Huang Chen Shi as Roniel
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sept 5, 2018
************
STORY 2
Ang Kwento ni Ikatlo
Part 2
"Anong pinapanood ninyo?" ang tanong ko noong makarating sa aming classroom. Dito ay naabutan ko ang bestfriend kong si Ruben na abala sa panonood sa laptop.
"No other woman. Yung kabet si Anne Curtis at yung kalaban niya na si Cristine Reyes. Tingnan mo nag tapatan na silang dalawa." ang excited na wika ni Ruben
"Wala na bang iba? Old movie na iyan ah." puna ko naman
"Mayroon ako ditong Etiquette for mistresses, The mistress, ika anim na utos fight episodes at third party."
"Bakit puro kabitan? Bakit ganyan ang mga pelikula mo?"
"Dahil ito ang latest! Ito ang tinitingnan at sinusubaybayan ng madlang people ngayon. Alam mo besh ang mga tao sa ating paligid ay walang paki alam sa boring na love life ng iba. Mas may paki alam sila sa maling gawi katulad ng kabitan, lokohan at iputan sa ulo." sagot ni Ruben. "Halika umupo ka dito dahil ayan na yung highlights!"
Anne Curtis: You have a very nice home.
Cristine Reyes: Thank you, ewan ko nga ba, ka babago inaanay na. Alam mo matutuwa si Ram kapag nalaman niyang nandito ka, Im sure uuwi pa yon ng maaga, mukhang wala naman siyang ibang aasikasuhin.
Anne Curtis: Is there anything that I can do? Anything that I can do to help you?
Cristine Reyes: Naku! Wag na, baka maya maya ay makita mong nilalagyan ko ang pagkain mo ng lason.
Anne Curtis: Excuse me?
Cristine Reyes: Joke lang, medyo off kasi ang humor ko lately. Check ko lang yung steak
Palakpakan sila!
"Ang galing ni Cristine! Madonang madona ang lola mo! Pak na pak!" ang wika ni Ruben na biglang bumigay sa matinding excitement.
Hindi ko naman sila pinansin, kinuha ko ang aking cellphone at nakita kong mayroon akong 5 messages. Agad ko itong binuksan, kagabi ko pa inaabangan yung text ni Ron, pag katapos ng sex namin kahapon ay hindi na siya nag paramdaman sa akin.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...