Joachim Milner as Janros
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sept 14, 2018
***********
STORY 3
Selda
Part 2
Nag simula ang aking bagong buhay sa loob ng bilangguan ng St. Jude Prison. Katulad ng napag usapan namin ni Don, ang dapat maging buhay namin sa loob ay tahimik lang, normal at malayo sa gusot kaya naman pinipili kong mabuti ang aking kinakausap at pinakikisamahan. Kadalasan ay matatapuan kami sa pinaka likod ng selda habang gumagawa ng mga handicrafts. Tinuruan rin ako ni Don na mag lililok ng imahe gamit ang kahoy. Ang buhay dito sa loob ng kulungan ay maihahalintulad ko sa isang rehabilitation center ng mga baliw at drug adik kung saan ang lahat pinagagawa ng iba't ibang activities para ang atensyon ay naka tuon lang sa magandang bagay at hindi sa bisyo o makikipag away.
Ang pag kain sa loob ng selda ay karaniwang tira ng mga pulis o mga nirecycle o ini-init lang ng maraming beses. Nangyari pa nga sa akin na ang aking sabaw ay mayroong lumulutang na langaw at ang aking kanin ay may nakapalamang ipis na patay. Pero ganoon siguro talaga tapangan nalang ng sikmura at patigasan ng pag katao.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay may lumakad na pulis sa aming harapan hawak nito ang isang malaking kwadro ng larawan. Isinabit niya ito sa ding ding at nag malaki. "para sa inyo marunong mag basa, ito ang plaque ng pag kilala sa ST. Jude bilang pinaka malinis, pinaka organisado at pinaka maayos na bilangguan, selda, koreksional sa buong bansa." wika ng pulis
"Tangina malinis? Eh yung kinakain nga namin may sahog sa ipis at bangaw! Yung kubeta sa kabilang istasyon puro ebak!!" ang sigaw ng isa
Tawanan sila..
"Anong sabi mo?!" gigil na tanong ng pulis sabay labas sa kanyang hawak na batuta. Nilapitan niya ang presong nag salita at saka pinag hahampas ito. "Huwag kang nag sasalita lalo na kung hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Baka gusto mong ipakain ko sa iyo lahat ng tae, bangaw at ipis na sinasabi mo!! Balik na sa trabaho!! Pwe! Mga gago! Panira ka ng araw tang ina mo!" ang wika ng pulis
"Tama na boss, nag sasabi lang naman siya ng totoo, kahit yung pag kain namin kanina ay may nakalutang na patay na bangaw. Mas masarap pa yung pag kain ng alagang aso ni Commander e." ang reklamo ng isa kaya pati sya pinuntahan rin at pinag hahampas ng batuta
"Ayokong makaka rinig ng kahit anong paninira sa St. Jude maliwanag ba? Sige balik sa trabaho!" bulyaw niy at maya maya ay lumapit sa kanyang isang lalaki. Hindi ito naka uniporme na pang preso. May katangkaran at may maayos na pangangatawan. Inabutan niya ng yosi ang pulis at nag tapikan pa sa balikat ang mga ito. "Ang lalaking iyan ay si Atan. Tingnan mo pati pulis ay buddy niya. Mukhang hindi preso kung umasta." ang bulong ni Don
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...