Baka Bukas Part 8

1.9K 111 5
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Road To Love

AiTenshi

Aug 28, 2018

**************

STORY 1

Baka Bukas

Part 8

"This is it pancit! Ipapakilala na ako ni Yugs sa mga barkada niya. Diba ang cool, handa na siyang ibulgar sa mga kaibigan niya ang tungkol sa amin. Nakaka inis nga e, ang dami naming picture sa cp niya pero di sya makapag upload dahil wala daw kasing nakaka alam na ang shota niya ay lalaki. Kasi ba naman sobrang barako ni Yugs noh, ang sarap sarap, ang gwapo gwapo at napaka sweet pa. Ano ba? Nakikinig ba kayo?" ang tanong ko kina Effie at Ping noong makita kong nakatakip ang kanilang mga tainga.

"Kanina ay nakikinig kami, ngayon ay hindi na. Bakit? Kasi mag hapon ka nang nag kkwento tungkol kay Yugs, simula pa kaninang alas 6 ng umaga. My Gawwd alas 6 na ng hapon wala ka pa ring tigil bakla ka? Gusto mo ishot gun na namin iyang bibig mo?" ang galit na wika ni Ping sabay sabunot ng wax sa aking buhok.

"Excuse me, isa lang ang pwede mag shot gun sa bibig ko at si Yugs lang yon. Naalala ko nga kapag nag cucum siya diretso sa bibig ko! Yon ang literal na shot gun mga besh! Loser much!!" ang wika ko pa

"Bakla alam mo isa pang rinig ko sa pangalan ng Yugs na iyan ay ingungudgod na kita sa salamin na iyan hanggang sa mabasag. Taas ang pez! Kaunting tone down lang ng penggay mo dahil mukha kang lalaban sa miss gay!" ang sagot ni Effie

"Oo nga naman Josa, ang sakit na sa tenga ng mga sinasabi mo." reklamo ni Ping

"Josh darling! Josh ang pangalan ko. Josa is dead!" ang tugon ko

"Ok Joshkla." ang pag tatawa ng dalawa

Alas 8 ng gabi noong makarating ako sa bar kung saan ko imemeet ang mga tropa ng aking kasintahan. Pag dating ko palang ay sinalubong na ako ni Yugs at hinagkan pa ako sa pisngi. Syempre nag dala ako ng pasalubong para sa mga kaibigan nya para maimpress ang mga ito.

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang lumalapit sa isang lamesa kung saan naroon ang kanyang mga tropa. Nag sisimula na silang mag inuman noong dumating ako. "Upo ka pare!" ang bati ng isang may kalakihan ang katawan.

6 na tropa ni Yugs ang mga nandito, lahat ay lalaking borta at may itsura. Hindi naman ako papahuli dahil pinag handaan ko rin naman ang gabing ito kaya nag usot ako ng branded at mamahaling damit. Pati akong pabango at underwear ay bago rin.

"Salamat." ang tugon ko at doon kinamayan nila ako.

"Pau pare." ang pakilala ng katabi kong borta. "At siya naman si Junel, Karl, Jeprox." ang dagdag pa nito

Siyempre ay kinamayan ko lahat..

Umupo si Yugs sa aking tabi at inakbayan niya ako. Nag papakita na agad siya ng kasweetan sa harap ng kanyang mga katropa. Siguro ay alam na rin nila na kami ay mag kasintahan at natutuwa ako dahil supportive ang mga ito sa kanilang kaibigan.

"Babe wait lang ha. CR lang ako." ang bulong ni Yugs sabay halik sa aking pisngi.

Tumayo siya at iniwan ako sa kanyang mga barkada..

"Sweet nyo ni Yugs ah." ang bati ni Pau.

Natawa ako. "Oo nga, ang bait ni Yugs no?" ang tanong ko

Road To Love (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon