11:30 PM
"Cheers!!!" "wooohooo!!!"
Sabay sabay na tagay ng apat na magkakabarkada habang masayang nagiinuman.
"O ano mga pare kaya pa?!"--Jerome
"Kayang kaya!! Kahit hanggang bukas tayo mag walwal dito ayos lang!!" Pautal utal na sigaw ni JV dahil sa sobrang kalasingan.
Sabay sabay silang naghalakhakan.
"O! Pareng Arthur bakit parang ang seryoso mo naman?"--Jerome
"Wala kang pakialam Mind your own business!!!"--Arthur
"Wow English!! Hahaha!!"
Natatawang sabi ni Jerome."Hinaan niyo nga yang mga boses niyo para kayong mga babae baka may mga makarinig sa atin!"--Andy
"Bakit? maghahating gabi na naman, siguradong patulog na ang mga madlang pips!"--JV
"Kaya nga eh baka magising sila Bobo!"--Andy
Natawa naman ng malakas sina Jerome at Arthur.
"Wow hiyang hiya!!" --JV
Ulol!! --Andy
"Hoy! Hoy! Hoy! Tama nanga yan para kayong mga bata! Nandito tayo para mag celebrate dahil nagawa natin ng maayos ang mga plano natin!"--Arthur
"Oo nga Oo nga! Kaya tama nayan tsumibog nalang kayo ng tsumibog ang dami pang pagkain o!" --Jerome
Pinagpatuloy na nila ang kanilang pagiinuman ngunit tila balisa at di mapakali si Arthur. Agad naman iyong napansin ng mga kasama niya.
"O pre bakit ganyan ang muka mo may problema ba?" Nagtatakang tanong ni Jerome.
"W-wala may iniisip lang." --Arthur
"Bakit ano ba yon?" --JV
"Kasi parang.....parang kinakabahan ako, parang may hindi magandang mangyayari." --Arthur
"Sows paranoid kalang! Ito beer inumin mo para mawala yan!" Wika ni Jerome sabay kuha ng chicharon sa mangkok na nakalapag sa lamesa.
"Siya nga pala ano nang plano natin pagkatapos nito?"--JV
"Ano pa edi dating gawe" wika ni Andy.
"Sang lugar naman ang susunod na tatrabahuhin natin?"--JV
"Basta ako ng bahala."sabi ni Andy habang may makahulugang ngiti.
Matagal ng magkakabarkada ang apat. Nagsimula ang pagkakaibigan nila simula noong Highschool palang sila. Parati silang laman ng Guidance Office sa paaralan nila noon dahil walang araw na wala silang ginawang kalokohan sa kanilang paaralan.
Isa sa mga halimbawa ay Bullying, cutting classes, pakikipag basag ulo at marami pang iba. Parepareho silang nanggaling sa mararangyang pamilya at lumaki silang sunod sa luho.
Si Andy ang tumatayong leader sa kanilang apat. Takot ang tatlo niyang kaibigan sa kanya kaya isang utos lang nito ay sumusunod agad sila. Iba magalit si Andy kaya siguro ganoon nalang ang takot ng tatlo sa kanya.
Si Jerome naman ay ang Happy go lucky sa kanila. Mahilig ito sa mga party kaya parati itong laman ng mga Bar. Mahilig din ito sa mga babae kaya bawat araw ay iba iba ang kanyang mga nagiging nobya.
Si JV naman ay ang pinakamatalino sa grupo. Parati itong top sa klase noong nag-aaral palang sila. Ito rin madalas ang gumagawa ng mga plano nila sa kanilang lihim na gawain.
At ang pang huli ay si Arthur. Si Arthur ay ang pinaka seryoso sa kanila, ito din ang pinaka tahimik. Madalas din itong kumontra sa kanilang mga maling gawain ngunit sa huli ay di siya nagtatagumpay. Kung tutuusin ay iba siya sa kanilang grupo. Kung minsan ay naiisipan nitong tumiwalag sa kanilang grupo dahil hindi na nito kinakaya ang mga ginagawa nito. Pero mas nangingibabaw parin sa kanya ang pagkakaibigan nila.
*******12:00 AM
Ilang saglit pa ang nakalipas ay napagpasyahan na nilang magpahinga. Isa isa na nilang iniligpit ang kanilang mga kalat. Nang matapos sila ay akmang aakyat na sila sa taas upang matulog pero biglang tumunog ang door bell. Napahinto sila ng marinig iyon. Agad pumunta si Arthur sa harap ng pinto at sumilip sa maliit na butas mula dito. Nakita niyang may dalawang tao ang nakatayo doon at may kasamang isang bata.
"May mga tao sa labas! "
Sambit nito.
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?