Ana's POV
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Napatingin siya kay Andy habang umiiling na parang sinasabi niya dito na wag maniwala sa akin.
Nakita ko naman ang pagmumuka ni Andy na tila naguguluhan sa mga nangyayari. Bakas sa mukha nito ang inis at pagtataka habang nakatingin kay Jerome na tila nagtatanong kung anong ibig kong sabihin.
"Ano na Jerome? Sabihin mo na sa amin kung anong namamagitan sa inyo ni Tiffany na GIRLFRIEND nitong si Andy." Tanong ko sa kanya habang may pagdiin sa salitang Girlfriend.
"A-ano bang pinagsasabi mo diyang hinayupak ka?! S-saang lupalop mo naman ng impyerno nakuha ang tanong na yan?! " Di niya mapakaling tanong sa akin.
"Jerome naman! Wag ka nang magmaang-maangan pa! Alam ko ang lahat ng bahong itinatago niyong magkakaibigan! Kaya magsabi ka nalang ng totoo kung ayaw mong putulin ko yang kaligayahan mo!! " Banta ko sa kanya sabay tingin sa kanyang pagkalalaki.
Nagmatigas parin siya. Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon na wari moy walang pakialam sa mga sinasabi ko.
"Ayaw mo ba talaga?! Alam mo na kung anong mangyayari sayo kapag hindi mo sinunod ang gusto ko!! " Mariin kong sabi sa kanya.
"Kahit patayin mo pa ko ay hindi ko sasabihin sayo!! " Nakangisi niyang tugon sa akin na tila nang aasar.
"Bibilang ako ng sampu at kapag hindi ka pa nagsalita ay pasensyahan nalang tayo!! " Taas kilay kong sambit sa kanya.
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lim---
Naputol ang pagbibilang ko nang bigla siyang magsalita.
"Sampu!!! " Matapang niyang bigkas habang nakatitig sa akin na tila nangaasar.
"Talagang sinusubukan mo ko ha?! " Bulong ko sa aking isip.
"Ano ba kasi yung tinutukoy niya Jerome na may namamagitan sa inyo ng girlfriend ko?!!! Tinatraydor niyo ba ko?!! Putang ina magsalita ka!!! " Nagwawala sa galit niyang tanong kay Jerome.
Napayuko nalang si Jerome. Mukhang hindi niya talaga sasabihin ang lihim niya. Mukhang mas takot pa siya kay Andy kesa sakin! Hmp! Pinili mo yan kaya panindigan mo!! Bulong ko sa aking isip.
Agad kong kinuha ang kutsilyong nakapatong sa lamesa na malapit sa akin. Lumapit ako kay Jerome at agad hinubad ang kanyang pantalon maging ang kanyang panloob. Tumambad sa akin ang natutulog niyang pagkalalaki.
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Ramdam ko ang panginginig ng buo niyang katawan dahil sa takot at kaba.
"A-anong gagawin mo sa k-kanya?!! " Natatarantang sigaw ni Arthur.
Tumingala ako sa pagkakaluhod sa harap niya upang tignan ang pagmumuka niya. Halos matawa na ako sa itsura niya. Tagatak na ang pawis sa mukha niya at tumutulo narin ang kanyang uhog.
"Say goodbye to your birdie Jerome!! Hahaha!!! " Mala demonyo kong sambit sa kanya.
"H-huwag..... M-maawa ka please!! " Inosente niyang pagmamakaawa sa akin.
"It's too late my Dear!!! Nakangisi kong tugon sa kanya.
Agad kong itinutok ang hawak kong kutsilyo sa pagkalalaki niya at ilang saglit pa ay agad kong hiniwa ito ng paulit ulit hanggang sa maputol. Bumulwak ang masaganang dugo sa kanyang naputol na pagkalalaki matapos kong gawin yon.
"Aaaaaahhhh!!! " Malakas na sigaw ni Jerome habang nagpupumiglas mula sa kanyang pagkakagapos dahil sa matinding sakit.
Napapikit nalang ang tatlo at napayuko dahil sa nasaksihan nila. Mangiyakngiyak na si Arthur habang nakayuko at samantalang sina Andy at JV naman ay halatang nagpipigil ng galit. Natawa nalang ako ng bahagya dahil sa mga reaksyon nila.
"O ano na Jerome?! Sasabihin mo na ba sa kanila o tutuluyan nalang kita para matapos na ang paghihirap mo?!! " Banta ko sa kanya.
"Hayop kang gago kaaa!!! Oras na makawala ako dito papatayin kitaaa!!! " Nanghihina niyang bulyaw sa akin dahil sa daming dugong nawala sa kanya.
Inangat ko ng bahagya ang kutsilyong hawak ko na namantsahan ng dugo at pinaikot ikot sa palad ko habang mala demonyong nakatitig sa kanya.
Natahimik siya sandali dahil sa kutsilyong nakita niya na hawak hawak ko. Bumakas ang takot at kaba sa kanyang mukha.
"Fuck!!! S-sige na sasabihin k-ko na!!! " Nauutal niyang tugon dahil sa nerbyos.
"Sus! kailangan ko pa talagang putulin yang ari mo para magsalita ka lang! Pinatagal mo pa!! " Taas kilay kong sambit sa kanya.
Tumingin siya sa kawalan bago simulang magsalita.
"M-may.......may l-lihim kaming relasyon ni Tiffany at m-mag iisang taon na naming itinatago yon. " Pagaamin niya sa kanyang sikreto.
"A-anong sinabi mo?! Tama ba yung narinig ko?! " Nanlilisik na mga matang tanong ni Andy.
Tumango nalang si Jerome bilang pagkumpirma sa tanong ni Andy.
"Gago kang hayop kaaa!!! Papatayin kita!!! Trinaydor mo ko!!! Papatayin kita!! " Nagwawalang bulyaw niya kay Jerome.
Napayuko nalang si Jerome sa kanyang pagkakagapos. Napapangiti nalang ako dahil sa mga napapanood kong eksena. Ang sarap nilang paroonin habang nagaaway-away dahil sa mga bahong ibinulgar nila.
"Ano ba yan Andy, lahat nalang ng mga kaibigan mo ay may issue at itinatagong kagaguhan sayo! Nakakaawa ka naman! Una si JV ay gusto ka nang mamatay, pangalawa si Arthur ay may lihim na pagnanasa sayo, ngayon si Jerome ay iniiputan ka naman sa ulo! Tsk tsk! Magkakaibigan ba talaga kayo?! Hahaha!!! " Pangaasar kong bulyaw sa kanya.
"Shuuut up you bitch!!! " Nagpupuyos sa galit niyang sigaw sa akin.
"Okey fine! Eto tatahimik na! Hahaha!! " Tugon ko sa kanya habang tumatawa na tila nangaasar.
"Os siya! Ituloy na natin ulit ang masayang laro!" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
"Ito na ang huling round ng laro kaya pwede na kayong makahinga ng maluwag maliban syempre kay Andy" Sambit ko sabay tingin sa kinaroroonan ni Andy.
"So Andy handa ka na ba?! " Sarkastiko kong tanong.
Hindi siya sumagot, tinignan lang niya ako habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Mukhang handa ka na naman, kaya Andy tatanungin kita, Truth or Dare?! " Nakangisi kong tanong.
Napailing-iling nalang siya habang nakangisi na tila nababaliw bago sumagot.
"Dare!!! " Matapang niyang tugon.
"Nice! Wag kang magalala hindi ko na babaguhin ang desisyon mo katulad ng kay Jerome!! Hahaha!!! " Tila nababaliw kong halakhak.
"Andami mong satsat na gago ka!! Simulan mo na nang matapos na tong mga kagaguhan mo!!! " Reklamo niya.
"Highblood?! O eto na po kamahalan pasensya na kung nainip kayo!! " Sarkastiko kong pangaasar sa kanya.
Napangisi nalang siya ng mapait habang umiiling-iling sa kawalan.
"Hmmm.... Ano kayang magandang Dare sayo? " Pagiisip ko habang nakatitig sa kanya.
"Ah! Alam ko na! Sigurado akong magugustuhan mo tong ipagagawa ko sayo! " Nakangisi ng mala demonyo kong sambit sa kanya.
"Alam kong nagpupuyos ka na sa galit dahil sa mga katarantaduhang ginawa sayo ng mga plastic mong kaibigan! Ngayon pagkakataon mo na ito para makaganti sa isa sa kanila! So ito ang Dare ko sayo! " Mala demonyo kong sambit sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo sa sanabi ko dahil sa pagtataka.
"Gusto kong patayin mo ang isang pinaka kinabibwisitan mo sa kanila!!! " Mariin kong utos sa kanya.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ng tatlo niyang kaibigan sa narinig nila. Napangiti nalang ako.
"Yun lang ba?! Sobrang dali naman ng inuutos mo!! " Nakangisi niyang tugon.
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?