Chapter 17

332 5 1
                                    

11:00 PM

Andy's POV

Ito na ang huling laro. Sigurado akong isa na naman sa amin ni Arthur ang mawawala matapos ang larong ito. Pero sisiguruhin kong ako ang matitira, at kapag nangyari yon gagawa ako ng paraan upang makaganti sa mga hayop na to.

"Ang gusto kong laruin natin ngayon ay..... " Bigla siyang napatigil upang mag-isip.

"Hmmm...... Ano nga ba?.....
Wala akong maisip!......
Ano kaya kung magpatayan nalang kayo sa harap ko? At kung sinong matitirang buhay ay siyang mananalo! At syempre bilang premyo ay pakakawalan namin siya! Diba ang ganda ng naisip ko?! Para siyang yung Japanese movie na Battle Royale!" Natutuwa niyang sabi na tila maglalaro lang kami ng piko.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong magagawa. Pero malakas ang paniniwala kong ako ang magtatagumpay dito ngayon pa't putol ang mga paa ni Arthur at alam kong hindi niya ako magagawang patayin dahil sa mahal niya ko.

"Handa na ko! Simulan na natin ang larong ito! " Seryosong sambit ni Arthur.

Tila nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya! Ibig sabihin payag siya sa patayang gagawin namin?! Ang akala ko naman ay tututol siya doon?! Malaki nga ang galit niya sa akin ngayon! Kung ganon nga ay bahala na siya! Wala akong pakialam! Basta ang mahalaga sa akin ay ang manalo sa larong ito upang makalaya na ako at makapaghiganti sa mga demonyong ito.

"Mukang excited ka na kuya Arthur! Bakit? Sabik ka na po bang patayin si kuya Andy para makaganti sa kanya sa mga ginawa niya sa inyong magkakaibigan? " Interesadong tanong ni Barbie.

Tumingin lang sa akin si Arthur at ngumiti ng sarkastiko.

"Tinatanong pa ba yan? Simula ngayon ay hindi ko na siya kaibigan! Isa nalang siyang kriminal para sa akin na gustong gusto kong patayin!"  Mariin niyang sabi.

Nabigla naman ako sa mga sinabi niya, pero hindi na ako masyadong nagulat dahil ramdam ko na naman mula kanina ang kanyang galit sa akin.

"Mukang magiging masaya ang laro na to! Simulan na natin para magkaalamanan na! Pero dahil putol ang mga paa ni kuya Arthur ay bibigyan ko siya ng armas na magagamit niya! At si kuya Andy naman ay lalaban ng mano mano! "-- Barbie

"Ano?! Hindi yata patas yon! Dapat bigyan mo rin ako ng armas upang makalaban! " Depensa ko.

"Bakit kuya Andy? Natatakot ka bang matalo ng isang taong putol ang mga paa?! Hindi mo ba siya kayang talunin ng walang armas?! Mahina ka naman pala kung ganon! " Tila nangaasar niyang tugon.

"Hindi ako duwag at lalong hindi ako mahina! Gusto ko lang maging patas ang laban! " Tugon ko.

"Kaya nga bibigyan ko ng armas si kuya Arthur upang maging patas ang laban dahil nakalimutan mo na bang putol ang mga paa niya! " Paliwanag niya.

"Basta! Hindi parin ako papayag sa gusto mong mangyari! " Sagot ko.

"O sige! Papayag ako sa gusto mong mangyari na bigyan kita ng armas pero sa isang kundisyon! "-- Barbie

"Ano naman yon!? " Tanong ko.

"Puputulin din natin ang dalawang paa mo gaya ng sa kanya! Ano? sangayon ka ba?! " Seryoso niyang wika.

"Nahihibang ka na ba?! Bakit ko naman yon gagawin?! " Tugon ko.

"Para bigyan kita ng armas, diba yun naman ang gusto mo? Para maging patas na kayo, o ano payag ka ba? Para simulan ko nang putulin ngayon, tutal nasasabik narin naman akong makita ang dugo mo, ano? Magdesisyon ka na?! " Sabi niya sabay taas ng patalim na kanyang hawak.

Bigla akong kinabahan dahil doon! Mukha talagang seryoso siya sa mga sinabi niya! Para siyang hindi bata kung makipag usap. Nagdadalawang isip na tuloy ako. Bakit ba ako natatakot sa kanya eh bata lang siya? Kung tutuusin ay kayang kaya ko siyang tirisin na parang langgam sa isang iglap pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi nakaimik sa mga sinabi niya. Napaisip ako saglit dahil doon.

"O siya! Wag na! Pasalamat ka nakakadena ang paa ko dahil kung nagkataon malilintikan ka sakin kahit bata ka pa!! " Sagot ko.

"Hahaha! Takot ka din pala eh! O sige na simulan na natin! " Natatawa niyang sabi.

Inikutan ko nalang siya ng mga mata sa sinabi niya.

"Sisimulan ko nang tanggalin ang mga kadena mo sa paa kuya Andy! Pero paalala lang, huwag kang gagawa ng hindi kanais nais dahil alam mo na ang mangyayari sayo! At kapag nagkataon ay baka si Arthur pa ang matira sa inyong dalawa! Maliwanag ba yon! "--Barbie

"Oo na! Ang dami mong satsat na bata ka! Tanggalin mo na kung tatanggalin mo! " Pagsingit ko.

Tinanggal na niya ang kadena sa mga paa ko. Buti nalang nakapagpigil ako habang ginagawa niya yon dahil kung hindi ay baka naliligo na siya sa sarili niyang dugo ngayon.

Matapos niyang gawin yon ay may kinuha siyang isang bagay sa loob ng itim na bag. Pagkakuha niya noon dito ay nabigla ako sa nakita ko. Isang mahabang baril ang inilabas niya. Agad niya itong ibinigay kay Arthur.

"Ito ang magiging armas mo kuya Arthur laban sa kanya, at paalala lang ulit! Wag na wag mong susubukang gamitin yan para barilin ako dahil sinasabi ko sayo na hindi yan gagana kapag sa akin mo itinutok! Hindi basta basta ang baril na yan dahil nakaprogram lang yan na pumutok sa inyo at hindi sa amin.

Ewan ko ba kung maniniwala ako sa mga sinabi ng batang to pero parang seryoso naman siya sa mga sinabi niya. Nakakamangha naman ang baril na yan kung totoo nga yon.

Tumango tango nalang si Arthur bilang pagsangayon sa mga sinabi niya. Nagsimula na akong gapangan ng kaba sa buong katawan. Marahil ito na ang katapusan ko pero hindi ako papayag! Lalaban ako!

Biglang napatingin sa akin si Barbie habang nakangiti. Maya maya ay may inihagis ito sa aking isang bagay sa harapan ko. Pagtingin ko dito ay napagtanto kong isa itong ice peek. Nagtaka akong napatingin sa kanya dahil doon.

"Hahaha! Binibiro lang kita kanina sa sinabi kong hindi kita bibigyan ng armas! Sinusubukan lang kita kung hanggang saan tapang mo pero naduwag ka naman bigla noong sinabi kong puputulin ko ang mga paa mo kapalit ng armas! Kung nakita mo lang ang mukha mo noon ay baka natawa ka! Hahaha!!! " Nakakainsultong tawa niya.

Bwisit! Sinusubukan mo talaga ako ha?! Kapag nakawala lang talaga ako dito! Manghihiram ka ng mukha sa unggoy na bata ka!

"Ngayong may mga armas na kayo ay magsisimula na tayo! Time check 11:13 PM. Kailangan  bago mag alas dose ng gabi ay may nanalo na sa inyo, dahil kapag hindi nangyari yon ay ako mismo ang tatapos sa inyong dalawa! " Paliwanag niya habang may mala demonyong ngiti.

Tumango nalang kaming pareho bilang pagsangayon.

"Ngayon simulan niyo na! " Pagsisimula niya ng laro.




                      Itutuloy....

Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon