Arthur's POV
Habang gumagapang ako papaalis ng sementeryo ay bigla akong natigilan dahil may narinig akong tawanan. Liningon ko ang pinanggagalingan nito at laking gulat ng malaman ko kung saan nanggagaling iyon.
Nakita ko mula sa likuran ko sila Ana at Edgar at maging ang anak nilang si Barbie. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko! Paano nangyari yon?! Binaril ko sila at kitang kita ko kung paano sila namatay! Halong gulat, pagtataka at takot ang nararamdaman ko ngayon, tila napako ako mula sa aking pwesto.
"Nice try Arthur! Ang galing mo palang bumaril! Asintadong asintado sa amin! Pero maganda sana kung totoong baril ang ginamit mo! Malamang nasa impyerno na kami ngayon! Kaso hindi eh! Paano ba naman kasi?......... Paint gun ang ginamit mo! Hahaha!!! "--Edgar
"H-Ha?!! P-paano nangyari yon?! Totoong baril ang ginamit ko! Sigurado ako don! H-hindi ako pwedeng magkamali!! " Depensa ko.
"Planado ang lahat Arthur! Sinadya kong ilagay ang pekeng baril na yon sa bulsa ko dahil alam naming may binabalak kang hindi maganda habang buhat kita papuntang kotse! At hindi nga kami nagkamali! Kumagat ka sa plano namin! Kinuha mo nga ang pekeng baril na yon sa bulsa ko! " Paliwanag niya.
"Mukha talagang totoo ang baril na hawak mo dahil ako mismo ang nag disenyo niyan at ang bala na ginamit sa baril na yan ay yung ginagamit sa mga paint gun! Totoong dugo nga lang ang inilagay namin sa mga bala para mag mukang mas makatotohanan pag binaril mo na kami! Ang galing diba?! " Nangaasar na sambit ni Ana.
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Natulala nalang ako sa kawalan at tinanggap ko nalang na marahil ay ito na ang katapusan ko.
Ilang saglit pa ay bigla akong binuhat ni Edgar at dinala ako sa hukay na itinuro nila na paglilibingan ko.
Hindi na ako pumalag ng ginawa niya yon dahil sa sobrang gulat at panghihina. Tinanggap ko nalang ang kapalaran ko.
Bago niya ako ilaglag sa hukay ay nakita ko ang mga katawan ng mga kaibigan ko sa mismong hukay. Nagulat ako ng bahagya dahil doon. Naiyak nalang ako dahil sa sobrang takot.
Agad niya akong inilaglag sa hukay at tumama pa sa katawan ko ang mga bangkay ng kasama ko.
"Ngayon ay makapag papahinga ka na Arthur kasama ang mga kaibigan mo! Magkikita kita na kayo sa impyerno! Bye! " --Ana
"A-ano pang hinihintay niyo! Patayin niyo na ko! " Pagmamakaawa ko para matapos na ang paghihirap ko.
"Wag kang atat! Masyado ka namang excited! May gusto munang kumausap sa yo bago ka namin tapusin! " Nakangising sambit ni Edgar.
Maya maya pa ay bigla kong nakita si Barbie. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin nang matapos na to! " Bulyaw ko sa kanya.
"Gusto mo bang malaman kung ano yung bagay na tinutukoy ko kanina na nagpabago ng isip ko!" Wika ni Barbie.
Hindi ako sumagot tinignan ko lang siya ng masama.
"May nakita akong isang bagay na nakaukit sa batok mo!......
At yon ay ang tattoo na agila! " Sabi niya."A-ano naman ngayon?! Sapat na ba yong dahilan para magbago ang isip mo?! " Tugon ko.
"Pamilyar kasi ang tattoo na yon sa akin, pinapaalala nito sa akin ang mapait na karanasan na hindi ko malilimutan at yon ay ang pagkamatay ng pamilya ko! " Naiiyak niyang sabi.
"Ano namang kinalaman ng tattoo ko sa pagkamatay ng pamilya mo?! " Nagtataka kong tanong.
"Dahil ang taong pumatay sa pamilya ko ay may ganyang tattoo sa batok! Parehong pareho ng sayo! "

BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystère / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?