Chapter 9

477 7 0
                                    

6:00 PM

Halos mabaliw na ang apat sa kakaisip kung paano sila makakawala sa pagkakagapos sa kanila. Unti unti na kasing natutunaw ang yelong tinatapakan nila at dahil doon ay lalong humihigpit ang pagkakabigti sa kanilang leeg.

"Hoy JV! Umisip ka naman ng paraan kung paano tayo makakaalis dito! Konting konti nalang ay mabibigti na tayo ng wala sa oras! Naturingan ka pa naman na pinaka may utak sa atin!! Tsk! " Di mapakaling sigaw ni Jerome.

"Paano ako makakapag isip ng maayos?! Eh kanina ka pa putak ng putak diyan! Imbis na makapag isip ako ay lalo lang akong ninenerbyos dahil sa ginagawa mo! " Inis na tugon ni JV.

"Tumigil nanga kayong dalawa!! Nakakarindi na kayo sa tenga!! Hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa mga bunganga niyo!! Mga wala talaga kayong silbi!! " Galit na saway ni Andy.

Agad namang natigilan ang dalawa sa pagtatalo dahil sa nakakatakot na bulyaw ni Andy.

"Oo nga pala! Andy diba hiniram mo yung pocket knife ko kagabi?, at naaalala ko pa na inilagay mo iyon sa bulsa mo matapos mong gamitin! " Biglang singit ni Arthur.

Biglang nabuhayan ng loob si Andy matapos niyang marinig iyon. Nawala sa isip niya na may dala pala siyang pocket knife dahil sa dami ng nangyari.

Agad niyang kinapa ang bulsa sa likod ng pantalon niya gamit ang mga nakatali niyang kamay. Hindi siya nabigo sa paghahanap dahil ilang saglit lang ay nakapa niya ito sa kaliwang bulsa ng kanyang pantalon. Agad niya itong kinuha doon at ng makuha na niya ay sinimulan na niyang putulin ang lubid sa kanyang mga kamay gamit ito.

Pero lumipas ang ilang minuto ay parang walang nangyayari sa paghiwa niya sa lubid. Buong buo parin ito at tila hindi lang man nagagasgasan. Sinubukan pa niyang diinan ang paghiwa dito pero wala talagang nangyayari sadyang napakatibay ng lubid.

"Aaaaah!!! Bakit ayaw mong maputol?!! " Nagpupuyos sa galit na sigaw ni Andy.

Dahil sa sobrang inis ay binitawan nalang niya ang kutsilyo hanggang ito'y malaglag sa sahig.

Tila nanluno ang tatlo niyang mga kasama dahil nawala na ang pagasa nilang makatakas sa lugar na iyon.

Ilang saglit pa ay may biglang isang tinig na tila nanggagaling sa isang speaker ang kanilang narinig.

"Hahaha! Nakakatawa kayong paroonin! Pinapakita niyo lang sa amin kung gaano kayo kainutil! Wag na kayong magsayang ng panahon para putulin ang lubid na yan dahil kahit anong gawin niyo ay hindi masisira yan mga tanga! Anong akala niyo sa amin gagamit kami ng mababang klase ng lubid para lang igapos kayo?! Hahaha!! Nagpapatawa ba kayo?!  At alam din naming may kutsilyong nakatago sa bulsa ni Andy! Nalaglag nanga yon  kanina nung simulan namin siyang igapos diyan, pinulot ko lang at ibinalik sa bulsa niya dahil gusto naming makita kung anong klaseng katangahan ang gagawin niya pero hindi namin inaakala na mas triple palang katangahan ang gagawin niya!! Hahaha!! " --Edgar.

"P*tang *na mo gago ka!! Lumabas ka diyan sa lunggang pinagtataguan mo!! Pakawalan mo kami dito at lumaban ka ng patas!! " Nagwawala sa galit na sigaw ni Andy.

"Hahaha!! Ano yon joke?! Alam mo kahit pakawalan pa namin kayong lahat diyan at magtulong tulong pa kayo na labanan kami ay hindi niyo kami matatalo! Tandaan niyo hindi niyo pa kami lubusang kilala at lalong hindi niyo pa alam ang mga kaya naming gawin sa inyo! Mga hunghang!! "--Edgar

"Talaga lang ha?!! Eh di patunayan niyo!! Pakawalan niyo na kami dito para magkaalaman na mga gago!! " Nakangising sambit ni Andy.

"O sige sige! Mukang atat na atat na kayong mamatay eh! Edi simulan na natin ang laro!! Pero bago yon, subukan niyo munang kumawala diyan sa mga pwesto niyo bago tayo maglaro!! Hahaha!! "

Midnight Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon