PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Aug 23, 2018
**********
STORY 1
Baka Bukas
Part 2
"Hala! Josa anong nangyari dyan sa mukha mo? Paano na Sagala kung may pasa ka?" ang natatarantang tanong ni Ping kaya naman mas lalo pa akong umiyak.
"Paano na ang Miss Gay University? Malapit na ang screening!" ang wika naman ni Effie kaya mas lalo pa akong humagulgol.
"Huwag kana nga umiyak. Heto isuot mo nalang itong shades para matakpan iyang black eye mo. Ano ba kasing nangyari bakla? Nakipag boxing ka ba?" ang tanong ni Ping at dito nga ay ikinuwento ko sa kanila ang pangyayari kahapon sa loob ng aming bahay.
FLASH BACK
"Pedring buhatin mong mabuti ang ladladran ng gown ko dahil baka masira ang mga beads! Yung lace ingatan mo! Priority!" ang utos ko
"Opo kuya!" ang sagot ni Pedring habang bumaba kami ng hagdan.
"Nandito na po si Miss Spain!!" ang wika pa ni Pedring bilang pag suporta sa akin.
Umikot ikot ako sa sala at doon ay nag pakilala. Hola, buenas tardes agradables para todos ustedes. Mi nombre es Josa Marie Laxaman de la tierra de ESPAÑA !! "Yey!! Ang galing mo Josa!" wika ni Pedring habang pumapalakpak
"Hoy Joshua tigilan mo nga iyan! Hindi kana nahiya!" ang wika ng bagong asawa ni mama
Umikot ako sa kanyang harapan suot ang aking gown. "Ikaw ang hindi nahihiya. Ang laki laki ng katawan mo ay naka higa ka lang buong mag hapon dito. Bakit hindi ka mag banat ng buto para may kitain ka para sa sarili mo. Puro ka bisyo, inom dito at buga ng sigarilyo doon. Hindi kana nahiya, i dont need a parasite! Get get get awwww!" ang wika ko at dito ay isang malakas na suntok ang iginawad niya sa aking mukha dahilan para matumba ako.
"Kapag nandito ka sa bahay ay ayusin mo ang kilos mo! Pati iyang kapatid mong si Pedring ay nahahawa na ng kabaklaan sayo. Hindi ba kayo nahihiya sa mga kapitbahay? Mag kapatid kayong bakla!"
"Hala! May black eye na si Miss Spain!" ang wika ni Pedring habang binabangon ako sa sahig.
End of flashback
Lalo akong umiyak noong ikinuwento ko sa kanila pang yayari kahapon. "Bwisit siya! Bakit ba kasi nag asawa pa ulit si mama! Wala naman siyang kwenta! Pag babayaran niya ang ginawa niya sa akin, mag susumbong ako PNP o kay mayor! Isusumpa ko siya sa Diyosa ng mga baklaaa!" ang pag iyak ko.
"Hay naku huwag kana umiyak. Ang taong galit sa bakla ay bakla rin." wika ni Ping
"Lagyan nalang natin ng concealer iyang black eye mo para hindi ito mahalata. Kaunting penggay lang dyan ay beauty kana ulit!" ang excited na hirit ni Effie
Simula noong araw na iyon ay naging iwas na ako sa kinasama ni mama. Ayoko na rin naman ng gulo lalo't kapag dumarating sa puntong nag tatalo kami ay parating ako ang sinusuway ni mama, marahil ay ayaw niyang salungatin ang kinakasama kaya takot siyang sitahin ito.
"Kuya ayaw mo nang maging si Miss Spain?" ang tanong ni Pedring noong makita akong naka upo sa isang silya.
"Alam mo Pedring, bata ka pa. Gawin mo kung ano yung makapag papasaya sa iyong puso. Pero hindi ko sinasabing tularan mo ako ha, hangga't maaari ay huwag kang bibigay. Lalaki ka at pag tanda mo ay ipag papatuloy mo ang ating lahi." ang wika ko sabay yakap sa kanya
"Mahirap ba?" tanong niya
"Ang ano?"
"Yung maging bakla kuya."
