Arthur's POV
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni Andy. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang patayin ng ganung kadali ang isa sa amin na matalik niyang kaibigan. Oo malaki ang mga nagawa naming kasalanan sa kanya pero hindi ata sapat yon para patayin niya ang isa sa amin ng ganun ganon nalang. Minahal ko ng totoo si Andy higit pa sa pagiging kaibigan. Nagsimula ko yong maramdaman noong highschool palang kami. Sumasaya ako sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganon ang nararamdaman ko sa kanya basta hindi ko maipaliwanag. Kahit napakasama ng ugali niya ay mahal ko parin siya at hindi ko maintindihan kung bakit, ganon nga siguro kapag nagmamahal ang isang tao.
"Oh! Gusto ko yan! Hindi ako makapaniwalang kaya mong patayin ang isa sa mga kaibigan mo nang ganong kadali! Excited na ako!!! " Masayang sambit ni Ana sa sagot ni Andy habang pumapalakpak pa.
"Tss, ngayon kalagan mo na ko para magawa ko na ang gusto mo nang matapos na to. Tutal naman ay kanina pa ako nanggigigil sa galit sa tatlong gago na yan!!! " Matigas na utos ni Andy.
"Sure! Excited na ko sa madugong eksena!" Hahaha!! "--Ana
Agad nang kinalagan ni Ana si Andy mula sa pagkakagapos. Nang matapos siya sa pagtanggal ng tali kay Andy ay agad niyang iniabot dito ang palakol na hawak niya. Nagtaka ako sa ginawa ni Ana dahil kung tutuusin ay pwedeng pwede itong gamitin ni Andy upang patayin siya.
"O ngayon, puntahan mo na ang taong gusto mong patayin gamit ang palakol na hawak mo! But wait! Ipapaalala ko lang sayo na wag na wag kang gagawa ng isang bagay na hindi ko magugustuhan, is that clear?! " Taas kilay niyang banta kay Andy.
Nakita kong tumango nalang si Andy bilang pagsangayon. Nagsimula na akong kabahan ng sobra. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil sa nerbyos. Hindi ko alam ang takbo ng utak ni Andy. Pero kung ako sa kanya ay agad ko nang ihahataw ang palakol kay Ana dahil hawak na niya mismo ang palakol. Pero hindi parin mawala sa isip ko kung paano nga na patayin niya ang isa sa amin ngayon nga na may malalim siyang dahilan para gawin yon.
Humakbang na si Andy papunta sa gitna habang nakasandal sa kanyang balikat ang hawak niyang palakol. Nakita ko ang dalawa na hindi na maipinta ang mga pagmumuka dahil sa labis na kaba at takot.
Inililibot ni Andy ang kanyang tingin sa aming tatlo habang nakangisi ng mala demonyo. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang pinipili kung sino sa amin ang papatayin niya.
Iniangat na ni Andy ang hawak niyang palakol hudyat ng handa na siya sa kanyang brural na gagawin.
Napapikit nalang ako na wari mo'y inihahanda na ang aking sarili sa kung ano man ang mangyayari.
"A-Andy huwag! P-please maawa ka!! " Narinig kong pagmamakaawa ni Jerome.
"Andy mga kaibigan mo kami! P-pwede nating pagusapan ang mga problema natin sa isa't-isa! Huwag mong sundin ang inuutos ng demonyong babae nayan!! " Pagkukumbinsi sa kanya ni JV.
Tila napipi na ako sa kinauupuan ko at hindi nako makapagsalita sa sobrang kaba. Nakakatakot ang itsura ni Andy. Ngayon ko lang siya nakita ganoong paguugali. Mala demonyo ang awra ng kanyang mukha na tinalo pa ang mga serial killer sa mga horror movies. Tila hindi ko na siya kilala.
Ilang saglit pa ay nagulat kaming tatlo ng biglang lumingon siya ng tingin kay Ana. Nanlilisik ang mga mata niya dito. Bigla siyang humarap sa kinaroroonan nito at akmang ihahampas niya ang palakol sa ulo ni Ana. Tila nabuhayan ako ng pag-asa dahil doon. Ibig sabihin ay mas matimbang parin ang pagkakaibigan namin kaysa sa galit at poot niyang nararamdaman kaya hindi niya pinakinggan ang inuutos ni Ana.
Pero nagtaka ako dahil wala man lang mababakas na takot sa mukha ni Ana sa ginawa ni Andy. Sa halip ay nakangisi lang itong nakatingin sa kanya.
Nang malapit nang tumama ang palakol sa ulo ni Ana ay biglang natigilan si Andy. Bigla itong nangisay na tila nakukuryente hanggang sa mabitawan niya ang hawak na palakol. Tuluyan siyang bumagsak sa sahig habang nangingisay parin.
Nagulat kaming tatlo sa nangyari kay Andy. Nakita kong tumatawa si Ana habang pinapanood ang paghihirap ni Andy. Ngayon ay alam ko na kung bakit tila kampanteng kampante siya sa pagbigay ng palakol kay Andy.
"Sabi ko naman sayo Andy! Wag kang gagawa nang hindi ko magugustuhan pero ang tigas ng ulo mo ginawa mo parin! Sabagay, noong pinakawalan kita sa pagkakagapos mo at ibinigay ko sayo ang palakol ay inaasahan ko nang may ganitong mangyayari. Pero hindi ako tanga gaya niyo ng mga kaibigan mo Andy! May ikinabit akong maliit na device sa likuran niyo! Para kung sakaling may gawin kayong katarantaduhan ay isang pindot ko lang sa aking wrist watch na kumokontrol sa device sa likod niyo ay madali ko kayong makokontrol or worst is to kill you on the spot!!! " Paliwanag niya kay Andy.
Tumigil na sa pangingisay dahil sa pagkakakuryente si Andy. Tila nabunutan naman ako ng tinik dahil doon. Unti unti niyang inangat ang kanyang ulo kahit nanghihina upang tignan si Ana. Nanlilisik ang mga mata niya na parang demonyong nakatingin dito.
"O ano Andy?! Itutuloy mo pa ba ang ipinagagawa ko sayo o tatapusin nalang kita!! " Mariing tanong sa kanya ni Ana.
Kahit hinanghina ay sinubukan paring tumayo ni Andy. Kinuha niya ang palakol sa sahig at nanlilisik ang mga matang tumingin sa aming tatlo. Isinandal niya ang palakol sa kanyang balikat habang hinihingal.
"Ngayon pumili kana sa kanila kung sinong gusto mong patayin nang matapos na tong laro! " Maotoridad na sambit ni Ana.
Napangisi nalang si Andy ng mapait habang nakatingin kay Ana. Maya maya pa ay sa amin namang tatlo ibinaling niya ang kanyang tingin.
Kinabahan ako nang husto sa mga titig niya. Parang ibang tao na ang nasa harap namin ngayon. Tila desidido na siyang gawin ang inuutos sa kanya.
Ilang saglit pa ay lumakad na siya papalapit sa aming tatlo. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Maaaring katapusan na nang isa sa amin.
Huminto na siya sa paglalakad nang makarating na siya sa harap namin. Agad siyang tumingin ng diretso kay Jerome habang mala demonyong nakangisi.
Nanlaki ang mga mata ni Jerome dahil sa kaba. Pero ilang saglit pa ay sa akin naman niya ibinaling ang kanyang tingin. Namutla ako dahil doon dahil baka ako ang napili niyang patayin. Maya maya pa ay agad niyang inangat ang palakol sa ere. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Tama nga ang hinala ko, ako ang napili niyang patayin. Napapikit nalang ako nang mariin at inantay nalang na tumama ang palakol sa aking katawan.
Pero lumipas ang ilang segundo ay wala paring nangyayari. Dahil sa pagtataka ay dahan dahan kong iminulat ng bahagya ang aking mga mata. Tumingala ako sa pagkakayuko upang tignan siya pero laking gulat ko nang makita ko siya sa harap ni JV.
Nakatayo siya sa harap nito habang nagkalat ang napakaraming dugo sa pwesto nila. Maging ang mukha at damit niya ay puro talsik ng dugo. Dahan dahan kong nilingon ang pwesto ni JV at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.
Nakabaon ang palakol sa ulo ni JV habang nakayuko ito. Umaagos ang napakaraming dugo mula rito. Naglabasan din ang mga nadurog na utak sa ulo ni JV.
Walang emosyon ang mukha ni Andy habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni JV, si Jerome naman ay umiiyak na parang bata sa kanyang pwesto.
Natulala nalang ako sa aking mga nakita at ilang saglit pa ay napahagulgol na ako iyak.
"B-Bakit? Bakit Andy?! " Bulong ko sa aking isip.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?