Chapter 11

371 7 0
                                    

Ana's POV

Ang sarap poroonin ng mga hayop na to na naghihirap. Tila musika sa aking pandinig ang bawat sigaw nila tuwing nasasaktan sila dahil sa sobrang sakit. Lalo tuloy akong ginaganahan ngayon.

Sa sobrang saya ko ay agad ko nang sinimulan ulit ang laro. Pinaikot ko na ang bote hanggang sa huminto ito sa tapat ni Arthur. Hmmm oras na para ikaw naman ang maglabas ng baho! Bulong ko sa isip ko. Siguradong sigurado ako na Truth ang pipiliin niya. Kabisado ko na kasi ang takbo ng pag-iisip nilang apat. Dalawang buwan kasi namin silang minanmanan, pinagaralan ang bawat kilos at pag-uugali ng aking asawa. Kahit ang mga tinatago nilang lihim at baho ay alam na alam namin.

"So Arthur, Truth or Dare? " Agaran kong tanong sa kanya.

Pinagpapawisan na siya sa sobrang kaba at nanginginig narin ang kanyang buong katawan. Matagal siya bago nakasagot.

"T-Truth" Nauutal niyang sagot dahil sa kaba at hindi nga ako nagkamali sa aking hula sa kanyang sasagutin.

"So Arthur ito ang tanong mo. " Paninimula ko. "Alam kong may lihim kang sikreto na matagal  mo nang itinatago sa mga kaibigan mo. Alam kong pag nalaman nila ito ay paniguradong pandidirian at kamumuhian ka nila. Ngayon sabihin mo sa kanila kung ano iyon at wag mong susubukang magsinungaling dahil alam mo na ang sasapitin mo! " Pagbabanta ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa tinanong ko. Nanginginig ang buo niyang katawan at tagatak ang mga pawis na tumutulo sa kanyang mukha dahil sa kaba. Natulala siya sa kanyang pwesto habang nakatingin sa akin na wari mo'y tinatanong ako kung paano ko nalaman yon.

"A-ano bang s-sikreto ang....pinagsasabi mo diyan?! " Di mapakaling tanong niya sa akin na halatang kinakabahan.

"Oh common Arthur! Alam kong alam mo kung anong lihim ang sinasabi ko! Wag na tayong mag-gaguhan pa! " Sabi ko sa kanya sabay hawi ng aking buhok.

Tila natigilan siya sa aking sinabi. Hindi siya makatingin ng diretyo sa akin maging sa mga kaibigan niya.

"Ano bang lihim ang pinagsasabi niya Arthur? May hindi ka ba sinasabi sa amin?! " Seryosong tanong sa kanya ni Andy.

"Oo nga ano ba yon?! " Pahabol na tanong ni Jerome.

Hindi parin siya umiimik at nanatiling nakayuko sa kanyang inuupuan kaya gumawa na ako ng hakbang para magsalita siya.

Kinuha ko ang palakol na ginamit ko kanina kay JV at isinandal ito sa aking balikat habang tinignan ng mala demonyo si Arthur.

"O ano? Magsisimula na ba akong magbilang o sasabihin mo na sa kanila ang sikreto mo! " Pananakot ko sa kanya habang hinihimas ang talim ng palakol na hawak ko.

Agad naman siyang napatingala at tumingin sa akin na halatang kinakabahan dahil sa banta ko sa kanya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"O-Oo sige.......s-sasabihin ko na. "
Sabi niya habang napapikit ang kanyang mga mata.

"Good! Ngayon sabihin mo na! "
Utos ko sa kanya.

"K-kasi... K-kasi ano... Kasi.... " Pagsisimula niya.

"I-Isa akong.....

"Bakla! "

Agad siyang napayuko at napapikit sa sobrang takot at hiya matapos niyang sabihin iyon.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ng tatlo niyang kaibigan dahil sa sinabi nito. Halos malaglag na ang mga panga nila dahil sa gulat.

"That's right! Ngayon pwede ka nang makahinga ng maluwag Arthur coz your safe now!! Hahaha!! " Masaya kong sabi sa kanya.

Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon