Chapter 1

1.3K 39 33
                                    

"Isang pagkakamali siguradong talo na agad si Mister Kang, tingnan natin ang gagawin nya"

Makapigil hiningang sabi ng Announcer ng Laro.

Dahan dahan kinuha nya ang baril at tinutok sa tatargetin.

"Tatlumpung sigundo nalang kakayanin nya kaya ito?"

Sabi ulit ng Announcer.

Kinasa nya ang baril at huminga ng malalim.

"10 seconds left!"

Kahit 10 seconds nalang hindi nya pa rin tinitira ang baril hanggang umabot sa puntong matatapos na ang oras.

"5.. 4.. 3.. 2...1!"

Pagkasabi ng 1 pinutok nya ito at tumama ito sa pinaka gitna ng target.

"Mister Raiko Kang is the winner of Gold Asian Olympics of 2001"

Yan lahat ang mga sinasabi ng mga balita ngayon.

"Ano masasabi mo Mister Kang sa iyong pagkapanalo?"

Tanong ng isang Reporter.

"Sa totoo lang para toh kay Papa at sa buong pamilya ko, hintayin mo ako Mama I love you!"

Niyakap nya ang kanyang Ama na may halong saya at pagmamahal.

Maya maya Umuwi na si Raiko kasama ang kanyang Ama para asikasuhin ang kanilang maliit na tahanan ngunit umalis din saglit si Raiko para bumili ng kanilang hapunan pero sa pagkakataong ito, eto na pala ang huling makikita nya ang kanyang Amang masaya.

"Papa ang galing talaga ni kuya sya talaga ang best kuya in the world!"

Sabi ni Celine ang pangalawa sa magkakapatid.

"Hindi magtatagal nandito na ang kuya nyo sabay tayong kakain ng hapunan"

Maya maya may kumatok sa pintuan.

"Papa baka si Kuya nayon!"

Sabi ni Carlo ang bunso sa magkakapatid

"Sige ako na ang magbubukas"

Binuksan ng kanilang Ina ang pinto at.

"Anak kumain kana pinag...."

Nahinto sya sa kanyang pagsasalita ng ibang tao ang naka tayo sa harapan nya. Kaysa ang masayang muka ng kanyang anak ang makita isang baril ang naka harap sa kanya at kaparehas din ito ng baril na ginamit ni Raiko sa laro. Pinutok nya sa noo ng babae ang bala at kasabay nito ang pagtumba ng katawan nito at pag-agos ng dugo sa may ulo ng kawawang babae. Nakita ng kanyang Ama ang katawan ng kanyang asawa na naka handusay at naliligo sa sariling dugo.

W - Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon