Princess👑10

10.3K 351 24
                                    

Binabawi ko na pala na may gusto ako kay Zac! Hinding hindi ko siya magugustuhan. Iyong sinabi ko, hindi totoo 'yon. I didn't mean it and I was just bluffing. Ayaw ko palang sumugal sa isang laro na kung saan alam kong dehado ako.

"Oo nga, sa tingin ko nga eh may something talaga," sabi ni Kyline.

Nakikinig lang ako sakanila. Mas maganda na na malaman mo una palang kaysa naman malaman mong kasinungalingan lang pala lahat sa huli eh buong akala mo nasa cloud 9 ka na. Mas masakit 'yon.

"Hoy mag hunos dila tayo, andito ang kapatid niya." Natatawang sabi ni Ica habang nakatingin kay Abby.  Natawa silang lahat pero ako ay nanatiling seryoso.

"Dark is my brother but I will never be on him if I know he's up to something bad. I will never tolerate him, duh!"

"Hoy, biro lang naman 'yon. Masyado ka namang hot," si Ica.

Ngumisi si Abby. "Thank you." saka ito kumindat. Mga siraulo.

Andito kami ngayon sa kwarto ni Abby. We are talking about Zac and his first love. And this talking made me realize that it's better to stop this shitty feeling right now. If I say right now, I mean it! Hindi ns ako papatol sa laro niya. He wants me as a toy, huh? As if naman magpapalaro ako. I can always avoid him, though.

Zac is still into his ex. First love eh. Mahirap kalimutan ang first love. At isa pa, maganda yung ex niya. May hinaharap, matambok ang pwet, at higit sa lahat matured. Ano namang laban ko?

Nakakainis naman kasi eh. Bakit kailangan mahulog agad? Hindi pa naman ako totally nahuhulog sakanya pero I can feel it. It's getting deeper. Crush palang ngayon. Inaamin ko nang crush ko siya. My friends enlightened me. Crush ko daw iyong cruel king na 'yon. Akalain niyo ano, ang bilis kong na fall. At sa kagaya niya pa. Panget na nga ang ugali, hindi pa ako kayang saluhin. Mas magandang wag nalang siya. Pero hindi naman kasi madaling diktahan ang puso at isip.

According to Jenny, Zac is just using me as rebound. He wants to move on pero hindi niya magawa that's why he need someone to divert his attention to it. At ang walang kwentang lalake ay napili ako. Wow, ha! Buong akala niya naman siguro ay magpapaloko ako? Ha, baka naman!

"Pero there is really this thing na nagpupull sa'king maniwala sa mga conclusion niyo towards may brother. Oops, not because he is my brother." Nag sign siya ng stop nang umambang magsalita si Kyline. "He never treated Jassana the way he is treating Sam. Ni hindi nga siya gan'on ka vocal eh!"

"Eh kasi siyempre ginagamit lang naman siya. You know, desperate moves." Ang sarap isampal itong hawak kong lata ng coke kay Ica dahil sa sinabi niya.

Pumalakpak si Abby ng isang beses. Medyo inis na siya.

"I doubt that. Kung mahal niya si Jassana, bakit hindi niya pinaglaban noon? Bakit hindi niya hinabol?" Sige lang, paasahin mo pa ako Abby.

"Kasi bago palang yung feeling sakanya. First eh. First love." Pati si Jenny nakikisali narin. Masyado kasi nilang binibigdeal. Crush palang naman. Pwede pang magamot.

"Para sa'kin lang, ha." Tumingn sa'kin si Kyline. "He's into Samantha. Kasi sa tingin ko, kaya niya ito ginagawa dahil ayaw niya nang nagaya si Sam kay Jassana. Dahil para kay king Dark, iba si Sam. She's more than Jessana."

Parang sumabog yung party popper sa loob ng puso ko. Butterflies started to dance inside my stomach. Hindi ko alama na ganito ang epekto niya sa'kin. I am feeling scared because of it. I don't like this feeling. It's making me really insane.

Kapwa napaisip ang lahat at isa isang tumango. Sang ayon sila na gusto din ako ni Dark. Pero ako hindi parin. Alam kong mahal niya parin si Jassana. Akalain niyo 'yon? He even dared to kill himself just for Jassana to come back in his arms again. Iba talaga. Hindi ko akalain na ganito siya katindi. I wanna clap real hard! Tss.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon