Princess👑15

9K 289 28
                                    

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Nagising nalang kasi ako nasa kwarto na ako. Kanina naman habang nag bre-breakfast kami, sinabi ni Zac saakin na binuhat niya daw ako dahil nakatulog ako sa kwarto niya. Hindi niya lang 'yon basta sinabi dahil narinig yun ng lahat. Para bang may pinaparinggan siya. Grabe talaga ang hiya ko kanina! Ano nalang kaya ang iisipin nila? Na malandi ako?

Ngayon naman, naglalakad lakad ako. May meeting sila Zac kasama ang ibang lower kings sa labas ng Kingdom. Ewan ko kung saan pero alam kong and'on si daddy.

Biglang tumawag si kuya. Tinignan ako nila Christy, Erica at Dianne. Sumama sila sa'kin dahil wala pa naman daw silang gagawin. Masaya nga silang kasama eh. Hindi sila kj kagaya ng iba. Sila din ang nakakasama ko minsan dahil busy ang ibang royalties. Ako nga lang ata ang royalty na hindi nagiging busy.

"Yes, kuya?" tanong ko. Nilingon ko yung cellphone. "Hoy, Anong trip mo?" hindi kasi siya nagsasalita eh on going parin naman ang call.

"Kuya, Azure!" sigaw ko. Halos lamutakin ko na yung cellphone.

"Oh my God!" Nagulat ako nang  sabay na nagsalita si Christy at Dianne. Bakit parang gulat na gulat sila? At base sa nga mata nila, they look excited. Para bang may kaabang abang na mangyayari.

Curiouser and curiouser.

"Ah-ahm, bibisita ako next week diyan." Nanlaki ang mata ko.

"Really?!" Tatalon na saka ako sa saya pero nang mapagtanto ko na sabay kaming tatlong sumigaw, mas lalo akong na curious.

Ngumiti naman sila. Humihibgi ng paumanhin. "Kayo ah, may secret ata kayo." Isa isa ko silang nilingon. Si Christy at Dianne ay nagpipilit ng tawa. Dumako naman ang mata ko kay Erica na nakayuko at... Namumula?

"Erica, may sakit ka ba? Namumula ka!" Nataranta akong hinawakan ang leeg niya na hindi naman mainit. Kumalma naman ako. Para na siyang lasing dahil sa kapulaan.

"Samantha, what's happening?" Ay, nakalimutan kong on going parin pala?

"Kuya, later nalang.  Wala ka ding kwentang kausap. Bye. Love yah!" Bago pa siya makapagsalita ay napatay ko na ang telepono.

Tinignan ko silang tatlo. "Bakit ang weird niyo? May tinatago kayo sa'kin ano?" Hindi sila umimik at nagawa nalang. Maliban nga lang kay Erica na namumula talaga. Kinakabahan ako dito sa babaeng 'to. Ilang taon na nga ba 'to? Magkataon lang naman siguro kami, I think, because we both have the same height.

"Okay ka lang ba talaga? Pwede kitang idala sa infirmary. O kaya naman kung ayaw mo, you can rest too. Isama mo nalang sila Christy at Dianne para may kasama ka," sabi ko at hinalikan sila sa pisngi. Ngumiti sila.

"Why so sweet, lil Vegera?" Iyan ang huling sinabi sa'kin ni Dianne bago ako umalis.

Kumakain naman ako ng lollipop habang naglalakad ako dito sa hallway. Bakit parang walang mga royalty? Dati rati, kahit saan ako pumunta madaming naliligaw na royalties kung saan saan. Ngayon naman ay kahit anino nila hindi ko makita. Haist!

Papataas na sana ako nang may tumawag sa atensyon ko. Paglingon ko ay nakita ko si Agustus na blanko ang ekspresyon habang nakapamulsa. His face was so serious. Saan kaya pinaglihi ang isang 'to?

"Pinapatawag ka ni Abby. They're playing at the open space. And'on silang lahat," bagot na sabi niya. Kulang nalang humikab siya!

"Ah, okay."

Kaya naman pala. Kanina pa ako naghahanap at wala akong makita. Mahirap talagang maghanap kapag wala kang alam kung saan sila. Lalo na't sobrang lawak nito. Hindi ko pa nga kabisado ang pasikot sikot dito eh.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon