Chapter 7

536 7 1
                                        

3:00 PM

Barbie's POV

Gumuhit ang mala demonyong ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang apat na nilalang na to na walang malay nakatayo sa malalaking bloke ng yelo habang nakatali ang kanilang mga kamay sa kanilang mga likuran. Nakatali ng pabigti ang kanilang mga leeg na kumokonekta sa nakausling kahoy mula sa kisame.

Habang tumatagal ay unti unting natutunaw ang mga yelong kanilang tinatapakan dahilan upang mas lalong humigpit ang mga taling nakapulupot sa kanilang mga leeg.

"Nararapat lang yan sa kanila dahil mga dakilang demonyo sila! " Bulong ko sa aking isip.

Walang awa nilang pinahirapan ang aking totoong mga magulang  pati narin ang aking nakababatang kapatid hanggang sa mamatay. Sariwa pa sa aking alaala ang mga pangyayaring yon dalawang buwan na ang nakararaan.

Flashback:

Nakatago ako sa closet ng mga magulang ko habang takot na takot na pinanonood ang pagpapahirap sa kanila ng apat na lalaking iyon.

Gustuhin ko mang tulungan sila ay hindi ko magawa dahil sa sobrang takot. Umaagos na ang aking mga luha sa aking mga mata. Niyakap ko ng mahigpit ang aking teddy bear habang nanginginig ang aking buong katawan.

Ilang saglit pa ay biglang umalingawngaw ang sunod sunod na malalakas na putok ng baril sa buong silid ng aking mga magulang. Sinilip ko mula sa butas ng closet kung ano iyon. Nanlaki ang aking mga mata sa aking mga nakita. Nakita ko ang aking mga magulang na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nilang dugo.

Napatakip ang aking mga kamay sa aking bibig upang pigilan ang aking paghagulgol ng iyak. Gustong gusto ko nang lumabas ng mga oras na yon upang puntahan ang aking mga magulang at yakapin ng mahigpit. Pero pinigilan ko ang aking sarili dahil bilin ng aking mga magulang ay wag daw akong lalabas doon kahit anong mangyari kaya wala na akong nagawa kundi manatili nalang doon.

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto sa kwarto ng aking mga magulang at lumabas doon ang aking nakababatang kapatid. Agad siyang tumakbo papunta sa aking mga magulang habang umiiyak sabay yakap sa mga ito.

Lumapit ang lalaking may tattoo ng agila sa batok sa kapatid ko. Inangat niya ang kanyang kanang kamay na may hawak ng baril sabay tutok sa noo ng kapatid ko. Ilang saglit pa ay bigla niyang pinutok ang baril. Bumulagta ang kaawa-awang kapatid ko sa sahig habang masaganang umaagos ang napakaraming dugo sa kanyang noo kung saan siya binaril.

Natulala nalang ako sa aking mga nasaksihan. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto. Binalot ako ng labis na takot. Naduwag ako.

Nagising ako kinabukasan. Minulat ko ang aking mga mata at agad nilibot ng tingin ang aking paligid. Nasa isang kwarto ako ngayon na hindi pamilyar sa akin.

"O gising ka na pala iha. " Biglang sabi ng babaeng nakaupo sa sofa malapit sa bintana. Agad siyang lumapit sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

Mala Anghel ang kanyang ngiti habang nakatingin sa akin. Tila anggaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit di ko siya kilala.

"Ahmm,.....s-sino po k-kayo? paano po a-ako napunta dito? m-masamang tao po ba kayo? p-papatayin niyo po ba ako? " Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Shhh.... Wag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan andito kami para tulungan ka. " Sabi niya ng nakangiti.

"Kung ganon, sino po kayo? at paano po ako napunta dito? " Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Tawagin mo nalang akong tita Ana at tawagin mo nalang tito Edgar ang asawa ko. Andito ka dahil natagpuan ka namin na walang malay sa loob ng closet sa bahay niyo. " Pagpapaliwanag niya.

"Naaalala ko na, nawalan nga pala ako ng malay sa sobrang pag-iyak at takot ko. Bigla ko na namang naalala ang mga hayop na yon na pumatay sa pamilya ko, magbabayad sila! " Bulong ko sa aking isip.

Hindi ko na napigilang mapaluha dahil doon. Agad kong niyakap ang teddy bear ko na nasa tabi ko.

"Sige, iiyak mo lang yan kung ano man yang pinagdaraanan mo, andito lang kami para tulungan ka. " Wika niya sabay himas sa aking likuran.

"M-maraming.....s-salamat po. " Maikli kong tugon.

"Walang anuman. " Nakangiti niyang tugon.

"Siya nga pala, ano nga palang pangalan mo iha? " Tanong niya.

"Ahm, ako po p-pala si B-Barbie... Labing isang taong gulang na po ako." Nauutal kong tugon.

Ngumiti lang ito sa akin at hinimas ang aking kaliwang pisngi.

"Alam ko kung gaano kasakit at kalungkot ang nararamdaman mo ngayon dahil sa pagkamatay ng mga mahal mo sa buhay. Pero wag kang mag-alala, dahil simula ngayon ay kami na ng asawa ko ang mag-aalaga at poprotekta sayo. Simula ngayon ituring mo na kaming parang mga magulang mo. " Seryosong sabi niya sa akin.

Tumagos mula sa puso ko ang mga sinabi niya. Kita ko sa mga mata niya ang sinseridad. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko sa aking mga mata.

"Maraming maraming salamat po talaga, napakabuti niyo pong tao, sa totoo lang po hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo. Hindi ko po alam kung paano ko susuklian ang mga kabutihang nagawa niyo. " Naiiyak kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit bilang tugon.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang isang lalaki.

"Ahm, Barbie siya nga pala yung ikinuwento ko sayo, yung asawa ko, si Edgar. " Pagpapakilala niya dito.

Lumapit ito sa amin habang nakangiti. Tumingin siya sa akin ng diretso nang nasa harapan ko na siya.

"Simula ngayon ituring mo na kaming parang mga magulang mo. Alam kong mahirap sa una pero alam kong magagawa mo rin. " Wika niya sa akin.

"O-opo, m-maraming salamat po." Nahihiya kong tugon sa kanya.

"Sabihin mo, anong gusto mong gawin o ipabili para kahit papano ay mapagaan namin yang nararamdaman mo. " Nakangiting tanong niya sa akin.

Ilang saglit akong napaisip sa sinabi niya sa akin. Maya maya ay may bagay na biglang sumagi sa isip ko. Tila magkahalong galit at sabik ng maisip ko yon.

"Ang maghiganti po at walang awang patayin ang apat na demonyong pumatay sa pamilya ko. " Nanggigigil sa galit kong tugon sa kanya.

Sandaling katahimikan......

"Iyon lang ba?........ Masusunod ang gusto mo mahal naming prinsesa. " Nakangisi niyang tugon sa akin habang gumuhit sa kanyang mga labi ang mala demonyong ngiti.

End of Flashback

Halos dalawang buwan din namin kayong hinanap para maisakatuparan ang aming mga plano. Ngayon ay nasa harapan ko na kayo at hindi na ako makapaghintay na ipalasap sa inyo ang impyernong dinanas ko nung patayin niyo ang pamilya ko. Ipaghihiganti ko sila at sa mga taong walang awa niyong pinaslang. Ngayon na ang araw ng paniningil at sisiguraduhin kong pagsisisihan niyong nabuhay pa kayo sa mundo.




                     Itutuloy......















Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon