PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Author's Note: May nakapag sabi sa akin na isang malaking sugal ang binabalak kong gawing bida ang isang kabit o nanira ng relasyon. Matigas lang talaga ang ulo ko kaya sumuong ako sa kakaiba, sinubukan ko yung delikado at walang katiyakang mauunawaan ng iba. Ginawa ko ito hindi para papurihan ang mga ikatlong partida at lalong hindi para hikayatin kayong pumasok sa ganitong relasyon o set up. Ginawa ko ito para subukan kung hanggang saan aabot yung kakayahan ko sa pag gawa ng love story. Maraming salamat sa pag babasa at sa pag unawa. Godbless.
Road To Love
AiTenshi
Sept 13, 2018
STORY 2
Ang Kwento ni Ikatlo
Part 15
Final Part
"Oh sa iyo na ito. Mga bago pa ang mga iyan. Pati itong mga sapatos ay sa iyo na rin." ang naka ngiti kong wika habang nag aayos ng aking gamit.
"Bakit ka ganyan frend? Naiiyak na ko. Salamat sa isang maletang bagong damit at sapatos. Salamat rin dito sa iphone ha." ang wika niya habang nag papahid ng luha.
"Ay hindi kasali iyang iphone, wala akong cellphone. Iyan nalang yung sa iyo brick game at m2m magasin para di ka natitigang." ang biro ko naman.
"Sure na sure na ba talaga iyan? Hindi biro ang dalawang taon ha. Mamimiss kita, sobra." ang umiiyak na wika ni Ruben sabay yakap sa akin.
"Huwag ka nga umiyak. Sa susunod na bakasyon ay iimbitahin ka namin ni mama doon sa Japan, ipapakasal kita sa mga yakusa at sabay kayong mag haharakiri." ang biro ko
"Harakiri? Hindi ba suicide iyon? Ang bad mo talaga frend. Pero bet ko iyang pag invite nyo sa akin ha. Ngayon palang ay mamimiss na kita." ang tugon niya.
"Salamat sa lahat Ruben, itong pag alis ko ay para rin sa ikatatahimik ng lahat. Gusto ko ng bagong buhay, daan na lalakaran at bagong pinto na bubuksan. Dumaan ako sa iba't ibang emosyon nitong mga nakakaraang buwan ngunit heto pa rin ako, matatag, naka tayo ng tuwid at hindi nabubuwag. Kahit na puro sugat at tama yung likuran ko dahil sa pinag halo halong sakit. Lahat ng ito iiwanan ko na dahil handa na akong mabuhay ng masaya."
"Basta kahit anong mangyari ay nandito lang ako parati ha. Alam mo naman na parati akong nakasuporta sa iyo. Ikaw ang pinaka the best na frend ever!" pag iyak ni Ruben
"At ikaw naman ang pinaka supportive, pinaka maunawain at pinaka maaasahang kaibigan sa lahat." naka ngiti kong tugon sabay yakap sa kanya.
Noong nag desisyon akong umalis ay gumawa na rin ang ng bagong account sa social media at ang naka add lamang dito ay ang aking mga kaibigan, kaklase at mga kamag anak. Marahil ay isa itong paraan upang makapag simula muli. Isa isa ko na ring binura yung mga text messages namin ni Roniel, ang aming larawan na mag kasama at itinabi ko na rin ang bagay na ineregalo niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...