PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sept 4, 2018
**************
STORY 1
Baka Bukas
Part 15
Final Part
Lumipas ang mga araw, bumuti ang pakiramdam ni Marky, nanghingi rin ako ng dispensa sa kanyang pamilya dahil sa nangyaring kaguluhan doon sa event. Pinangarap namin ang moment na iyon bagamat nag karoon nga ng kaunting gusot ay hindi pa rin matatawaran ang ala-alang pag dating niya para ako ay mag karoon ng partner.
Dahil sa pangyayaring iyon nag karoon ng hiwalayan sina Marky at Maya. Binully rin si Maya sa campus dahil hindi lang ito 2 timer kundi marami pa siyang pina asang lalaki. Kung sa bagay maganda naman talaga siya at maraming nababaliw sa kanyang kakaibang karisma.
Tahimik na rin ang aking buhay, nag focus ako sa aking pag aaral lalo't nanalapit nanaman ang final examination. Marami akong absent kaya tambak rin ang requirements na hahabulin ko para makapasa.
Sa mga nag dadaanang segundo ng aking buhay ay parang tinatanggap ko na rin na hindi madaling makatagpo ng tunay na pag mamahal. Para itong isang mahabang pag lalakbay patungo sa isang paraiso ng kaligayahan na iilan lamang ang nakakarating. Siguro sa parte ko ay hindi pa oras para makamit ito.
Pag dating naman sa bahay, hindi ko pa rin makasundo ang kapareha ni mama ngunit hindi ko naman isinasara ang puso para bigyan ng pag kakataon na mag kaayos kami. Si Pedrin ay nalilito, parang gusto na rin yata niyang mag ladlad, ang sabi ko naman sa kanya ay kahit anong gawin niyang desisyon sa kanyang buhay ay nandito lang ako para sumoporta. Ganyan ko siya kamahal.
Makulay pa rin ang love life nina Effie at Ping. Sinasama nila ako sa mga date nila bagamat parati kong pinipintasan ang kanilang mga jowa ay natutuwa pa rin ako dahil masaya sila sa kanilang buhay pag ibig. Silang dalawa ang aking best friend, ang taong nakaka kilala sa akin ng lubos, ang dalawang taong handang makipag patayan at mag buwis ng buhay para maging maayos ako.
"Ay! Hindi ah. Hindi pa kami nababaliw para ibuwis ang buhay namin sa iyo." ang wika ni Ping habang kumakain ng hotdog.
"Sinabi ko lang iyon para naman malaman ng lahat na ganoon kayo kabait! Mga plastic!" sagot ko naman.
Tawanan..
"Naka handa ang mga kakailanganin mo sa Miss Gay University. Kaunting kembot nalang para manalo ka. Support kami sayo!" ang wika ni Ping
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...