"May mga tao sa labas! Anong gagawin natin? " Wika ni Arthur.
Sandaling natahimik ang apat upang mag-isip.
"Buksan mo ang pinto at tanungin mo kung ano ang sadya nila. " Maotoridad na utos ni Andy.
Agad namang binuksan ni Arthur ang pinto at bumungad sa kanya ang tatlong estranghero.
"Ano pong sadya nila? " Tanong ni Arthur.
"Makikituloy lang ho sana kami, tumirik kasi ang aming sinasakyan at hindi ko po kayang ayusin ito ngayon dahil sa sobrang lakas ng ulan. " sabi ng isang lalaking makapal ang bigote at may tattoo sa kaliwang braso.
Tumalikod ng bahagya upang humarap sa kanyang mga kasama si Arthur.
"Mga pare makikisilong daw saglit kahit ngayong gabi lang daw dahil sa lakas ng ulan.... ano papapasukin ba natin? "--Arthur
Tarantado ka ba?!!....Eh kung malaman nila ang sikreto natin edi kulungan ang bagsak natin niyan??!! Gamitin mo nga yang utak mo!!!" Pabulong na sabi ni Jerome upang hindi marinig ng mga tao sa labas.
Muling bumalik si Arthur sa harap ng pinto.
"Sorry po hindi po kasi pumayag ang mga kaibigan ko." maikling tugon ni Arthur.
"Parang awa niyo na po makikisilong lang po kami kahit ngayong gabi lang, sobrang lakas po kasi ng ulan baka magkasakit na po itong anak namin"...pagmamakaawa ng babaeng nakasuot ng eyeglasses at hangang balikat ang buhok. Tansya niya ay mga nasa late 20's na ito.
Ilang segundong katahimikan.....
"Sige papasukin niyo na!"
"P-Pero Andy??!!" pagtutol ni Jerome.
"Basta sundin niyo ang utos ko!!!.... Akong bahala sa kanila!"
Wala ng nagawa ang mga kaibigan niya kundi ang papasukin ang mga ito.
"O sige pumasok na kayo! Ngayong gabi lang ha!! Bukas na bukas umuulan man o hindi umalis na kayo maliwanag??!!"
"O-opo maliwanag."
"Ano ka ba Jerome!!?? Bakit naman ganyan ang trato mo sa mga bisita natin??!!"--Andy
"Pagpasensyahan niyo na siya ha, wala talagang modo ang gago na yan, tara tuloy kayo wag kayong mahiya feel at home hahaha!!!!" makahulugang sabi ni Andy.
Agad namang pumasok ang mga estranghero sa kanilang bahay. Medyo nahihiya pa ang mga ito habang pumapasok.
"S-salamat po at pumayag kayong patuluyin kami, hayaan niyo po bukas na bukas din ay aalis agad kami." pagpapasalamat ng mga ito.
"Mabuti naman kung ganon!" Naka kunot noong sabi ni Jerome.
"Can you please shut your fucking mouth! " pasigaw na sabi ni Andy kay Jerome.
Nabigla naman ang kanilang mga bisita sa nasaksihan.
"Oh sorry pagpasensyahan niyo na kami normal lang sa amin yon wag niyo na kaming pansinin. " sarkastikong paumanhin ni Andy.
"O-okey lang p-po wala po yon, kami nga po ang dapat himingi ng paumanhin dahil sa pangaabala namin sa inyo. " nahihiyang sabi ng babae.
Ngumti nalang si Andy bilang sagot.
"O maupo muna kayo wag kayong mahiya!.....teka kumain na ba kayo?" --Andy
"Opo kumain na po kami. " maikling tugon ng lalaki.
"Sigurado kayo? "--Andy
"Opo salamat nalang po. "
"Pero kung sakaling magutom kayo huwag kayong mahihiyang kumain sa kusina maraming pagkain sa ref. "--Andy
"S-salamat po. " nahihiyang sabi ng mga ito.
Biglang nabaling ang tingin ni JV sa batang kasama ng mga ito. Kung susuriin niya'y tila anak ng mag-asawa ang naturang bata. Mahaba ang buhok nito at may ribbon sa kanyang ulo. May hawak din itong teddy bear. Medyo nawiwirdohan siya dito dahil walang mababakas na emosyon ang muka nito mula pa kanina.
Ibinaling naman niya ang tingin doon sa mag asawa. Sinuri niya ang mga itong mabuti. Napansin niyang tila hindi mapakali ang lalaki at panay tingin palibot sa buong bahay. Ang babae namang kasama nito ay panay lang ang ngiti sa habang nakatingin sa kanila.
"I think there something's wrong" bulong ni JV sa kanyang isip.
"By the way, hindi pa pala namin ang mga pangalan niyo? "--Andy
"Ah...p-pasensya na nawala sa isip namin. Ako nga pala si Edgar, ito naman ang asawa ko si Ana at ito naman ang anak namin si Barbie. " pagpapakilala ng lalaki.
"Ah Okey"--Andy
"Ako naman si Andy at ito namang katabi ko ay si JV, yung nakaupo naman sa sofa ay si Arthur at yung mukang unggoy naman no yon ay si Jetome. " pagpapakilala naman nito da kanila.
"What the heck! Ako mukang unggoy!! " reklamo ni Jerome.
Natawa nalang ang mga kasama nito sa inasta niya maging ang mga bisita nila ay ganun din.
"So......gusto niyo na bang magpahinga? "--Andy
"Ah-eh kung okey lang." nahihiyang sabi ng lalaki.
"Sige doon nalang kayo matulog sa itaas sa pinakaunang kwarto. "--Andy
"But that's my room!!! Agad na tutol ni Jerome.
Pinandilatan naman siya ng mata ni Andy.
"Okey! Fine! doon na kayo matulog!" nakabusangot na sabi ni Jerome.
"Hindi okey lang dito nalang kami sa sala matutulog. " nahihiyang sabi ng babae.
"Sige wag na kayong mahiya doon na kayo matulog, pumayag na naman yung unggoy eh. "--Andy
Wala nang nagawa ang mga ito pumayag nalang sila sa gusto nito. Agad na silang umakyat papuntang kwarto upang magpahinga.
Naiwan ang apat na magkakabarkada sa sala. Ilang saglit pa ay biglang lumapit si Jerome kay Andy.
"Bro ano bang plano mo? Bakit pinatuloy mo sila dito? Baka malaman nila ang lihim natin pag nagkataon??!! "--Jerome
"Basta magtiwala nalang kayo sakin! "--Andy
"Wala akong tiwala sa kanila! Iba ang kutob ko sa mga yon parang may hindi sila na gagawing maganda base sa mga kilos nila at kahit kailan ay hindi pa ako nagkakamali sa mga kutob ko! " paliwanag ni JV.
Si Arthur naman ay nanatili lang na nakaupo sa sofa habang pinanonood ang mga usapan nila.
"Relax kalma lang! Masyado kayong paranoid! Wala ba kayong tiwala sa akin? Basta akong bahala dito, let me handle this! " wika ni Andy habang unti unti gumuhit ang mala demonyong ngiti sa kanyang mga labi.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?