Chapter 10

434 7 1
                                    

7:30 PM

Nahihirapang mag isip ng paraan ang apat kung paano sila makakalabas sa silid na iyon. Nakakandado kasi ang pintuan palabas maging ang mga bintana ay ganon din.

Sinubukan na nilang butasin ang kisame pero walang nangyari dahil sadyang napakatibay ng pagkakagawa nito.

"Hello players! Naiinip na ba kayo? Wag kayong mag-alala dahil magsisimula na 2nd round ng laro natin kaya maghanda na kayo!!! Hahaha!!! " sabi ng tinig na nanggagaling sa speaker.

"Aahh!!! Bwisit kang hayop ka! Oras na makita kita tandaan mo mata mo lang ang walang latay!!" Galit na sigaw ni Andy.

Ilang saglit pa ay may biglang makapal na usok ang lumabas mula sa mga maliliit na butas ng kisame. Tila isang napakabahong kemikal ang amoy nito. Unti unting nawalan ng malay ang apat nang masinghot nila ang mabahong usok hanggang sa bumagsak sila sa sahig.

8:13 PM

Arthur's POV

Minulat ko ang aking mga mata ko. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nandito parin kami sa kwarto kung saan kami nakakulong. Nakita ko sina Andy, Jerome at JV na nakagapos sa mga silyang kanilang inuupuan at maging ako ay ganon din. Nakaayos ng pabilog ang mga upuan namin habang magkaka harap kami.

"Guys gising!! " Pagtawag ko sa kanila.

Maya maya pa ay nagising na si JV at sumunod na ang dalawa. Magkahalong gulat at pagtataka ang reaksyon ng mga mukha nila.

"A-ano to?! A-anong nangyayari?! Bakit nakatali na naman tayo?!! " Takang tanong ni Jerome.

"H-hindi ko alam, pero masama ang kutob ko!! " Kinakabahan kong sagot.

Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at napalingon kaming lahat doon. Lumabas mula rito ang babaeng asawa ni Edgar na si Ana. Nakangiti ito habang papalapit sa amin.

"Mabuti naman at gising na kayo! Kanina pa ako naiinip eh! Gustong gusto ko nang makipaglaro sa inyo! " Sabi nito sa amin habang may mala demonyong ngiti.

"Hoy babae!! Hindi kami natatakot sayo!! Kaya pakawalan mo na kami dito habang nakapagtitimpi pa ako sayong hayop ka at baka mapatay pa kita!! " Pagbabanta sa kanya ni Andy.

"Di nga? gagawin mo yon? Eh nakatali ka nga diba? Hahaha!! "--Ana

"Wala akong pakialam basta pakawalan mo kami dito! ngayon na!!! " Nanggigigil na sigaw ni Andy sa kanya.

"O siya siya tumahimik ka na at naririndi na ako sa boses mo, baka hindi ako makapag timpi at mapatay pa kita nang wala sa plano kaya simulan na natin ang laro!! "--Ana

Wala na kaming nagawa. Inantay nalang namin kung anong laro ang ipagagawa niya sa amin. Sobra na akong kinakabahan dahil hindi ko alam ang takbo ng isip niya.

"Okey! Tawagin nalang natin ang larong ito na Truth or Dare. Marahil alam niyo na ang larong ito pero iba ang version na gagawin natin. Nilagyan ko ito ng twist para mas exciting! Kaya simulan na natin!" Paliwanag niya sa amin habang may nakakatakot na ngiti.

Pumwesto siya sa gitna namin at may inilagay doong isang bote. Agad niya itong pinaikot matapos ilagay doon.

Ilang saglit pa ay unti unti nang bumabagal ang pagikot ng bote hanggang sa huminto ang nguso nito sa tapat ni JV.

Nakita kong bumakas ang takot at pangamba sa mukha ni JV nang huminto sa tapat niya ang nguso ng bote.

"So JV, ikaw pala ang mauuna! Kaya tatanungin kita!......Truth or Consequence?! " Nakangising tanong ni Ana sa kanya.

Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon