Selda Part 9

1.8K 100 6
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Road To Love

AiTenshi

Sep 19, 2018

************

STORY 3

Selda

Inalis ko ang kanyang braso sa pag kakayakap sa akin at humarap ako sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay habang naka style baril ang aking daliri, itinapat ko ito sa aking ulo at "BANG!!!" ang wika ko habang naka ngiti.

Natawa siya at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat." ang bulong niya sabay halik sa aking labi.

Part 9

Nag simulang mabago ang samahan namin ni Janros, mas naging maigting ang turingan namin kapag kaming dalawa ang mag kasama. Pero kapag nasa labas naman ay normal ang lang lahat dahil pinipilit naming itago kung ano ang mayroon kaming dalawa. Ang mundong binuo naming dalawa ay malayo sa realiyadad, ito yung mundong para sa amin lamang at walang ibang makakapasok. Sa apat na sulok ng malungkot na bilangguang ito ay natagpuan namin ang saya sa piling ng isa't isa. Dito namin pinunan ang kakulangan na hindi namin mahahanap dito sa loob ng piitan.

Isang araw habang abala kami sa pag gawa ay nakita namin na nag lalakad si Ros kasama ang kaibigan niyang pulis na si Lance at ang isa pang hindi ko kilala. Naka posas ang kamay niya sa likuran habang palabas sa tarangkahan. Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit umalis sila, hindi ko tuloy maiwasang sundan sila ng tingin habang palayo. "Oh bakit ganyan kang mahabol ng tingin?" tanong ni Floy

"Saan dadalhin si Janros?" ang tanong ko na may halong pag tataka.

"Hindi ko alam pre, may mga agenda ang mga pulis dito na tanging sila lang ang nakaka alam." sagot niya habang abala sa pag gawa ng beads para sa mga bracelet.

"Nag aalala ka sa kanya? Huwag mo na nga itago sa amin na kayo ni Janros ay may relasyon. Halata naman sa reaksyon mo at ang dami mong kiss mark sa leeg." wika ni Don

"Kaya naman pala sagad sa langit ang selos ni Janros sa akin dahil may gusto sa iyo yung gago!" ang wika ni Maru

Tawanan sila..

Wala naman akong nagawa kundi ang aminin sa kanila ang totoo. "Sige sabihin nyo na kung anong gusto nyong sabihin sa akin. Ayoko lang mag tago ng sikreto sa inyo dahil mga kaibigan ko kayo." ang wika ko

Tumigil sa pag tawa si Wang. "Hindi kami nag tatawa dahil nag kabaklaan kayong dalawa. Natatawa kami kasi kinikilig kami. Diba mga pare?"

Tawa ulit sila..

Road To Love (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon