaya naman mas lalo pa kami lumakad ng mabilis.
Habang nasa ganoong pag lalakad kami ay napatingin ako sa mga presong nag aabang sa amin. Lahat sila naka dila na animo asong nag hihintay ng buto. "Tangina pare markahan mo na yung makinis na iyon. Sa akin iyan!" ang wika ng isang sabay kamot sa kanyang ari.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...