Chapter 18

333 5 1
                                    

Andy's POV

Bigla akong naalarma nang agad itinutok sa akin ni Arthur ang baril na kanyang hawak. Talagang seryoso siyang patayin ako sa mga oras na to.

Bago pa niya maiputok ang baril na hawak niya sa akin ay agad na akong nakaiwas mula dito. Tila ibang Arthur na ang nakikita ko ngayon, talagang nilamon na siya ng kanyang matinding dahil sa akin. Pero gayunpaman ay hindi ko hahayaang mapatay niya ako. Kailangan kong makaisip ng paraan upang makalapit sa kanya.

Nagpaputok ulit siya ng baril pero hindi ako tinamaan. Akala ko katapusan ko na non dahil sobrang lapit na ng bala sa aking muka noong binaril niya ako.

Sobrang desperado na akong patayin siya para makaligtas sa larong ito kaya patakbo akong lumapit sa kanya habang hawak ang aking patalim, wala na akong pakialam kung tamaan niya ako o hindi.

Buti nalang ay hindi marunong umasinta ng baril itong si Arthur kaya madali akong nakalapit sa kanya. Agad ko siyang inundayan ng saksak pero dumaplis lamang ito sa mukha niya. Nabitawan niya ang baril na hawak niya kaya kinuha ko na ang pagkakataon na yon para pumaibabaw sa kanya.

Habang nasa ibabaw niya ako ay agad ko siyang inundayan ng sunod sunod  na suntok sa mukha. Ayoko munang patayin siya sa mga oras na ito dahil gusto ko muna siyang pahirapan ng husto at ibuhos lahat ng hinanakit sa kanya.

Puro dugo na ang mukha niya dahil sa dami ng suntok ko. Nalagas narin ang kanyang mga ngipin. Saglit akong huminto ng pagsuntok sa kanya upang kumuha ng hangin dahil sa labis na pagod ko.

"Magpaalam ka na ngayon Arthur dito sa mundo dahil tatapusin na kita!!! " Mariin kong sabi sa kanya sabay taas sa ere ng hawak kong patalim upang isaksak sa kanya.

"Any last wishes?! " Sarkastiko kong sambit.

Napangisi lang siya sa sinabi ko. Nagtaka naman ako doon at huli na ng mapansin kong hawak na niya ang baril niya kanina. Kaya pala hindi siya lumalaban kanina  at parang iginagalaw niya ang kaliwa niyang kamay ay dahil sinusubukan niyang kunin ang baril na nabitawan niya at hindi nga siya nabigo.

Bigla niyang itinutok ang baril sa akin. Tila naestatwa naman ako dahil doon pero bigla kong ibinalik sa wisyo ang aking sarili at mabilis kong itinutok sa kanya ang patalim na hawak ko upang saksakin.

Pero bago ko pa man maisaksak sa kanya ang kutsilyo ay pinaputok na niya ang baril at agad akong tinamaan sa kaliwa kong balikat. Napatalsik ako doon dahil sa lakas ng impact ng bala na tumama sa akin at agad ko ring nabitawan ang kutsilyong hawak ko.

Napahawak ako sa balikat kong tinamaan upang pigilan ang pagdugo. Nakita kong paupong bumangon si Arthur kahit nahihirapan siya dahil sa mga sugat na tinamo niya sabay tutok sa akin ng baril na hawak niya.

"Nice try bro! Masyado mo akong minaliit! Dapat kasi pinatay mo na agad ako imbes na pahirapan pa! Isa't kalahating tanga ka talaga kahit kailan! Yan tuloy mukhang ikaw pa ang unang mapupunta sa impyerno sa ating dalawa!! " Nangaasar niyang sambit sa akin.

"Tss! Sige iputok mo kung kaya mo! Ano hindi mo magawa diba?!  Kilala kita Arthur! Sa ating apat ay ikaw ang pinaka mahina ang loob! At isa pa alam kong patay na patay ka sa akin kaya hindi mo kayang gawin yan!........ O ano pang hinihintay mo?! Iputok mo na!!! " Kampante kong hamon sa kanya dahil alam kong hindi niya yon kayang gawin.

"Ano pang hinihintay mo kuya Arthur? Kalabitin mo na yang baril para matapos na ang mga paghihirap mo at makalaya ka na! Bakit?! Huwag mong sabihin na mahal mo parin siya matapos ang lahat ng ginawa niya sa inyong magkakaibigan?! Wag kang tanga kuya Arthur! Kahit kailan ay hindi ka niya magagawang mahalin! Ni hindi nga niya kayong trinatong totoong kaibigan diba?! Ginamit niya lang kayo para sa mga kalokohan niya!......... Naiintindihan mo ba yon kuya Arthur?!.........GINAMIT NIYA LANG KAYO!!!" Pangungumbinsi ni Barbie kay Arthur.

"Narinig mo yon?! Iputok mo na ang bari---" Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang iputok ang baril sa dibdib ko. Napahawak ako dito at nang tignan ko ang kamay ko ay puro dugo. Unti unti na akong kinakapos ng hininga, napaluhod na ako mula sa aking pagkakatayo habang hawak ang aking dibdib.

"H-hayop k-ka! Wala k-kang utang na l-loob! Hindi a-ako makapaniwalang ginawa m-mo sa akin ito na k-kaibigan mo!...... D-dapat pala hindi lang y-yan ang ginawa ko......... sa yo! Hayop ka!!! " Pautal utal kong wika dahil sa labis na panghihina.

"Pwe! Nakakasuka ka! Hindi na kaibigan ang turing ko sayo mula kanina! Kahit ang nararamdaman ko sayo ay nawala na lang na parang bula dahil sa kagaspangan ng ugali mo! Papatayin naman talaga kita eh! Gusto ko lang makita ka sa ganyang kalagayan! Tignan mo ang sarili mo! Masahol ka pa sa nakakadiring ipis at daga! Kaya nararapat lang yan sayo!!! Hahaha!!! "--Arthur

"H-haypo kang d-demonyo ka! Papatayi--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang niyang iputok ang baril. May naramdaman akong tumutulong likido sa noo ko at pagkapa ko dito gamit ang kamay ko ay nakita kong dugo ito ng tignan ko ulit ang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Arthur na tila hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"Ang dami mong satsat! Nakakarindi ka na sa tenga! O ayan pinagbigyan na kita sa gusto mo! Siguro naman masaya ka na?! Ikamusta mo nalang ako kina JV at Jerome pag nagkita kayo sa impyerno! Paano? Hanggang sa muli!!" Narinig kong sambit niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Talagang nilamon na siya ng galit niya sa akin. Hanggang sa unti unti nang dumidilim ang paningin ko at tuluyan na akong mawalan ng buhay.




                      Itutuloy....

Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon