Princess👑19

8.7K 273 28
                                    

"LUMABAS ka na d'yan, baby."

Shit! What to do? Kailangan ba hindi ko siya pansinin? Act normal ba? Argh! Bakit ba ako nagpapanic? 'Wag nalang kaya akong pumunta sa dinner? Pero gutom na ako.

"Please, come out now." tila nawawalan ng pasensyang aniya.

Pero kasi, kinakabahan talaga ako. Anong una kong sasabihin? Pakiramdam ko kasi masisira na ang future ko kaoag nagkita kami. Pakiramdam ko may nagagawa akong mali.

"Why not, maging snob ka nalang," that's what Tatty said when I called her for advice. Siguro naman pwede kong pagkatiwalaan ang advice niyang iyan.

"Okay, Sam, you can do it."

Damn, stop smiling! Baka hindi ko matiis at mapangiti ako mamaya.

Inayos ko ang pajama top ko sinuklay ang mahaba kong buhok. Bahala na.

Binuksan ko na ang pinto at hindi ko na kailangan pang pikitin ang sarili na hindi mapangiti dahil sa bumungad sa'kin.

Zac is with Saysay. Diretsa ang tingin ko kay Saysay na may audacious na ngisi. Pinag ikutan ko lang siya ng mata at nauna ng naglakad. Wala na, sita na kaagad ang araw ko. Akala ko pa naman kaming dalawa lang.

Akala ko ba mahal niya ako?

"Baby,"

Halos manlaki ang mata ko sa narinig. Gosh, tinawag niya akong baby sa harap ni Saysay? Nagawa ako sa isip ko. Tama lang 'yon, para alam niya kung saan siya lulugar.

Hindi ko siya pinansin kahit nahawakan niya na ang siko ko. Siya ang nagbukas ng double door ng dining room kaya nakatakas ako sa hawak niya. He even uttered some curses. Diyan siya magaling eh. Ang mag mura.

Pagkaupong pagkaupo ko ay inasar agad ako ni Ezekiel. "Hello, baby Sam!" sinamaan ki lang siya ng tingin dahil wala ako sa mood.

"Okay ka na?" tanong sa'kin ni Abby na tinanguan ko lang. Ngumiti naman siya at binulong sa ibang girls na okay na ako. I really want how sweet they are to me.

Sa pagkain, hindi tumigil si Zac sa paggawa ng eksena. Nahihiya na nga ako kay Bailon at Leon dahil nakangisi sila sa'kin. Si Zaico naman ay kumakain lang ng tahimik, hindi lumilingon.

Naalala ko pala! Yung garden na pinagawa niya para sa'kin. "Zaico!" tawag ko. Sana pala hindi ko siya tinawag. Dapat mamaya nalang kapag wala ng gaanong tao.

Nag angat siya ng tingin sa'kin. Nakataas ang kilay at sobrang sungit ng awra niya.

"Tapos na ba yung garden?" Kabado kong tanong. Bakit ba kasi kailangan nila akong titigan. Tapos nakadagdag pa sa tensyong nararamdaman ko ang higpit ng hawak ni Zac sa hita ko.

"Yes, last month pa." saka ito bumalik sa pagkain. Napatango nalang ako at lumingon sa gilid ko. Para akong humarap sa isang nag aalab na apoy. His eyes were perfectly darted on me with so much intesity and conviction.

"W-what?" tanong ko saka bumalik sa pagkain. I just want to see the garden. Gustong gusto ko nang makapunta doon. In fact, I've been missing our garden in our palace. I miss how the different kinds of flowers sway as the wind blows. I miss how I watch them turn wet because of the countless drops of rain. I just miss my garden.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming naglakad ni Zac papunta sa kwarto namin. We are clouded with deep silence. None of us were able to speak. Kahit ako din naman mahihiya kapag nag confess ako sa paraan ng kanya.

Ramdam ko parin ang hawak niya sa bewang ko habang  nakanguso lang ako. I don't know what to say. Nanatili parin kasing malamig ang awra niya. Pakiramdam ko nakagawa ako ng kasalanan. Something horrible that it affected him so much.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon