Princess👑5

12K 386 63
                                    

Ewan ko ba kung dapat bang andito ako. Parang pinaglalaruan lang naman nila ako eh. Pero as if naman magpapalaro ako, diba? Hindi naman kasi ako tanga para mag enjoy sa laro ng iba.

Isa pa ah, naiinis ako dahil naka gown ako ngayon. Finally, tumawag si mommy kagabi. Okay na sana eh kaso pinagalitan ako. Bakit hindi ka nagsusuot ng gown? Bakit hindi ka behave? Ano bang ginagawa mo diyan, tambay? Siya kaya dito?

Kasama ko si Abby dito sa field. Nakaupo kami sa Bermuda grass habang umiinom ng frappe. Hinayaan kong lumobo ang gown ko para magandang tignan. Kahit papaano naman, conscious din ako sa look ko ano. I may be carefree sometimes but not all the time. Haha.

"Abby, kamusta ang kuya mo bilang hari. Ah no, bilang kuya?" Biglaan kong tanong. Binaba niya ang binabasa niyang libro at tumingin saakin ng nakangiti.

"Interested siya!" Tawa niya.

"Hindi ah. Curious lang ako."

Bilang kuya ang tinanong ko. Malay natin iba ang ugali niya as a king of this kingdom from kuya of Abby. Nagbabakasakali lang naman na may changes.

Umayos siya ng upo at tinitigan ako ng mabuti.

"He's cold at hindi niya hilig ang ipakita ang sweet side niya. Magugulat ka nalang minsan. Hindi kasi siya gaanong showy pero kapag nagmahal 'yan, sagad."

Wait, parang may mali.

"Bakit parang ang layo ng sagot mo?" Tumawa siya kaya natawa din ako mg bahagya. "Sabi ko as kuya! Kung ano ano nanaman ang sinasabi mo eh."

Umiling iling siya.

"Actually, mabait siya. Maalaga siya at ma effort... Minsan! Pero kapag nag effort naman 'yan, hindi mo makakalimutan." She smiled sincerely.

Pinatong ko ang baba ko sa dalawang palad ko habang nakatungkod ang mga siko ko sa tuhod. Bakit parang ang attentive ko?

"He's like a father to me. Even though he can't say he loves me, I can feel it naman. Pero sana, dumating yung time na ako naman ang makakapagpasaya sakaniya. You know, after ate Jassana broke up with him, nagbago talaga siya."

Who the heck is Jassana?

Feeling ko parang nalukot ang mukha ko. Sino naman yung Jassana? First girlfriend ni Zac? Ay aba, buti may pumatol?

"3 years din sila n'on ah."

Wow, nagtagal pa sila. Buti at nakaya niya ang ugali no'ng mokong na 'yon? Kung ako, baka one week lang. Eh, bakit ako? Halla siya!

Ewan ko ba kung bakit ayaw kong marinig ang kasunod, ang alam ko lang gusto kong mag horse back riding!

"Tara maga horse back riding?" Pagyayaya ko. Hindi naman kasi ako interesado sa kwento niya. Ang sakit sa ears.

Napansin kong nagpipigil siya ng ngiti. "Ikaw nalang muna, ate. Tinatamad ako, mamaya mahulog ako walang sasalo."

Iniwan ko na siya don. Ang dami niyang alam sa totoo lang. Sa dami niyang alam, maapektuhan ka sa bawat sasabihin niya. Pareho nga sila ng kuya niya. Walang nakapagtatakang magkapatid ang dalawa.

Nagsabi nalang ako sa isang gwardya para magpakuha ng kabayo. Sabi ko ay puti ang gusto ko. Sana lang ay meron. Dala ko kasi ang cellphone ko at gusto kong mag selfie! Ipopost ko sa IG ko. Matagal na din bago ako nag post doon. Last post ko eh nakatalikod si Zaico habang naka wacky naman ako.

Nang marinig ko ang ingay ng kabayo, lumingon agad ako. Pero halos lumabas ang puso ko dahil sa bilis ng tibok.

Wearing a white longsleeve button down polo, paired with black pants and a boots, he looked at me with his dark eyes. I felt my knees became weak. What is going on? Si Zac lang naman 'yan eh! Pero kasi, ang gwapo niya ngayon. Mas gwapo! Lahit galit ako sakanya, aaminin kong ang hot niya ngayon.  Isama mo pa yung sinag ng araw habang nangangabayo siya.

Huminto siya sa harap ko kaya nag iwas ako ng tingin. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang puting kabayo. At alam ko na ata ang mangyayari. And the thought of me, riding in a horse with him makes me so damn anxious!

Tahimik siyang bumaba sa kabayo niya at lumapit saakin. His dark, cold eyes met mine. I feel like I am melting. This feeling is so strange.

"I want you to come with me." Ang lamig ng boses niya. He's acting so cool while I am acting like a fool. Just great!

"Hmm, saan?" Kailan pa ako naging marupok? Ha, kailan pa?!

Totoo ba na nakita ko siyang ngumisi at nag iwas ng tingin? And damn, he was like a demigod, for real! I didn't expect myself to say this kind of praises for him. Buti nalang hindi siya mind reader kagaya ni Agustus.

"Let me keep it as a secret. For now, sumama ka nalang muna sa'kin." Hinawakan niya ako sa bewang and I was so stunned with his sudden touchy move! Nataranta ako.

"Woah, kaya kong maglakad." Lumayo ako sakanya at lumapit sa kabayo ko. Sumunod siya at nasa likod niya ako.

Tataas na sana ako pero halos mapatili ako sa ginawa niya. He held my waist so tight before lifting me. Kinabahan ako pero hindi ko alam kung para saan. His touch affects me! What the hell is this?

"Paano ako mangangabayo kung ganito ang posi--- woah!"

Nagulat ako nang siya naman ang sumunod. Sumampa siya at nakasakay na siya sa likod ko ngayon. We are too close with each other. Feeling ko maririnig na niya ang tibok ng puso ko.

Nang gumalaw ang kabayo ay mapalapit ako sa balikat niya.

"Bakit naman kasi makikijoin ka pa sa'kin? Ayon yung kabayo mo oh." Hindi niya ako pinansin at inayos jiya pa ang upo ko at ang damit ko.

"You're so cute with your white gown. Bagay sa damit ko."

Halos mamula ako sa sinabi niya. Sinabi niya bang cute ako? At oo nga, puti din ang polo niya. Pero ano bang dapat sabihin ko? Should I say thank you? Argh!

"S-stop chainging the topic. Ayon yung kabayo mo oh. Iiwan mo lang siya diyan?" At nabulol pa talaga ako. Why am I so damn nervous and affected?

Hindj ako mapakali lalo na't sobrang lapit ko sakanya. Nararamdaman ko nga ang dibdib niya sa balikat ko eh.

"Kasalanan mo 'to." Nagsimula nang gumalaw ang kabayo kaya mas lalo akong napahawak sa balikat niya.

"Hindi ako sanay sa ganito, Zac. Please, bababa nalang ako. Feeling ko mahuhulog ako." Kabado kong sabi. Paano naman kasi, parang mag I slide ako anytime. Bakit kasi kailangang pa side diba? Pwede naman kumayang at naka gown naman ako.

"I won't let you fall alone." Bulong niya sa tenga ko!

Laglag ang panga ko nang hawakan niya ang bewang ko gamit ang isang kamay bago pinatakbo ang kabayo.

Nasa kamay niya ang buong atensyon ko! Ang weird nung feeling habang hawak niya ako sa bewang. I can feel the gentleness with it. Magaan pero sakop niya ang lahat.

"By the way, name this white horse. Starting today, this horse is now yours. Ito ang gagamitin nating dalawa everytime na gusto ming mangabayo."

Tanggap ko pa yung sa kabayo thingy. Pero yung makasama siya palagi habang mangangabayo ako ng ganito ang posisyon, hindi ko naman  ata kaya 'yon!

At, kabayo naming dalawa? Talaga lang, huh?







The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon