Selda Part 6

1.8K 112 4
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Road To Love

AiTenshi

Sept 17, 2018

**************

STORY 3

Selda

Part 6

"May iniwan ka bang asawa o shota sa labas?" tanong ni Ros habang nakadapa ito at minamasahe ko ang kanyang likuran

"Wala akong asawa o shota. Ang naiwan ko lang doon ay ang aking ina at dalawang batang kapatid. Ang ama ko ay namayapa matagal na panahon ang nakalilipas." sagot ko naman

"Bakit ka napunta rito? Hindi ka naman mukhang kriminal." tanong niya ulit

"Napag bintangan lang ako. Isa akong iskolar sa aming munisipyo. Kumukuha ako ng kursong physical therapist ngunit hindi ko ito natagpos dahil nga natalo yung mayor namin. Kaya nahinto ako sa pag aaral at inaapply ko nalang yung natutunan ko sa pag mamasahe. Nauwi ako bilang masahista. Maayos naman ang kita at nag seservice sa mga clients ko."

"So nag bibigay ka ng aliw o extra service? Kaya pala ang husay mong humaplos e.' wika ni Ros

"Hindi ako nag bibigay ng extra service dahil hindi ako callboy. Isang araw mayroong nag paservice sa akin na regular na kliyente. Isang babaeng nasa edad 37 anyos. Pumunta ako sa apartment niya at doon ay naabutan ko siyang naka higa sa kanyang kama. Nilapitan ko siya at noong hawakan ko ay wala na itong buhay. Patay na siya.

Ako ang napag bintangan, ako ang itinuro ng kanyang asawa, isa raw akong kalaguyo. Bukod pa roon ay maraming lumutang na pekeng saksi dahilan para mas lalo akong mapahamak. Ako ang idiniin sa kasalanang hindi ko nagawa. Pilit kaming lumaban ngunit hindi sapat ang aming kakayanan upang kumuha ng abugado, wala kaming pera, kapos kami at wala rin akong pinag aralan. Lalo lang akong nadiin at hindi ako nasalba sa pag kaka kulong. Heto ako ngayon lumalakad sa isang lugar kasama ng mga makasalanan." tugon ko

Humarap sa akin si Ros, tumihaya siya at nilagay ang kanyang braso sa batok para maging unan. "Hindi naman lahat ng naka kulong rito ay guilty ang iba sa kanila ay pinaikot lang, sinet up o kaya ay pinag bintangan. Ganyan talaga ang palakad ng mga taong mas may kakayahan, mainam na makulong ang taong walang kasalanan kaysa sila ang parusahan sa pag kakamaling nagawa."

Patuloy ako sa pag masahe sa kanyang dibdib..

"Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko

"Dahil wala ako doon." Sagot niya.

Road To Love (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon