Andy's POV
Bahagya kong idinilat ang mga mata ko upang silipin ang ginagawang pagputol ni Arthur sa kanyang paa. Nakita kong patuloy parin siya sa paghiwa nito habang panay ang sigaw niya sa sobrang sakit.
Ilang saglit pa ay nagsimulang magtalsikan ang maraming dugo sa kanyang mukha at katawan. Unti unti naring lumalabas ang mga laman sa kanyang paa.
Alam kong marami na akong napatay na tao sa brutal na pamamaraan pero parang hindi ko kinaya nang makita kong literal na pinuputol ni Arthur ang kanyang paa.
Halos maduwal na ako sa aking nakikita. Maya maya pa ay biglang tumigil si Arthur sa kanyang ginagawa. Nakita ko siyang hingal na hingal at tagatak ang mga pawis na tumutulo sa kanyang mukha. Mangiyakngiyak narin siya sa sobrang sakit.
Napadapo ang tingin ko sa kanyang isang paa, halos maduwal nako nang makita ko ang lasob lasob na laman ng kanyang paa at ang pag agos ng masaganang dugo mula rito. Hindi pa tuluyang napuputol ang kanyang paa pero nakikita ko na ang kanyang buto mula roon.
Ilang saglit pa ay ipinagpatuloy na niyang muli ang kanyang pagputol dito. Umalingawngaw na naman ulit ang malakas niyang sigaw sa buong sala.
Naririnig ko na rin ang pagtama ng lagari sa kanyang buto habang pinuputol niya ito. Hindi ko na kinakaya ang kanyang ginagawa kaya napayuko nalang ako at napapikit ng mariin.
***********
Matapos maputol ni Arthur ang kanyang dalawang paa ay agad niyang tinanggal ang kadena na nakakabit dito. Pilit siyang gumapang papalapit sa lubid upang hilahin ito kahit hinang hina na siya. Agad naman niyang hinila ang lubid ng makalapit siya dito.
Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi ng magawa niya ito dahil sa wakas ay nailigtas na niya si Jerome.
Agad kong tinignan ang timer sa screen. Pero nagtaka ako dahil hindi parin tumitigil ang pagtakbo ng oras. Halos tatlong minuto nalang ang natitira bago tuluyang mapisa ang ulo ni Jerome.
"T-teka bakit hindi huminto ang oras?! N-nagawa ko na ang ipinagagawa mo!! " Takang tanong ni Arthur.
Tinignan ko si Jerome sa screen at nakita kong hirap na hirap na siya dahil sa unti unting pagkakaipit ng ulo niya sa mga bakal. Namumutla narin ang mukha niya dahil nahihirapan na siyang huminga unti unti naring humihina ang kanyang pagsigaw.
"Tsk tsk! Arthur hindi kayo nakinig ng mabuti sa instructions ko! Diba ang sinabi ko na kayong dalawa ang hihila ng tali, pero ikaw lamang ang gumawa non! Hindi hihinto ang oras hanggat hindi hinihila ni Andy ang lubid sa tapat niya!! " Paliwanag ni Edgar.
Nagulat ako sa aking narinig, ang akala ko ay kahit isa lang sa amin ang humila ng lubid ay pwede ng mailigtas si Jerome. Nakita ko si Arthur na nakatingin sa akin, tila nagmamakaawa siya na gawin ko na ang ipinapagawa sa amin ni Edgar upang mailigtas si Jerome.
Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko puputulin ang paa ko para lamang sa buhay ng ibang tao. Magkamatayan na pero buo na ang desisyon ko.
"Ano Andy?! Konti nalang ang natitirang oras para sa buhay ng kaibigan mo! Hahayaan mo nalang ba siyang mamatay?!! " Wika ni Edgar.
"Please Andy! Parang awa mo na! Kahit ngayon lang para sa buhay ni Jerome! " Pamimilit sa akin ni Arthur.
"Kahit anong gawin niyo ay hindi niyo ko mapipilit sa gusto niyo! Buo na ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago!! " Pagmamatigas ko.
Napaiyak nalang si Arthur sa kanyang pwesto habang si Edgar naman ay napailing nalang.
