PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Road To Love
AiTenshi
Sep 22, 2018
*******
STORY 3
Selda
Nasa ganoong kasiyahan kami noong biglang bumukas ang pinaka main na rehas ng selda at dito ay pumasok ang dalawang pulis. Matikas na lumakad ang mga ito patungo sa amin kaya naman natahimik ang lahat..
Sa gitna ng katahimikang iyon ay isang malakas na salita ang kanilang binitiwan. "OWEN VILLA FUERTE, LAYA KANA!"
Part 13
Nag hiyawan ang lahat..
Palakpakan sila at dinumog ako ng mga preso para yakapin ng mahigpit.
Mistulang suspended animation ang pang yayaring iyon. Napatingin ako kay Ros na noon ay pumapalakpak at masayang masaya. "Ito yung regalo ko sa iyo." ang wika niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko
"Mamaya ko na ipapaliwanag! Ayos!!" ang wika niya sabay buhat sa akin at inikot ikot ako sa ere na parang isang babae.
Tuloy pa rin ang pag sasaya ng mga tao sa paligid. Pati sila Wang ay mangiyak ngiyak habang binabati ako sa aking pag laya. Ewan, ngunit parang hindi ako makapaniwala at parang nag aagaw ang kaba, lungkot, saya at takot sa aking dibdib. Para bang isang panaginip ang lahat na ang mga bagay na imposible ay nagaganap. "Nanaginip ba ako? Gusto ko na gumising! Baka binabangungot na ako!" ang wika ko kay Maru habang niyayakap ako nito
"Tol, hindi ka nanaginip! Totoo ito! Malaya kanaaa!!" ang masayang wika niya
Matapos ang selebrasyon ng aking kaarawan ay agad kong kinausap si Ros tungkol dito. "Paano nangyari ito? Bakit hindi ko maunawaan?" tanong ko na naguguluhan pa rin.
Si Janros ay abala sa pag kuha ng malaking maleta at inaayos ang aking gamit. "Hoy, bakit? Bakit ako naka laya?" ang tanong ko naman
Huminto si Ros at hinalikan ako sa labi. "Ang daming tanong e. Ang totoo noon ay kami ni Lance ang nag ayos ng kaso mo. Yung mga araw na umaalis kami ay kumuha kami ng mahusay na abogado upang halungkatin ang kaso mo, kumuha rin kami ng imbestigador upang siyasatin kung anong nangyari. At unang araw palang ng imbestigasyon ay malakas na agad ang posibilidad na makalaya ka dahil natunton agad namin ang salarin. Iyon ay ang mismong asawa ng iyong kliyente. Iyon nga lang ay napatagal pa ang iyong pag laya dahil nag tago pa ang suspek, nitong nakaraang buwan lamang siya nahuli. Ang kaso mo ang pinaka madaling naresolba nag kataon lang na wala kayong perang panlaban at ayon mismo sa kanila ay hindi kayo lumaban at hinayaan mo ang sarili mong makulong. Nalulungkot ako para sa sinapit mo kaya gumawa ako ng paraan para makalaya ka." ang paliwanag ni Ros dahilan para matahimik ako.
Napatingin ako sa bag na kanyang inaayos. "Teka, bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya
Napailing ako. "Salamat sa tulong mo pero bakit parang masakit yung dibdib ko? Lalaya nga ako pero maiiwan naman kita dito. Ayokong iwan ka dahil nakasanayan ko nang parati kang nakikita o nayayakap. Parang ayokong lumabas. Dito nalang ako, sabihin mo kay Lance na hindi na ako lalabas. Please." ang wika ko sabay yakap sa kanya
BINABASA MO ANG
Road To Love (BXB 2018)
RomanceAng Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwento ng mga tauhan na may kanya kanyang suliranin sa buhay. Dito ay malalaman natin kung paano nila kak...