Princess👑23

9K 289 43
                                    

Nagtataka na talaga ako. It's been months but still, I haven't received any calls or messages from my mommy or daddy. Even my kuya Azure didn't contact me anymore after he went here. Nakakapanibago lang dahil hindi naman sila gan'on. I mean, they will always call me even they are busy.

Si Tatty. I've been calling her since yesterday dahil hindi narin nagparamdam. Kinakabahan ako dahil baka may kung ano nang nangyayare sakanila.

Sabado ngayon at wala naman kaming ibang gagawin. Plinano ko nalang na dito nalang ako sa kwarto ko at magpahinga. I want to watch some movies. Naihatid na din kasi ni kuya Leon ang mga pinamili ko noong pununta kami sa Royalty M.

Wearing my terno pajama, sinet ko ang tv. Hindi pa ako naliligo pero mabango pa naman ako. Gan'on talaga kapag malinis ka sa katawan. Baka nga kahit isang linggo pa akong hindi maligo mabango parin ako eh. At confident ako diyan!

Babalik na sana ako sa kama ko pero may kumatok. Sana naman hindi sila Kyline ito. Baka kasi yayain nila akong lumabas.  Okay lang sana kung dito sila mag stay pero staying in a room is not there thing. Ayaw nila ng gan'on.

"Ye-eees?" So, andito siya? Hindi siya magtratrabaho? Ang alam ko busy siya every saturday eh!

Tinignan niya ako. Nag iingat ang bawat galaw niya at hindi ko alam kung bakit. He seems scared.

"Hi! Wala kang work?" I said while smiling. Naramdaman ko ang paghinga niya ng maluwag. He then held my waist and we both enter in my room. He locked it.

"Wala, and I want to spend my free time with you,"

Napanguso ako at tumango. I am hiding my smile. Sino naman kasi ang hindi kikiligin diba?

"Hindi ka pa nakaligo?"

Parang lumubog ang mundo ko dahil sa tanong niya. Papunta na kami sa kama ko at ngayon binabawi ko na ang mga sinabi ko! I am not confident anymore. Consciousness covered my whole system.

Sinamaan ko siya ng tingin at lumayo. Mabilis niya namang nahawakan ang likod ko. Nakaupo na siya sa kama ko at nakatayo ako sa harap niya. Nagtaas siya ng kilay sa ginawa ko.

"Hindi naman ako mabaho! Ang sama mo," nakabusangot kong sabi. Napailing siya habang nakangiti. Hinila niya ako at pinaupo sa hita niya.

"I am just asking my girlfriend, what's wrong with that? Hindi ko sinabi na mabaho ka," he said, sniffing my neck. Hindi parin talaga ako sanay sa mga ganitong stunt niya.

"You're wearing your corporate attire. Saan ka pupunta ngayon?" Tanong ko at nilaro ang neck tie niya. Hindi niya inaalis ang titig niya sakin.

Inayos niya ang buhok ko. My eyes drifted on the Flatscreen tv na nag play na pala. I will watch horry Potter series today.

"I cancelled everything today. I want to be with you," nilingon ko siya.

"Pwede ang gan'on?"

Hinaplos niya ang bewang ko sinamaan ko siya ng tingin. Parang wala lang sakaniya ang ginagawa niya samantalang ako halos mamatay na dahil sa kilig.

"Why not? I manage my own time. Kapag sinabi kong gusto kong magtrabaho sa kwarto ng girlfriend ko, wala na silang magagawa doon."

Nag init ang mukha ko dahil doon. What does he mean by magtrabaho? Parang ang dumi naman kasi pakinggan.

"Eh anong gagawin mo dito? Boring dito. I will just gonna watch movies and eat foods. Nothing is special in here,"

"You're in here. So there's special in here. At isa pa, you don't want me here?" Painosenteng tanong niya. His eyes landed on my lips. Nag toothbrush naman na ako kaya pwede na.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon