Chapter 3

926 12 0
                                    

1:00 AM

Kasalukuyang nasa kusina si Andy ngayon habang umiinom ng mainit na kape para matanggal ang kanyang pagkalasing. Habang humihigop ng kape ay iniisip niya ang kanilang tatlong bisita.

May maitim siyang binabalak sa mga ito. Bigla niyang naalala ang mga pangyayari matagal na panahon na ang nakararaan.

Isang buong pamilya na walang awa nilang pinaslang. Wala naman silang malalim na dahilan kung bakit ginawa nila iyon. Basta trip lang nila, dahil bored sila at nakakaramdam siya kakaibang kasiyahan habang ginagawa niya iyon. Gustong gusto niyang nakakakita ng dugo, paghihiwa ng laman ng tao, pagpugot ng ulo at kung ano ano pang karumaldumal na gawain.

Lumitaw ang nakakatakot na ngiti sa mga labi ni Andy ng maalala niya iyon.

"Ang tagal kong hinintay ito, nasasabik na ulit akong gawin yon." sabi niya habang nakangisi.

Arthur's POV

"Bigla akong naalimpungatan sa pagkakatulog dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Agad akong bumangon sa pagkakahiga upang magtungo sa banyo."

"Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko ang bata na anak ng magasawa kanina na nakatayo sa harap ng labas ng pinto ng pinakahuling silid."

"Akmang hahawakan na ng bata ang door knob ng pinto upang buksan."

"Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nerbyos dahil doon, kaya dali dali akong pumunta sa kinaroroonan niya upang pigilan ito."

"Wag mong bubuksan yan! " utos ko sa bata habang hawak ang kamay nito upang pigilan.

"Agad namang napalingon ang bata sakin at makikita sa muka nito ang pagkagulat. "

"Anong ginagawa mo dito bakit gising ka pa? " tanong ko.

"Hindi sumagot ang bata at siya'y biglang napayuko. Ilang saglit pa ay bigla itong tumakbo palayo sa akin. "

"Nawirdohan ako sa mga ikinilos ng bata pero tila nabunutan ako ng tinik dahil napigilan ko siya sa pagtatangka niyang buksan ang pinto. "

"Humarap ako sa pintuan at tinignan ito. "

"Dahan dahan kong pinihit ang door knob upang buksan ang pinto. Pag bukas ko nito ay agad silang bumungad sa akin. "

"Walang dapat makaalam ng sikreto namin dahil pag nagkataon ay malilintikan na. Labag man ito sa aking kalooban ay kailangan ko itong gawin para sa mga kaibigan ko. "

"Agad ko ng isinara ang pinto matapos iyon. Inilock ko ang pinto upang siguraduhin na wala ng makapagbubukas nito. "

"Matapos iyon ay agad na akong umalis doon upang magtungo sa banyo. "

                      *********

Napalingon si Andy mula sa hagdanan at nakita niya mula roon si Arthur habang pababa.

"O pre bakit gising ka pa? " tanong ni Arthur ng makalapit siya kay Andy.

"Wala ito nag-rerelax lang, ikaw bakit gising ka pa? "--Andy

"Magbabanyo lang, o sige punta nako hah? "--Arthur

Agad nang pumunta sa banyo si Arthur. Nang makaraos ay lumabas na siya ng banyo. Dumiretso siya sa kinaroroonan ni Andy at tumabi dito.

"Anong plano mo Andy?....... Anong balak mo sa kanila? " bungad na tanong ni Arthur sa kanya.

"Tulad ng dati, gusto ko ulit na gawin yon, excited na nga ko eh, ikaw di ka ba excited? " nakangising tanong ni Andy.

"Pero paano yung mga taong nakituloy sa atin anong gagawin mo natin sa kanila? "--Arthur

"Edi ganun din, ayaw mo non mas mapapahaba pa ang paglalaro natin? at mabuti narin yon, bago pa nila malaman ang itinatago natin at makapagsumbong pa sila pag nagkataon."--Andy

"Na ano?......na hindi tayo ang totoong nagmamayari nitong bahay? Na ang pamilyang totoong nagmamayari nito ay pinahirapan natin ng husto at ikinulong natin sa pinakahuling kwarto sa taas? Na ang totoo'y nandito tayo upang nakawan sila?! "--Arthur

"Hinaan mo nga yang boses mo baka marinig ka nila. " pabulong na sabi ni Andy.

"Eh.... K-kung w-wag nalang kaya nating ituloy yon? " kinakabahang tanong ni Arthur.

"Baliw ka ba? nandito na tayo, wala nang atrasan to, gagawin natin yon sa ayaw mo't sa hindi!" --Andy

Wala nang nagawa si Arthur. Labag man sa kalooban niya ay susundin nalang niya ang gusto nito. Alam niya kasi kung pano magalit si Andy at tiyak na pagsisisihan niya pag nangyari yon.

Sa di kalayuan ay may isang matang nakamasid sa kanila. Narinig nito ang lahat ng mga pinagusapan nila at dahil doon ay gumuhit ang malademonyong ngiti mula sa labi nito.



6:00 AM

Nagising si Andy mula sa pagkakatulog. Napuyat siya kagabi dahil sa paguusap nila ni Arthur. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga sa kama. Lumabas siya ng kwarto at bigla siyang napatingin sa pinakahuling silid.

"Oras na! " bulong niya sa sarili.

Dahan dahan siyang naglakad papunta doon at nang nasa harap na siya ng pinto ay agad niyang pinihit ang door knob upang buksan pero naka lock ito.

Kinuha niya ang susi mula sa kanyang bulsa at agad binuksan yon. Pag bukas niya ng pinto ay agad bumungad sa kanya ang apat na tao na nakatali mula sa kinauupuan ng mga ito. May tapal din ng masking tape ang mga bibig nito. May bahid ng mga natuyong dugo ang mga muka nito hanggang sa mga suot nitong damit.

Ito ang pamilyang totoong nagmamayari nitong bahay. Pinahirapan nila ng husto ang mga ito at nang mawalan na ang mga ito ng malay ay ikinulong nila ang mga ito sa pinakahuling silid.

Kinuha din nila ang mga alahas at pera ng mga ito. Walang naramdamang awa si Andy habang ginagawa niya ang mga iyon.

"Ito na ang tamang oras para maglaro! Matagal na nung huling ginawa ko ito kaya sobrang nasasabik na ako. Ito na ang huling araw niyo sa mundo. " wika ni Andy sa mga kawawang nilalang na nasa harap niya.

"Ano pre sisimulan na ba natin?"--Jerome

Napatingin si Andy sa kanyang likuran ng marinig yon. Nakita niya ang tatlo niyang kaibigan mula dito.

"Kanina pa ba kayo diyan? " nakangiting tanong ni Andy.

"Kararating lang, kanina pa nga kami gising eh inaantay ka lang namin. "

"O ano tatapusin na ba natin ang mga yan?! "--JV

"Yup! Kanina pa nga ako excited eh!!  Kaya simulan na natin!! " tila nababaliw na sabi ni Andy.

"Sandali!...... Paano yung tatlong bisita natin kagabi? Paano kung marinig nila ang mga ginagawa natin? " nag-aalalang tanong ni Arthur.

"Wag kang mag-alala itinali ko na sila sa kama sa loob ng kwarto nila. Alam na din naman nila ang lihim natin kaya ayun binugbog na namin hanggang sa mawalan sila ng malay. "--JV

"Pero paano nila nalaman?! " takang tanong ni Arthur.

"Bumangon kasi ako kagabi para uminom sana ng tubig at nang pababa na ako sa hagdan ay nakita ko yung bata na patagong nakatayo sa pinakasulok ng hagdan habang pinakikinggan ang usapan niyo ni Andy. Natural magsusumbong yan kaya ang ginawa ko hinila ko siya at binuhat papunta sa itaas. Nakita naman ng mga magulang niya ang ginawa ko kaya pati sila ay dinamay ko na rin. Nagpatulong pa ako kay Jerome para patahimikin yung tatlo kaya yun knock out sila! Hahaha!! " mahabang kwento ni JV.

"Pero bakit hindi namin kayo narinig? " takang tanong ni Andy.

"Malinis at tahimik kasi kaming magtrabaho! Hehehe"--Jerome

"O siya siya tama na ang daldalan simulan na natin ang laro!! Utos ni Andy habang may nakakatakot na ngiti.

"Alright!!!! Sabay sabay na sigaw ni JV at Jerome.





                        Itutuloy.....












Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon