6:20 AM
Robert's POV
"Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng may maramdaman akong tubig na bumuhos sa akin. "
"Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang mga paang nasa harap ko. Agad akong tumingala upang tignan kung sino ang mga yon at nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. "
"Ito yung mga lalaking nanloob sa amin at walang awang pin ahirapan kami at sinaktan hanggang sa mawalan kami ng malay tao! "
"Agad kong hinanap ang mga anak at asawa ko, nakita ko ang asawa ko na nakatali sa kanyang inuupuan, puro dugo at pasa ang kanyang muka at may tapal na tape ang kanyang bibig. Nanlumo ako sa aking nakita. Gusto kong sugurin ang mga walang hiyang yon na nanakit sa aking asawa at patayin. Pero gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil nakatali ang aking mga kamay at paa mula sa aking kinauupuan. Hinang hina narin ako sa pagkakataong yon dahil sa labis na pagpapahirap at panggugulpi na ginawa nila sa akin. "
"Bigla kong naalala ang aking mga anak. Hinanap ko sila sa buong kwarto at nakita ko sila sa bandang kanan ko. Nakatali din sila tulad namin. Pero halos mapahagulgol na ako iyak sa nakita ko. "
"Halos kalunoslunos ang sinapit ng aking mga anak. Nakita ko ang aking panganay na si Jake na laslas ang leeg habang dilat ang mga mata. Sobrang daming dugo ang umaagos mula sa ulo at leeg nito at nasisiguro kong wala na itong buhay. "
"Ang aking bunso naman na si Kim ay nakatingin sa akin habang humahagulgol ng iyak habang may busal ng tela na nakasaksak sa kanyang bibig. Nakahiga ito sa ibabaw ng lamesa habang nakatali ang magkabilang mga kamay at paa nito mula sa lamesa. Nakababa ang palda nito maging ang panloob. Makikita dito ang sobrang hirap na dinanas niya mula sa mga demonyong ito. Sa pagkakataong iyon ay alam ko na kung ano ang ginawa nila dito. Walang awa nila itong pinagsamantalahan habang pinapahirapan. "
"Sa pagkakataong iyon ay sukdulan na ang poot at galit na nararamdaman ko. Gusto kong kumawala upang pagpapatayin at pahirapan ng husto ang mga hayop na yon gumawa non sa aking pamilya. "
"Mga hayop kayo!!! Anong ginawa niyo sa pamilya ko??!! Oras na makawala ako dito tatadtarin ko kayo ng buhay mga p*t*ng ina niyo!!! "
"Hahaha! Kung kaya mo!! Eh hindi ka nga makaalis diyan sa pagkakatali mo tapos pagbabantaan mo pa kami!! Ulol!! "--Jerome
"Ano bang kasalanan namin sa inyo?! Bakit niyo kami ginaganito!! Mga demonyo kayo!!"
"Ahm.... Wala naman, gusto lang namin, trip trip lang kumbaga, bored kasi kami eh! Pero ngayon nag-eenjoy na kami ng sobra!! Hahaha!! --JV
"Mga hayop kayo!! Masahol pa kayo sa demonyo!! Pakawalan niyo na kami ngayon din!!! "
"Ano kami tanga? Eh di nagsumbong ka sa mga pulis! Kaya umupo ka nalang diyan at antayin mo nalang ang kamatayan niyo. "--Jerome
"Okey tama na yan!! Naiinip na ako!! Simulan na natin ang laro! Hahaha!!! "--Andy
Agad kinuha ni Andy ang malaking bag mula sa kanyang likuran at binuksan ito. May isang malaking bagay na kinuha siya mula rito. Nanlaki ang mga mata ni Robert sa kanyang nakita. Alam niya kung ano ang hawak nito.
Isang Chainsaw....
Agad iniabot ni Andy ang Chainsaw kay Jerome.
"O ayan ikaw na ang mauna! "--Andy
"Sure! gusto ko yan! Sinong gusto mong pahirapan at patayin ko sa mga to? --Jerome
"Gusto kong yung ilaw ng tahanan ang puntiryahin mo dahil sa akin itong haligi ng tahanan at kay Arthur naman itong babaeng anak nila. "

BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?