Princess👑21

8.8K 300 15
                                    

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Wala na akong nararamdamang sakit at parang na recharged ata akong mabuti. Naalala ko, nahimatay pala ako.

I was about to move but when I felt someone's arm snaked around my belly, I stopped. Zac is quietly sleeping beside me. His face was so peaceful and relaxing to look at. Pero bakit siya andito sa kwarto ko? And why is he hugging me? Nakakapanibago nanaman.

Oh, baka siya ang nagdala sa'kin dito. Pero bakit siya nasa tabi ko? I thought he's mad at me? Ah basta, galit parin ako sakaniya.

Ilang segundo palang ay nag vibrate ang tiyan ko dahil sa gutom. Umungol si Zac kaya inalis ko ang kamay niya sa tiyan ko dahil alam kong nagising na siya. Umupo ako at tinignan ang paa.

"What are you feeling?" Malamig niyang tanong. Okay, galit siya and so I am. Pataasan nalang ng pride!

Hindi ko alam kung among ginagawa niya sa likod ko pero kinakabahan ako.

"I'm fine," walang ganang sagot ko. Tumayo na ako at pumasok sa banyo. I looked at my face and my hair was so messed up. Nag bun ako at naghilamos. Nagsepilyo din ako bago lumabas. Gan'on parin ang suot ko kaya naman nagpagpasyahan kong magpalit. Akala ko meron pa siya doon pero wala na. Okay.

Naiinitan ako dahil hapon palang at sikat na sikat parin ang araw. Summer kasi kaya normal lang na mainit. Kinuha ko ang large white longsleeve polo saka sinuot. Nagmistulang dress ito sa'kin dahil sa laki. Nagsuot parin ako ng white short panloob. Ganito talaga ang sinusuot ko kapag mainit. Hindi naman siya malaswang tignan dahil hindi sobrang iksi.

Sinuot ko ang tsinelas kong punong puno ng puting feather bago umalis at lumabas. I want to eat. Gutom na gutom na ako. Bakit naman kasi hindi niya ako ginising?

Wala ng pagkaing luto panigurado. Maybe I could just ask some of their cook to prepare food for me. O kaya naman ako nalang ang magluto.

Sa baba ay nakasalubong ko si Kyline na nagulat sa presensya ko. "Okay ka na?" Malambing na tanong niya. Natawa ako kasi hindi niya bagay na naglalambing. Mas cute siya kapag mataray.

"Yup! Gutom lang ako kaya baka magluto ako,"

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakashort siyang puti at itim na t shirt. Halatang kaliligo lang niya dahil naamoy ko pa ang strawberry shower gel niya. Too girly.

"Sabay na tayo. Halos lahat and'on sa kitchen area. Nagkwekwentuhan habang kumakain."

"Sige," sagot ko. Malayo palang ay nakita kong nagkakasiyahan sila sa loob ng kitchen. Glass door kasi kaya nakikita agad sila. Nakaupo sila Jennie, Abby, at Ica sa high stool. Gan'on din sila Bailon at Percival.

Hindi nila napansin ang pagpasok namin. Umupo kaagad ako sa tabi ni Jennie, sa pinakadulo. Kumingon siya sa'kin at ngumisi. "Gising na pala si Sam eh! Kain ka na," aniya saka kumuha ng plato.

"Oh, bakit nakayuko ka na Bailon?" Pang aasar ni Percival.

"Okay ka na?" Tanong ni Augustus at tumango naman ako at ngumiti ng tipid.

"Kuhanan kitang pagkain, Sam?" Suhestiyon ni Abby kaya agaran akong umiling.

"Ako na, masyado niyo naman akong binebaby eh," tawa ko saka tumayo. Umikot ako para pumunta sa harap, kung saan nagluluto si kuya Leon. "Ano po 'yan?" Natawa naman siya.

"Drop the 'po', Sam. Nagmumukha akong matanda."

Napairap ako. Ang arte, ha! "Ano iyan?" Pag uukit na mas laking ikinatawa niya.

"I'm cooking spaghetti. I bet this is your favorite pasta food?" Aniya saka hinalo ang sauce nito. Naamoy ko na at ang bango bango talaga!

"Yes, yes, yes! Palagi akong nilulutuan ni kuya Azure eh." Sabi ko.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon