Princess👑2

14.5K 423 154
                                    


Princess 2

Deceived


Nakahiga pa rin ako habang naka-tingin sa ceiling. I just couldn't forget the moment I was with him. Siya ba talaga 'yon? Why is he good to me? Akala ko ba mean siya sa lahat? Well, that's all just according to Tatty.

Hay, dahil sa boredom ay binuksan ko ang galaxy type na ceiling. Kung gagamitin mo kasi ang blue na remote ay magiging galaxy type ang buong silid. It's kind of scary but relaxing. Para siyang live wallpaper at parang makatotohanan talaga. Pero bago pa ako ma antok ay tumayo na ako.

Nagpalit na ako ng damit ko. Hindi na ako nag-effort pa at pantulog na lang. Dinner lang naman at isa pa pagbalik ko baka matulog na ako kaagad. Dahil sa totoo lang, pagod ako.

Mula sa speaker sa itaas ng kama ko, narinig kong nagsalita si Erica. Para siyang intercom o intercom talaga?

"Sam, dinner na raw," sabi niya kaya tumayo na ako. Parang nagmamadali ang kanyang boses.

"On my way!" sagot ko naman. Maririnig niya 'yon.

I'm with my pajamas and I'm a bit conscious with it. Mamaya kasi naka gown pa ang lahat at naka-ayos. Pero iniisip ko rin kasi, kakain lang naman 'di ba?

Pagbukas ko ay agad na pinuna ni Erica ang damit ko. Sabi ko naman, tinatamad na ako para mag ayos pa ng todo. Hindi naman sinabi na dapat magsuot ng gown para sa dinner. At isa pa, hindi ako nandito para magpaganda o ano.

I'm here to learn? Ewan ko pa rin.

Pagbukas ng malaking pinto ay bumungad sa akin ang isang long table na may fourteen na tao. The king was seated on the middle while looking at me with so much intensity. Kako na nga ba at kakaiba ako. Lahat sila ay naka ayos! Ang aarte naman talaga. Baka pati pagtulog ay ganyan din sila?

Ngumiti ako sa kanila 'tsaka yumuko ng bahagya.

"Sorry, I'm late."

Iginiya naman ako ng isang Butler para makaupo sa gilid, sa unahan kung saan sobrang lapit sa hari.

Bakit dito?

Kinabahan na naman ako. If I were to choose, I'd choose a little far from him. Nakaka-pressure kasi.

Nilingon ko ang mga kapwa ko royalties at nginitian. Some of them are familiar. Ang iba ay taga Xaiton Academy rin. Mukhang mababait naman silang lahat pero hindi nakatakas sa paningin ko ang isang malditang prinsesa na talaga namang kilala ko!

Si Saysay Tatiara na isang senior sa Xaiton. Ex siya ni James at sobrang suplada niyan! She's so flirty and rude! Napaka arogante din ng isang 'to. Palibhasa'y galing siya sa pamilyang maarte.

Hindi ko alam kung paano naging sila ni James. Basta ang alam ko hindi rin naman sila nagtagal.

Pinabayaan ko nalang siya at pinagtuonan ng pansin ang mga prinsipe sa harap ko. Lahat sila ay naka tingin sa akin kaya nginitian ko sila isa isa. They are all drop dead gorgeous and that's obvious. Mga head turner din ang mga 'to.

"Stop staring, Azalea."

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Zaceius. Hindi ko inasahan. Hindi inasahan ng kahit na sino.

Nilingon ko siya at masama ang tingin niya sa mga lalaki. Nahiya tuloy ako bigla. Mamaya isipin nila na pinagnanasahan ko sila which is not true. Tsk.

"Hmmm?" tanong ko at napasinghap naman silang lahat habang nakayuko.

"I said, you eat," may diing sambit niya.

"Okay," sagot ko 'tsaka ginalaw na ang spoon at fork. Napalingon ako sa kanya at naka tingin lang siya sa akin. Nginitian ko siya saka nagpatuloy sa pagkain.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon