9:30 PM
Arthur's POV
Ilang minuto palang ang nakakalipas nang matapos ang madugong laro. Andito parin kami sa mismong silid kung saan nangyari ang lahat.
Hindi na kami nakagapos sa pagkakatali sa mga silya. Malaya na kaming nakakagalaw dito sa loob kwarto pero nakakulong parin kami.
Bumabalot sa buong silid ang nakakabinging katahimikan. Walang nag iimikan ang isa man sa amin. Lahat kami ay nakatulala sa kawalan.
Ilang saglit pa ay biglang nagsalita si Jerome.
"B-Bakit?! Bakit mo nagawa yon sa kanya?!! " Pambabasag sa katahimikan ni Jerome.
Walang bakas ng emosyon na tinignan siya ni Andy. Seryoso itong nakatingin sa kanya na parang wala lang sa kanya ang mga nangyari.
"Sagutin mo ko!! Bakit?! Bakit mo pinatay si JV na matalik nating kaibigan!!! " Galit at maotoridad na tanong sa kanya ni Jerome.
Nagulat ako sa inasta niya, first time kong makitang sigawan niya si Andy nang walang bakas ng takot.
Ngumisi lang si Andy sa kanya bago nito sagutin ang tanong niya.
"Gusto mong malaman?!! Simple lang!!..... Hindi ko siya pinatay dahil galit ako sa kanya!! Ginawa ko yon dahil gusto ko nang matapos ang paghihirap niya dahil alam kong anumang oras ay babawian na siya ng buhay dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya!!! " Mariing dahilan ni Andy.
"Pero pinatay mo parin siya! Sana hinayaan mo nalang na kusa siyang bawian ng buhay kesa sa patayin mo siya sa isang brutal na paraan!! " Sagot ni Jerome.
"Wala akong pagpipilian! Kapag hindi ko ginawa yon ay ako naman ang mapapahamak! Naiintindihan mo ba?!! " --Andy
"Tss..... Makasarili ka parin hanggang ngayon!! " Sambit ni Jerome habang may mapait na ngiti.
"Wag kang magsalita na parang ang linis linis mo!! Alalahanin mo mga mamamatay tao tayo! Mga kiminal! Mga magnanakaw! Kaya wag ka nang magdrama diyan dahil hindi bagay sayo! At kung makaasta ka diyan parang wala kang nagawang katarantaduhan sakin!!! " Inis na sambit ni Andy sa kanya.
"Tss.... Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil wala na akong pakialam sayo!!! " Matigas na wika ni Jerome.
Ilang saglit pa ay biglang may tinig na nagsalita na nanggagaling sa speaker.
"O players mukang may eksenang nagaganap diyan ha?! Hahaha! Maghanda na kayo dahil magsisimula na ang susunod nating lalaruin!! 1 down 3 to go! Good luck!! Hahaha!!! " Sabi ng tinig na nanggagaling sa speaker at alam ko kung kanino yon, kay Edgar.
Maya maya pa ay biglang lumabas na naman ang mabahong usok na nanggagaling sa mga maliliit na butas ng kisame. Agad kong tinakpan ng dalawang palad ang aking ilong at bibig dahil alam ko na ang mangyayari kapag nalanghap namin ang usok na yon at ganon din ang dalawa.
Ngunit sadyang napakatapang ng amoy nito na halos tumatagos na sa aking mga palad. Lalo ding kumakapal ang usok sa loob ng kwarto. Ilang saglit pa ay unti unti na akong nakakaramdan ng pagka hilo. Hindi ko na kayang pigilan ang pagkahilo ko hanggang sa unti unti na akong nawalan ng malay.
**********Nagising ako mula sa pagkakatulog. Nilibot ko ang aking mga mata at napagtanto kong nasa sala na kami ng bahay ngayon. May naramdaman akong bakal na nakakabit sa aking mga paa at nang tignan ko ito ay nalaman kong mga kadena pala ito na nakapulupot sa magkabila kong paa.
Nakakonekta ang mga kadena sa bakal na nakakabit sa dingding ng pinakadulo ng sala. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Andy sa di kalayuan sa ganoon ding kalagayan. Nakatulala lang ito sa kawalan na wari mo'y wala sa sarili.
Ilang saglit pa ay may narinig akong mga yabag ng paa na papalapit sa kinaroroonan namin. Nilingon ko ang kinaroroonan nito at nakita kong may isang lalaking papalapit sa amin. Habang tumatagal ay naaaninag ko na kung sino ito, walang iba kundi si Edgar.