Hindi agad ako naka sagot, para bang nilagyan ng busal ang aking bibig. "Ah e, hindi. Hindi mahirap maging bakla. Ang mahirap lang ay kung paano ka tatanggapin ng mga tao sa paligid mo. May pag kakataon na ituturing ka nilang iba. Pag tatawanan ka nila o sisisihin sa kanilang kamalasan. At wala kang magagawa kundi ang yakapin ang mga ito at tanggapin na ang mga tao sa iyong paligid ay mapang husga." ang tugon ko naman.
"Bakit may taong mapang husga?" tanong pa niya
"Iyon ang hindi ko alam, siguro ay natural na lamang sa mga tao ang maki ayon sa takbo ng kanilang isipan at sa nakikita ng kanilang mga mata. Walang paki alam ang tao sa mga tamang nagagawa mo. Mas may paki alam sila sa mga mali kaya't kailangan mong pag ingatan ang iyong mga kilos. Halika nga dito Pedring, masyado kang maraming tanong e." ang wika ko sabay yakap sa kanya
"Ang batang maraming tanong ay matalino kuya." tugon niya dahilan para matawa ako.
Kinahapunan, naisipan kong mag tungo sa gymnasium doon sa barangay dahil may laro ng basketball sila Marky. Mabibilang ang pag kakataon na nag tutungo ako roon. Kapag lamang may laro ang mga kaibigan ko o may practice ng anik anik sa mga school program.
"Go! Fight Win! Marky!!" ang sigaw ko habang nag lulunlundag sa bleacher dahilan para hilahin ako ni Effie. "Maupo ka nga, ang landi landi mo naman ateng. Saka hindi lang naman ikaw ang fans ni Marky. Hayun ka kabila yung mga freshman na babaeng patay na patay sa kanya."
"Patay na patay? Malapit ko na silang patayin lahat! Ay nako wala akong paki sa kanila. Labanan ito ng magaling kumembot at mag cheer! Go go Sago! Go go!! L O V E Marky!"
"Ay ano pa iyang ateng! Umupo ka nga babarilin kana namin eh!" ang reklamo ng mga beki sa likod.
"Ganda ka? Wag nga kayo maaarte hindi naman kayo magaganda! Hmm amoy betlog nanaman ang hininga niyo! Im sure nag nectar nanaman kayo kagabi!" tugon ko at pinag patuloy ko ang ccheer sa kuponan nila Marky.
Noong matapos ang game ay agad kong nilapitan ni Marky at inabutan ito ng inumin. "Oh anong nangyari sa iyo Josh, bakit pawis na pawis ka?" ang tanong nito
"E nag paka cheer leader kasi ako doon sa itaas."
"Ikaw pala yung maingay doon sa silya. Salamat ha." naka ngiting tugon ni Marky
"Wala iyon. Nga pala para sa iyo ito." ang naka ngiti kong hirit sabay kuha ng isang kumpol na isaw sa aking bag. "Binili ko iyan sa kanto. Paka busog ka ha."
"Wow may paisaw si Josa!" ang wika ng mga kasamahan ni Marky sabay dukot sa mga ito kaya naman pinag tatampal ko ang kanilang mga kamay. "Wag nga kayo, kay papa Marky iyan. Panalangin nyo nalang na maging gwapo kayo para may mag bigay rin ng isaw sa inyo."
"Ang damot naman ni Josa, eh pangit ka rin naman!" ang reklamo ng mga ito.
"Tse!" ang tugon ko
"Wag mo na nga sila pansinin, salamat ha, ang bait bait mo talaga." ang wika ni Marky sabay akbay sa akin. Ramdam na ramdam ko ang bilugan niyang brasong naka akbay sa akin at amoy na amoy ko ang kanyang pawis na may kakaibang aroma, masarap singhutin na parang isang droga.
Napa pikit ako habang ninanamnam ang amoy ng pawis ni Marky.
Hmmmm ang bango bango talaga!
Maya maya ay tila nag iba ang amoy nito. "Ay bakit parang umasim?" ang bulong ko sa aking sarili sabay dilat ng aking mata. Dito ay nakita kong nakataas ang kili kili ni Effie habang naka tapat sa mukha ko.
"Ayy baho! Bakit ikaw?! Bwisit!" ang galit kong salita.
"Umalis na si Marky kasama yung barkada niya. Hayun sila." ang wika ni Effie at doon nga ay nakita kong pasakay na sa Jeep ang grupo nila Marky, masayang masaya sila dahil naipanalo nila ang game at syempre ay masaya rin ako dahil muli ko siyang nasilayan at nakasama.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...