Lumipas ang tatlong minuto at tuluyan na ngang naubos ang palugit na ibinigay sa amin. Biglang umalingawngaw ang malakas na sigaw na nanggagaling sa speaker ng TV. Nakita ko si Jerome na unti unting naiipit ang kanyang ulo sa loob ng bakal. Tumutulo na ang masaganang dugo mula sa kanyang ulo at unti unti nang lumuluwa ang kanyang mga mata dahil sa matinding pagkakaipit ng kanyang ulo. Maya maya pa ay tuluyan nang nabiyak ang kanyang ulo. Nagtalsikan ang mga dugo sa paligid pati ang mga nadurog na utak at laman. Halos masuka ako sa aking napapanood sa screen ng TV.
Napahagulgol nalang si Arthur sa kanyang nakita, tila hindi niya kinaya ang mga nangyari.
Nakita ko naman si Edgar na nakatingin lang sa screen ng TV habang pinapanood ang mga pangyayari. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha habang nakatingin doon.
Hindi naman ako nakaramdam ng awa para kay Jerome o konsensya sa naging desisyon ko. Para sa akin ay tama lang ang ginawa ko. Dahil sa ganitong mga sitwasyon ay dapat sarili mo lang ang iisipin mo bago ang iba.
*********
10:38 PM
Kasalukuyang nasa sala parin kami ngayon matapos ang madugong laro na aming hinarap. Halos tulala lang ako na nakatingin sa kawalan. Iniisip ko ang mga nangyari pati narin ang susunod naming haharapin dito sa impyernong bahay.
Hindi ko alam kung makakalabas pa kami ng buhay dito. Pero sisiguruhin kong makakaligtas ako sa kamay ng mga demonyong yon. Akala ko ay isa na ako sa pinakamasama at pinakabrutal sa pagpatay ng mga tao pero nagkamali ako dahil meron pa palang mas masahol sa akin at kasama ko sila sa iisang bahay ngayon.
Mula sa malalim na pag-iisip ay bahagya kong sinilip si Arthur sa tabi ko. Nakatulog na ito sa sahig dahil narin siguro sa matinding pagod at sa daming dugong nawala sa kanya dahil sa pagputol niya sa kanyang mga paa.
Naawa ako ng konti sa kanya dahil sa kanyang kalagayan ngayon pero mas nananaig parin ang matinding galit na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi parin mawala sa isip ko nang aminin niya sa amin na isa siyang bakla at higit sa lahat ay ang lihim niyang pagkagusto sa akin. Isa yon sa mga dahilan kung bakit ako galit sa kanya pero ang mas ikinagagalit ko ng lubos ay dahil niloko niya kami. Itinago niya ang kanyang tunay na pagkatao dahil alam niyang galit at ayaw ko sa mga katulad niya. Natatakot siguro siyang layuan namin siya. Pero tama lang siguro siya sa kanyang ginawa dahil kapag nalaman namin siguro sa mga panahon na yon ang kanyang lihim ay baka hindi lang paglayo ang ginawa namin sa kanya dahil baka napatay pa namin siya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising narin si Arthur. Agad siyang napatingin sa akin matapos niyang imulat ang kanyang mga mata pero mabilis niya ring iniwas ang tingin sa akin.
Tumingin siya sa kawalan matapos iyon. Tila mababakas sa kanyang mukha ang pagkaseryoso. Bigla akong nanibago sa mga ikinikilos niya dahil ngayon ko lang siyang nakita na ganon kaseryoso.
Unti unti niyang iginalaw ang kanyang ulo upang tignan ako. Nabigla ako nang makita ko ang reaksyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Nanlilisik ang kanyang mga mata na wari mo'y papatayin ako gamit ang kanyang mga tingin.
Napangiti nalang ako ng sarkastiko dahil sa kanyang ginawa. Marahil ay galit na galit na siya sa akin sa mga oras nato dahil sa pagbalewala ko sa mga kaibigan namin. Ngayon ay parehas na kami ng nararamdaman para sa isa't isa na puro galit at poot.
"Mukhang handa na kayo sa huli niyong lalaruin! "
Bigla akong nagulat dahil may biglang nagsalita sa harapan namin at pagtingin ko dito ay nakita ko yung batang anak ng magasawa. Kung hindi ako nagkakamali ay Barbie ang pangalan niya.
Nakatingin lang ito sa amin na parang isang demonyo. Para siyang hindi bata sa mga ikinikilos niya. Nakaramdam ako ng matinding kilabot dahil sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"Super excited na akong makalaro kayo kaya simulan na natin!!! " Nakangisi niyang sambit.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?