"Mabuti naman at nagising na kayo! Kanina pa kasi ako naiinip sa kahihintay sa inyong magising upang masimulan na natin ang susunod na laro. " Nakangisi niyang sambit sa amin.
"Ang dami mong satsat! Simulan mo na ang kagaguhan mo nang matapos nato!! " Inis na sambit ni Andy.
Napabuntong hininga nalang ako dahil doon sapagkat nakakasigurado akong isang karumaldumal na laro na naman ang kahaharapin namin.
"Relax! Eto nanga sisimulan na natin! Pero bago tayo magsimula ay may ipapakita muna ako sa inyo! " Sabi ni Edgar sabay tingin sa LED TV na nasa harap namin.
Biglang bumukas ang screen ng TV at nakita namin mula rito si Jerome na nakaupo sa isang silya. Nakatali ang mga kamay at paa niya mula rito. May nakakabit ding isang malaking bakal sa kanyang ulo. Para itong isang helmet dahil nakapasok ang ulo niya sa pagitan ng dalawang bakal. Masasabi kong hindi ito isang ordinaryong helmet na bakal dahil may kakaiba sa mga ito. Panay din ang iyak ni Jerome na wari mo'y nanghihingi ng saklolo.
Parehas kaming nagulat ni Andy sa nasaksihang kalagayan ni Jerome. Halos hindi na kami makapagsalita dahil doon.
"Ngayong nakita niyo na ang kaibigan niyo sa ganyang kalagayan ay pwede na natin sigurong simulan ang laro. Wag kayong mag-alala dahil wala namang mangyayaring masama sa kanya kung malalampasan niyo ang larong gagawin natin. Simple lang naman ang Instructions, hihilahin niyo lang naman ang mga lubid na nasa harap niyo upang mapahinto ang paggalaw ng mga bakal na nasa magkabilang ulo ni Jerome dahil kung hindi niyo magawa yon ay mapipisa na parang itlog ang ulo niya!! " Paliwanag ni Edgar na may nakakakilabot na ngiti.
Nanlaki ang mga mata namin ni Andy sa sinabi niya. Tila hindi ko kakayaning may mawala na naman sa amin kaya gagawin ko ang aking buong makakaya para mailigtas si Jerome.
"Gago ka ba?! Paano namin gagawin yon eh nakakadena ang mga paa namin?! Hindi namin abot ang mga lubid sa harap namin!! Nag-iisip ka ba?! " Galit na katwiran ni Andy.
Bigla kong narealise na nakakadena nga pala ang mga paa namin. Lalo akong nanlumo dahil doon. Wala akong makitang ibang mga bagay sa paligid namin upang gamitin sa paghila ng mga lubid. Tila nawalan na ako ng pag-asa na mailigtas ang kaibigan namin.
"Syempre nag-iisip naman ako Andy! Kaya ko nga kinadena ang mga paa niyo upang hindi niyo maabot ng basta basta ang mga lubid! Alanganaman na ipagawa ko sa inyo yon ng hindi nakatali ang mga paa niyo! Edi nagawa niyo agad! Bakit pa ako nagpalaro sa inyo kung ganon lang kadali! Walang thrill?!! O ano Andy?! Baka ikaw ang hindi nag-iisip?!! " Tugon ni Edward.
Napabuntong hininga nalang ako dahil may punto nga naman siya sa mga sinabi niya. Hindi na naka kibo si Andy dahil doon, inirapan nalang niya si Edward bilang tugon.
"Pero baka isipin niyo namang napaka sama kong tao dahil sa hirap at halos imposible nang ipinapagawa ko sa inyo, kaya bibigyan ko kayo ng gamit na pwedeng makatulong sa inyo. Pero nasa sa inyo nalang kung gagamitin niyo ito o hindi! "--Edgar
May inihagis siya sa harap namin na isang bagay. Agad kong napagtanto kung ano ito. Ito yung lagaring ginagamit sa pagputol ng mga bakal.
Tila nabuhayan ako ng pag-asa na maililigtas namin si Jerome. Agad kong kinuha ang lagari at sinimulan ko nang putulin ang kadenang nakatali sa mga paa ko.
"By the way, meron lamang kayong sampung minuto upang gawin ang ipinagagawa ko sa inyo, pero kapag nabigo kayo, pasensyahan nalang tayo alam niyo na ang mangyayari!!! " Nakangisi niyang sabi.
Agad lumabas ang isang timer sa LED TV hudyat nang pagsisimula ng laro.
"And your time starts now!! " Pagsisimula niya.
Itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/161598287-288-k45754.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?