PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sep 20, 2018
**********
STORY 3
Selda
Part 10
"Nakabalik na si Ros ah. Hindi mo ba siya pupuntahan?" ang tanong ni Don habang abala kami sa pag bubuhat ng mga hallow blocks.
"Hindi na muna. Marami pang ginagawa e." sagot ko dahilan para matawa siya. "Nangangamoy tampo ah. Ganyan yung mga babaeng nag tatampo sa mga shota nila."
"Hindi naman ako babae. Basta bahala siya kung anong gusto niya." tugon ko naman.
Umalis si Ros kahapon at halos buong araw siyang wala. Kinabukasan na ito bumalik bandang alas 2 ng hapon. Ngayon lang ako naka kita ng presong lumalabas ng matagal sa loob ng 24 oras. Ibang klase talaga ang seldang ito, ang mga preso ay binibigyan ng karapatan lalo't may mga kapit mula sa itaas. Katulad na lamang ni Atan na lulong sa droga at nag kakalat ng shabu dito sa piitan. Walang humuhuli sa kanya at protektado pa siya ng mga alagad ng batas. Lalo na yung mga nakikinabang sa kanyang pakikipag kalakal.
Alas 4 ng hapon, habang nag lalakad ako pabalik sa aming selda ay hindi sinasadyang makasalubong ko si Janros. Nginitian ko siya at agad rin akong dumiretso ng hakbang. Napansin kong napakamot siya ng ulo at hinatak ako sa damit pabalik. "Tang ina ganyan kaba maki tungo sa boyfriend mo? 24 oras akong nawala tapos hindi mo man lang itanong sa akin kung maayos ako?" inis na salita niya
"Kamusta po kayo?" ang tanong ko dahilan para kutusan niya ako. "Kamusta ka mahal?" Ganyan dapat ang tanong. Wala kang kalambing lambing e." pag mamaktol niya.
"Ni hindi ko nga alam kung saan ka nag suot. Ikaw pa may karapatang mag inarte."
"Mag usap tayo mamaya. Marami akong ipapaliwanag sa iyo kaya puntahan mo ako. May iaabot lang ako kay Lance sandali." wika niya
Tumango lang ako at humakbang ulit ng lakad nang bigla nanaman niya akong hilahin pabalik sa kanya. "Bakit nanaman?" tanong ko
"Sumama ka na nga sa akin, baka kung saan kana nanaman mag suot." ang hirit niya sabay akbay sa akin at sabay kaming lumakad.
"Ayos yan boss Ros, sweet nyo." biro mga presong nakaka salubong namin.
"Asawa ko to. Ganda no?" biro niya sabay halik sa aking pisngi. Tawanan yung mga tao sa paligid bagamat ang biro ni Ros ay parang totoo.
"Sa bagay parang babae naman ang kutis niyang si Tisoy, makinis saka mukhang masarap. Kung ako rin ay baka gawin ko na ring asawa iyan para mapawi ang lungkot ko." hirit ng isa.
"Kaya nga swerte ako dito sa asawa ko." ang hirit ni Ros na may halong pag yayabang.
Tawanan ulit sila..
Pag dating namin sa bungad ng istasyon ay agad kaming sinalubong ni Lance. Tinapik ni Ros ang kanyang balikat saka inabutan ng sobre. "Salamat pare, maasahan ka talaga." ang wika ni Ros.
Nangiti si Lance at sinilip ang sobre, nakita kong puro pera ito lilibuhin. Hindi ko lubos maunawaan ngunit parang may kakaibang modus itong dalawang ito. "Ayos pare salamat sayo." naka ngiting wika ni Lance sabay tapik sa aking balikat. "Swerte mo dyan kay Ros." ang biro niya dahilan para mangiwi ako.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...