Agad tumakbo si Arthur sa taas upang tignan ang naturang pamilya na ikinulong at itinali nila sa kwarto. Laking gulat niya na pagbukas niya ng pinto nito ay wala na doon ang tatlo.
"F*ck! Hindi ito pwedeng mangyari!" sigaw niya sa kanyang isip.
Agad siyang pumunta sa silid kung saan natutulog si Andy upang gisingin ito. Ngunit bago niya mabuksan ang pinto ng kwarto ay may naramdaman siyang matigas na bagay na humampas sa kanyang ulo sa likuran. Unti unting nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa mawalan siya ng malay.
**********
12:15 PM
Bumangon si Andy sa kama mula sa kanyang pagtulog at nag unat unat ng katawan. Tinignan niya ang oras sa kanyang phone.
"Tanghali na pala, napahaba ang tulog ko. " bulong niya sa sarili.
Agad siyang bumaba upang tignan ang kanyang mga kasama. Nakita niyang natutulog si Jerome sa sofa habang naka bukas ang TV. Lumapit siya dito at tinapik tapik upang magising.
"Ano ba? Istorbo naman eh kitang natutulog yung tao! " reklamo ni Jerome nang siya'y magising.
"G*go! Tumayo ka na diyan! Magtatrabaho na tayo!!.... Nasaan na ba yung dalawa?! " tanong ni Andy.
"Si JV umakyat sa taas kanina upang magpahinga, si Arthur naman ay hindi ko alam nandito lang kanina yon nanonood ng TV." sagot ni Jerome habang nag-uunat.
"Tawagin mo na sila para makapag simula na tayo dahil atat na atat na akong umalis dito." utos ni Andy.
"Yes Boss! " walang ganang sagot ni Jerome.
Agad umakyat si Jerome sa itaas upang tawagin ang dalawa. Nang makarating na siya dito ay kinatok niya ang pinto kung saan natutulog si JV.
"Hoy!! Gumising ka na diyan magsisimula na tayo!!! " sigaw niya dito habang kumakatok.
"O sige andiyan na!!! " sagot ni JV sa loob habang humihikab.
Sunod namang hinanap ni Jerome si Arthur ngunit hindi niya ito matagpuan doon. Sinilip na niya ang buong silid sa itaas ngunit hindi niya ito nakita.
"Saan na naman ba nagpunta yon? " tanong ni Jerome sa kanyang sarili habang nagkakamot ng ulo.
Biglang sumagi sa kanyang isipan ang silid kung saan nakakulong ang tatlong taong nakituloy sa kanila kagabi.
"Baka nandoon na siya!.... Masyado namang excited! " bulong ni Jerome.
Lumakad si Jerome sa pinaka huling silid kung saan nila kinulong ang mga ito.
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto nang makarating na siya dito.
"Arthur andito ka b---"
Agad naputol ang kanyang sasabihin ng mapansin niyang wala doon ang tatlo nilang bihag.
"F*ck!!!! Saan napunta ang mga yon??!! Paano sila nakawala??!! " sunod sunod na tanong ni Jerome.
Agad siyang pumasok sa kwarto at nagbabakasakaling nandoon pa ang mga ito. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa buong kwarto ngunit hindi niya talaga nakita ang mga ito.
Habang hinahanap niya ang mga ito ay biglang sumara ng malakas ang pinto. Nagulat siya ng sobra kaya agad siyang napalingon doon.
"S-sinong n-nandiyan??!! Arthur ikaw b-ba yan??!! " nauutal na wika ni Jerome dahil sa sobrang pagkagulat.
"Wala siya dito pero...... Pero andito kami! "
Napalingon si Jerome sa kanyang likuran kung saan nanggaling ang tinig na kanyang narinig. Pagharap niya dito ay may biglang humampas na matigas na bagay sa kanyang muka upang siya'y matumba at mapadapa sa sahig.
BINABASA MO ANG
Midnight Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung may kumatok sa pinto ng iyong bahay sa dis oras ng gabi upang makituloy? Papapasukin mo ba?