PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sept 18, 2018
*********
STORY 3
Selda
Part 7
Lumipas ang araw ko sa loob ng St. Jude Prison, ang lahat ay paulit ulit lamang nagaganap, para akong nag lalakad sa isang malaking bilog na iyon at iyon lamang rin ang dinadaanan. Tuwing gigising sa umaga ay mag tutungo agad kami sa ginagawang selda sa likod na lote na kulungan. Mag hapon kaming nag bubuhat ng mga kagamitang mga bakal. Pag katapos noon ay mag tutungo ako sa selda ni Ros para imasahe siya. Tungkol naman sa aming dalawa, dati pa rin ito bagamat ngayon ay komportable na ako sa kanya. Nagaganap pa rin ang milagro sa pagitan naming dalawa at madalas ay subo ko ang kanyang pag kalalaki matapos akong mag masahe. Ang nakapag tataka ay parang nagugustuhan ko na ang aming ginagawa, may pag kakataon pa nga na ako na mismo ang hahawak sa kanyang kargada para isubo ito at pag laruan. Gustong gusto naman niya ang aking ginagawa.
"Marunong ka palang gumuhit" ang puna ko noong makita ang mga band paper na nakatupi sa ilalim ng kanyang higaan.
"Iyan lang ang talento na mayroon ako. Maganda ba?" tanong ni Ros
"Maganda naman. Bakit puro larawan ng babaeng naka hubo at babaeng nag paparaos sa sarili ang ginagawa mo?" pag tataka ko
"Natural, lalaki ako kaya iyan gagawin ko. Alangan namang mag drawing ako ng lalaking nakalabas ang titi!" ang sagot niya. "Alam mo ba na pangarap kong maging pintor o artist, pero napag tanto ko na walang pera doon. Basta kahit anong kursong may kinalaman sa pag guhit ay gusto kong kunin. Kaso ay nauwi ako sa pagiging kriminal." ang wika niya sabay pakita sa akin ng mga iginuhit niyang mga larawan ng mga bahay, gusali at mga portrait ng kapaligiran.
Pinag masdan ko ang mga ito at doon ay hindi ko maiwasang humanga sa kanyang mga obra. "Ang ganda, iyan ang tunay na talento. Bihira ang mga taong magaling gumuhit." ang naka ngiti kong wika
"Kaya ingatan mo ako dahil bihira lang ako." ang wika niya habang tingin sa aking mukha. Napatingin rin ako sa kanya at nag kabangga ang aming mga mata. Para bang may kung anong magnet ang humihila sa amin para mag lapit ito.
Ibayong kaba ang aking naramdaman noong mamalayan na mag kalapit na aming ilong at gayon rin ang mga labi.
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang pumasok ang kaibigang pulis ni Ros dahilan para mag balik kami sa aming normal na ulirat. Nahuli niya tuloy na muntik na kaming mag halikan ni Ros. "Ehem" usal ng pulis
"Ikaw pala pareng Lance, anong sa atin?" normal na tanong ni Ros
"Pre, mag usap tayo sa labas. Importante ito." ang sagot ng pulis
Tumango naman si Ros at agad na sumunod sa kanyang kaibigan. Ako naman ay naiwan lamang nanakaupo at nag tataka kung ano yung pag uusapn nila na hindi ko maaaring malaman.
Lumabas ang dalawa..
Ako naman ay nag patuloy sa aking pag tingin ng larawan na kanyang iginuhit hanggang sa maya maya ay mapansin akong isang bagay na naka ipit sa tabi ng kanyang bibliya. Agad ko ito kinuha at inusisa. Picture ito ng isang batang sanggol, sa tingin ko ay nasa kulang isang taong gulang. At hindi lang ito ang nag iisang larawan dahil marami palang naka ipit sa loob ng kanyang mga libro.
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...