Chapter 8

531 9 0
                                    

Edgar's POV

2 Months Earlier.....

Andito kami ngayon ng asawa kong si Ana sa malaking mansion ng boss namin. May trabaho na naman siyang ipapagawa sa amin at yun ay ang patayin ang mag-asawang Gomez.

Isa kaming professional hired killer ng asawa ko at yun ang trabaho namin. Halos sampung taon na namin tong ginagawa. Malaking pera ang kapalit ng mga pagpatay namin. Marami nang makakapangyarihang tao ang kumuha sa amin upang utusan kami para pumatay. Kahit hindi namin alam ang kanilang mga rason kung bakit ay ayos lang dahil ang mahalaga sa amin ay ang malaking perang ibinibigay nila sa amin kapalit ng pagpatay namin.

Ipinakita ng aming boss ang litrato ng mag-asawang Gomez. Makikita sa larawan na may dalawang anak ang naturang mag-asawa. Pero hindi kasama ang mga anak nila sa papaslangin namin.

Biglang may inilagay na isang itim na brief case ang boss namin sa lamesa sa kanyang harapan. Kahit hindi niya binuksan iyon ay alam na namin ang laman nito.

Limpak limpak na pera kapalit ng aming misyon.

Tumango nalang kami sa kanya tanda ng pag sangayon sa aming misyon na ibinigay niya habang may nakakakilabot na ngiti.

Ilang saglit pa ay umalis na kami upang magtungo sa bahay ng pamilya Gomez.

Nang makarating na kami sa aming pakay ay patago kaming pumasok sa bahay ng aming papatayin ng walang nakakapansin. Maganda ang mga kagamitan at ang loob ng bahay. Halatang namumuhay ang pamilyang ito sa karangyaan.

Nang nasa harap na kami ng pinto ng kwarto ng mag asawang Gomez ay dahan dahan naming pinihit ang door knob nito. Pagbukas namin ng pinto ay agad nanlaki ang mga mata namin sa aming nakita.

Magulo ang buong kwarto at maraming sira sirang gamit. Nagkalat ang maraming dugo sa paligid at walang buhay na nakahandusay sa sahig ang katawan ng mag asawa maging ang kanilang bunsong anak.

Hindi namin alam kung sino ang may gawa sa kanila nito. Kung sino man sila ay masasabi kong hindi sila tao kundi isang demonyo dahil sa paraan nila ng pagpatay sa mga ito.

Oo pumapatay din kami ng mga taong inosente at walang laban tulad nila pero may konsensya parin kami. Hindi sa ganitong kabrutal na paraan namin sila winawakasan ng buhay. Sa totoo lang ay hindi naman talaga namin gusto itong trabaho namin. Napipilitan lang kami dahil sa hirap ng buhay at natutukso rin kami sa laki ng perang kapalit. Alam ko naman na balang araw ay ititigil na rin namin itong ginagawa namin dahil hindi narin namin masikmura at nakokonsensya narin kami, hindi nga lang namin alam kung kailan.

Sa mga nakita naming madugong  krimen na sinapit ng pamilya ay tila nabunutan ako ng tinik dahil kahit papano ay hindi na namin kailangang dagdagan ang aming mga pagkakasala at dungisan ang aming mga kamay upang gawin ang aming trabaho.

Ilang sandali pa ay biglang sumagi sa isip ko na dalawa pala ang anak ng mag asawang Gomez. Sa pagkakatanda ko ay panganay na babae yung isa.

Agad namin siyang hinanap sa buong bahay at nakita namin siya sa loob ng closet ng mga magulang niya sa mismong kwarto kung saan naganap ang krimen.

Walang malay ang bata nang matagpuan namin siya doon. Marahil ay nasaksihan niya ang buong pangyayari. Nakaramdam kami ng awa sa bata kaya inuwi namin siya sa aming bahay.

Habang pinagmamasdan ko siyang matulog ay bigla kong naalala ang namayapa naming anak limang taon na ang nakararaan dahil sa malubhang sakit. Matagal na panahon na ang nakalipas pero sariwa parin ang sakit sa aming puso.

Tutal naman ay ulilang lubos na ang bata at wala parin kaming anak ay napagdesisyonan naming mag asawa na kupkupin nalang ang bata.

Ipinapangako namin sa aming sarili na aalagaan namin siyang mabuti at mamahalin namin na para naming isang tunay na anak. Poprotektahan namin siya at hindi namin hahayaang may manakit sa kanya kahit anong mangyari.

                      *********

5:00 PM

Unti unting idinilat ni Artur ang kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid kahit nanlalabo pa ang mga ito. Sumasakit ang buo niyang katawan dahil sa labis na pambubugbog. Tila napapaso na ang kanyang mga paa sa sobrang lamig dahil sa kanyang yelong tinatapakan.

Unti unting humihigpit ang pagkakabigti ng kanyang leeg sa lubid na nakatali sa itaas dahil sa mabilis na pagkatunaw ng yelong kanyang tinatapakan.

Gusto niyang kumawala ngunit nakatali ang kanyang mga kamay patalikod. Nakita niya ang kanyang mga kasama sa ganoon ding kalagayan.

Agad niyang tinawag ang mga ito upang magising at ilang saglit pa ay nagising narin ang mga ito. Gulat na gulat ang kaniyang mga kaibigan nang madatnan nila ang kanilang mga sarili sa ganoong sitwasyon.

Nagpupumiglas at halos nagwawala na ang mga ito sa kakasigaw sa sobrang galit pero hindi nila magawang makawala dahil sa higpit ng pagkakatali sa kanila.

Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang mga di nila inaasahang tao. Magkahalong gulat at galit ang bumakas sa kanilang mga muka.

"P-paanong??!! " Nagtatakang sambit ni Jerome.

Mababakas naman ang galit at poot sa muka ni Andy dahil inaasahan na niya na sila ang may gawa nito sa kanila dahil natatandaan niya pa ang mga huling pangyayari bago siya mawalan ng malay.

"O bakit?..... Nagulat kayo?!.... Oo kami nga! Kami ang may gawa niyan sa inyo!!! " Pasigaw na sambit ni Edgar sa kanila.

"P-pero.... P-paano?  Bakit??!! " Nagtatakang tanong ni JV.

"Planado namin ang lahat simula ng pagpapatuloy niyo sa amin dito hanggang sa pag gapos niyo sa amin sa loob ng kwarto. Inaasahan na namin na gagawin niyong lahat iyon sa amin kaya pinaghandaan na namin iyon. Sinakyan nalang namin ang lahat ng kagaguhan niyo at umarte nalang kami para mas maging makatotohanan. " Nakangising sabi ni Ana.

"At sa mga oras na ito ay kailangan niyo nang pagbayaran ang lahat ng kahayupang ginawa niyo!!! " Nanlilisik na mga mata sa galit na sigaw ni Barbie.

"Pakawalan niyo kami dito mga gago kayo!!! Oras na makawala ako dito ay papatayin ko kayo!!!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ni Jerome.

Lumapit si Barbie sa kinaroroonan niya at bigla nitong ibinaon sa kanyang hita ang isang napakalaking ice pick.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!........H-hayop kang bata ka!!! Papatayin kita tandaan mo yan!! Dudurugin kita ng pinong pino!!!" Nagpupumiglas sa sobrang sakit na banta ni Jerome dito.

"Ikaw kasi ang ingay ingay mo para kang babae!!! Nararapat lang sayo yan!! Kulang panga kung tutuusin dahil kung ako lang ang masusunod ay hindi lang yan ang aabutin mong demonyo ka!!! " --Barbie

"O sige simulan na natin ang laro!!..... Ang laro ng kamatayan!! Wahahaha!! " Malademonyong halakhak ni Edward.

Maya maya pa ay umalis na ang tatlo sa silid upang simulan na ang pagpapahirap na ipapadanas nila sa apat na lalaki.

"Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo! Ngayon ay ipapalasap ko sa inyo ang impyernong nararapat sa inyo!! Hanggang sa magmakaawa kayo na patayin nalang namin kayo!! " Bulong ni Barbie sa kanyang isip habang gumuhit ang nakakakilabot na ngiti sa kanyang mga labi.








                      Itutuloy......



Please vote, share and especially comment........ 🙏🙏🙏






Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon